Imee's Pov:
Maaga akong nagising ngayon araw dahil first day ng harvest sa farm. Hindi naman kalayuan sa bahay ang farm at pede ito lakadin ng mga 10 mins mula sa bahay.
Isinakay na namin sa pick up ang mga tubig sa malaking cooler at mga tinapay para sa meryenda ng aming mga farmers.
Nagpaalam na naman ako sa kay nanay Lucil na mauuna na ko sa farm.
Tinugunan nya ko ng tango at sinabi na mag ingat at wag daw ako mag alala dahil may kasama naman akong tutulong.
Si nanay talaga malamang may kasama akong tutulong alangan naman na mag isa lang akong mag harvest sa buong farm.
Pagka dating ko sa farm ay nagsi simula na pala sila kanina pang 6am. Mahigit isang oras na.
Binati naman nila ako at pinaalalahanan na mag suot ng long sleeves, pants at bota.
Natawa naman ako dahil ako nga pala ang nagpa alala sa kanila na mag suot ng protective clothes pero eto ako na nagsuot ng t-shirt at short.
Nagpakuha na lang ako sa staff namin ng maisusuot dahil meron naman kaming pinagawa na cr dito sa farm para sa mga farmers.
Maya maya pa at dumating na ang damit ko at sinulimulan ko ng magpalit para tumulong.
Nandito ako sa mga hanay ng mangga. Ang dami at lalaki ng mga mangga na iha harvest namin. Tuwang tuwa naman akong manungkit at ilagay da kaing ang mga nakuha.
....
Kinatanghalian ay dumating na ang pagkain namin. At niyaya na ang lahat para kumain muna.
"Mam Meero, may dadating po pala na magbi bigay dito sa amin ng supply ng isda at manok" sabi ni manong benny.
"Sino po manong ? Isa po ba sa kaalyado ng pamilya namin ?" Tanong ko naman.
"Hindi po sinabi ng mama mo mam pero ang alam ko po yung anak po ng kaibigan ng mama nyo po ang magbibigay ng personal" sagot naman nito.
"Balita ko yung anak daw mam ay gwapo at matangkad" singit naman ni nanay Cecile.
"Kayo ho talaga, kain na ho ng kain at tignan na lang natin, alam nyo naman ho ang mama ko lahat ng anak ng kaalyado nya o ka business nya gwapo" natatawa ko naman na sagot.
Nagtawanan naman sila at nagsi tanguhan.
Rod's Pov:
Maaga akong nagising dahil maaga daw ide deliver yung mga isda at manok na ipamimigay namin sa kaibigan ng pamilya ko dito.
Galing pang Davao ang mga ito. Habang isa isang chine check ay napansin ko naman na balot balot na ito na parang relief goods. Marahil ay para walang mag lamangan.
Tinulungan ko na lang makarga ang mga ito sa maliit na truck upang matapos ng mabilis dahil tanghali na din.
Pagkatapos na pagkatapos namin magkarga ay binigay naman sakin ni nanay Fe ang address ng bibigyan namin ng mga ito.
Ang nakasulat lang ay JIR farm. Di ko naman na gets kung saan ito kaya binigay ko na lang sa driver at sinabi na mauna at ako ang lilikod sa truck para masundan sila.
Dahil sa kabilang bayan pa namin kinuha ang mga supplies ay isang oras din kami bago makarating ng JIR farm.
Binuksan naman ito ng gwardya na naka abang sa malaking gate sa harap.
Pagka baba namin ng supplies, ay nakita ko na harvest season pala nila. Dahil busy pa ang mga farmers ay napag pasyahan ko naman na mag libot libot na muna at wag muna sasabihin sa mga ito na andito na kami dahil baka ma destruct pa sila sa trabaho nila.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️