Conversation

13 1 0
                                    

Analea's POV

Habang iniinom ko ang cappuccino ko nakita ko si Tyler na pumasok sa coffee shop. Medyo pagod ang itsura niya pero nagawa pa rin niyang ngumiti ng konti nang magtagpo ang mga mata namin.

Kinawayan ko siya at umupo naman siya sa harapan ko at inilapag ang phone niya sa mesa.

Nakita ko yung wallpaper niya at hindi na ako yung nandun. Dalawang buwan na din ang lumipas simula nung maghiwalay kami. At nagulat ako nang bigla silang lumipat sa university kung saan ako nag-aaral ngayon.

Pero alam ko naman ang dahilan kung bakit siya lumipat at hindi ako iyon. Kundi dahil utos ng Daddy niya na sundan yung mapapangasawa niya.

Simula nung naging kami, hindi niya ako kailanman sinundo o hinatid sa school. Kaya medyo nagseselos ako. Bakit handa siyang gawin ang lahat para sa isang babaeng hindi naman niya kilala, samantalang ako, na naging girlfriend niya ng dalawang taon, hindi man niya nagawa yun?

Yung ibang estudyante sa Sierra Heights alam na naging magkarelasyon kami. Pero hindi lahat, dahil pinili naming maging pribadong dalawa.

Iniwasan din namin ang press at gusto rin niya na hindi ako madamay sa mga articles. Gusto niya ng tahimik na relasyon. Pati mga magulang niya, hindi ako personal na nakilala. Tanging kapatid niyang si Thalia lang ang may alam tungkol sa amin.

"Hey," bati niya, as usual seryoso na naman ang mukha niya.

"Hi, Tyler," sagot ko na pilit pinapanatili ang lakas ng boses ko. "Salamat sa pagpunta."

"Of course, what's up?"

Huminga ako ng malalim at sinubukang ayusin ang mga iniisip ko. "Gusto ko lang talagang mag-coffee kasama ka."

"Come on, Analea," sabi niya.

Napansin ko na mula nung naghiwalay kami nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Naging malamig na siya.

"May mga naririnig akong usap-usapan sa school kaya gusto ko lang malaman direkta mula sa'yo."

Medyo kumunot ang noo niya. "What is it?"

Nag-alangan pa ako at ramdam ko ang tibok ng puso ko. Dapat ko ba itong sabihin sa kanya?

"Sinasabi ng mga estudyante na kayo ni Avery ay...nagde-date na." Pinaglaruan ko ang mga kamay ko para mabawasan ang kaba ko. "Totoo ba 'yun?"

Tahimik lang siya at hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Tumingin siya sa kape niya at dahan-dahang hinahalo ito. Parang humahanap siya ng tamang salita para sagutin ang tanong ko.

"Yes, we are." pag-amin niya.

Biglang sumikip ang dibdib ko sa natinig ko. So sinisimulan na pala niya ang gusto ng Daddy niya na makilala si Avery bago sila ikasal.

Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko pero pinilit kong ngumiti. "Oh, I see."

"Bakit mo natanong?" tanong niya. This time nakatingin na siya ng diretso sa mga mata ko.

"Gusto ko lang siguruhin na sinusunod mo ang utos ni Tito Art." Pagsisinungaling ko. "Alam na ba ni Avery yung tungkol sa arranged marriage?"

Tumango naman siya. "Alam niya."

Pakiramdam ko ay nawawala na ang kontrol ko sa usapan pero pinilit kong magpakatatag. "Ah, okay."

"Pinakilala ko na siya sa mga magulang ko sa bahay. Nag-dinner na kami at pinag-usapan ang kasal."

"That's good," sabi ko. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko kahit anong pilit kong pigilan.

Yan ang dahilan kung bakit napilitan akong makipaghiwalay sa kanya. Kailangan niyang pakasalan ang iba at ayokong maging sagabal sa plano ng mga magulang niya.

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon