Avery's POV
Dumating na ang araw ng kasal. Alas-diyes na ng umaga at sobrang kabado na ako. Malabo sa isip ko ang mga nangyari sa bachelorette party, puro tawanan at inuman lang ang naalala ko.
Hindi ko na matandaan ang nangyari pagkatapos umalis ni Ruth papuntang restroom. Ang alam ko lang, nagising ako sa kama ko, iba na ang suot kong damit at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa dami ng tequila shots na nainom ko.
Kadarating ko lang ngayon sa kwarto kung saan ako aayusan. Nandito na ang mga staff at abala na sila sa kanya-kanya nilang ginagawa. May mga pagkaing inihanda rin para kung sakaling magutom kami dahil aabutin na kami ng tanghali. Mamayang hapon pa naman ang kasal.
Abala si Secretary KC sa paligid at sinisiguradong maayos ang lahat. Nasa mannequin na ang aking wedding dress, isang obra ng puting lace at mga detalyadong beads.
Abala rin sa kwarto sina Thalia, Analea, at Ruth. Kasalukuyan silang inaayusan. Si Ruth ang maid of honor ko at yung dalawa naman ang bridesmaids ko at kahit may awkwardness na nangyari sa bachelorette party, nagpapasalamat pa rin ako sa presensya nila.
"Good morning, Miss Avery," bati ni Secretary KC, inabutan ako ng isang tasa ng kape. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Antok pa rin," pag-amin ko habang iniinom ang mainit at nakaka-comfort na kape. "Parang kulang pa rin ang tulog ko kahit natulog naman ako maghapon kahapon."
Natawa si Ruth, "Yan ang nangyayari kapag sobra ang pag-inom." Kumakain pa siya habang inaayusan ang buhok niya.
Pinaupo na ako ni Secretary KC sa kung saan ako aayusan. Napansin ko na may limang babae na nandito para mag-assist sa amin. May mga photographers din na kinukuhanan kami ng videos at photos, nakakailang tuloy gumalaw.
Ang babae na na-assigned sa akin ay maingat na inaayos ang aking buhok at makeup. Tahimik lang ako at pinapabayaan siyang gawin ang trabaho niya habang ang isip ko ay gumagala sa mga malalabong alaala ng bachelorette party. Kahit anong pilit ko wala akong maalala sa nangyari. Basta ang ginawa ko lang, natulog lang ako buong araw kahapon at nagising na lang ako gabi na.
Pagkatapos ng halos isang oras ng pag-aayos ngumiti sa akin ang makeup artist. "There, all done." sabi niya ng may warm at reassuring na boses.
Pagdilat ko ng mga mata ko at tumingin sa salamin halos hindi ko makilala ang sarili ko. Napakaganda ng ayos ng buhok ko at pinalamutian ito ng mga maliliit na butterfly. Napakaperfect din ng makeup ko at nilabas nito ang natural features ko. Hindi ko mapigilang maging grateful sa galing ng artist.
"Wow, Avery," sabi ni Ruth at namamangha. "Ang ganda mo sobra."
Tumango si Secretary KC at ngumiti nang malaki. "Totoo, Miss Avery. Siguradong mahuhulog ang panga ng lahat sa iyo."
Lumingon si Analea mula sa pag-aayos ng kanyang gown. "You look beautiful, Avery," Sincere na sabi niya. "Really, you do."
Napangiti ako sa mga komento nila.
Tumingin ako kay Thalia na tapos na sa pag-aayos ng kanyang gown at abala na sa pag-aayos ng buhok niya. Sandali niya akong tiningnan, walang ekspresyon ang mukha niya, tapos bumalik na siya ulit sa ginagawa niya nang walang sinabi.
Napansin ko lang na parang hindi siya komportable sa akin. Mula noon, hindi pa kami nagkaroon ng chance na makapag-usap.
Tinulungan na nila akong tatlo na suotin ang wedding dress ko. Ang purong puting satin ng bodice ay sobrang sarap sa pakiramdam sa balat ko, ang structure design nito ay nagbibigay ng perpektong kumbinasyon ng elegance at comfort. Ang intricate na lace overlay ay nagdagdag ng delicate na kagandahan at ang mga sequin ay kumikislap sa ilaw, kumakatawan sa magaganap na okasyon.
BINABASA MO ANG
A Journey Through Love and Loss
RomanceAvery Sandoval, a spirited and determined woman, faces a devastating diagnosis that threatens to upend her life and the future she envisioned with her husband, Tyler. As they navigate the emotional and physical challenges of her illness, their love...