5 years ago..
"Anong pangalan niya?" Tanong ng tatlongpu't taong gulang na si Pablo sa lalaking kaharap, tinutukoy niya ang babaeng lumabas sa isang silid. Nandito siya sa bahay ng mga Fesariton para maningil sa pagkakautang nito sa kanyang ama. At hindi siya puwedeng umuwi ng walang nakukuha na bayad mula dito.
"J-June, siya si June Aileen pero wag mo siyang kukunin Pablo, hindi mo puwedeng kunin ang anak ko." Sabi ng lalaki na para bang natunugan ang gusto ng binatang kaharap. "Siya lang ang nag-iisang kasama ko sa buhay at hindi maaari ang naiisip mo dahil hindi ako papayag."
Napangisi naman si Pablo at tiningnan ang balingkinitan na babae na lumabas mula sa kuwarto at ngayon ay nasa kusina. Maliit lang ang bahay ng mga ito kaya kita mo na ang lahat sa kaunting kilos lang. Pero nagtanong lang naman siya kung sino ang nakita niya kaya bakit parang takot na takot ang lalaki na nasa harapan niya? "At ilang taon na siya?" Muli niyang tanong bago humithit ng sigarilyong hawak.
"F'Fifteen, k-kinse anyos pa lang ang anak ko at menor de edad pa siya. Labas din siya sa kung ano mang pagkakautang ko sa inyo kaya hindi na natin siya dapat isali pa dito." Sagot ng lalaki at biglang tinawag ang anak. "Pumasok ka nga muna sa loob Aileen, doon ka muna sa kuwarto mo at may bisita ako kaya huwag ka munang lumabas." Sabi niya dito. Natatakot siya sa kung ano mang gustong sabihin sa kanya ni Pablo dahil siguradong wala siyang magagawa pag nagkataon. At ngayon pa lang iniisip niya na hindi lamang ang tungkol sa kaligtasan niya kung hindi lalo na sa anak niya. At hinding-hindi siya papayag na may gawing hindi maganda si Pablo dahil ito na lang ang kayamanan na mero'n siya.
Tumango-tango si Pablo sa kaharap na parang nag-iisip kung ano ba ang sasabihin. Muli niyang hinithit ang hawak na sigarilyo at saka tiningnan si Armando. He saw his daughter after he stopped and looked on his father before she went inside of her room. Simple, bata, sariwa at maganda ang dalagita. At sa edad pa lang 'yon na kinse anyos kaya paano pa kung mag-dalaga na ito? Siguradong mas maganda ito at pansinin dahil sa natural na angking ganda.
Siya ang pinapunta ng kanyang ama para singilin si Armando Fesariton sa utang nito pero sa itsura pa lamang nito ngayon ay alam niya ng wala itong pambayad at lalong hindi ito makakabayad sa kanya. Buti sana kung maliit na halaga lamang ang pinag-uusapan kaso hindi dahil milyon ang kailangan nitong bayaran sa kanyang ama. At hindi puwedeng ito pa ang masusunod kung kailan nito gustong magbayad dahil sobra-sobra ng palugit ang naibigay niya dito. Hindi lang din kasi ito ang unang beses na siningil niya si Armando at pangatlong beses na kung tutuusin pero ngayon lang siya nagpunta sa bahay nito kaya ngayon niya lang din nalaman na may anak pala ito.
"B-Babayaran ko naman ang utang ko kay Felipe pero bigyan muna kamo ako ng kaunti pang panahon. " Nakikiusap na sabi ni Armando dahil 'yon ang nararapat na gawin niya ngayon ang pakiusapan ang binata. Hindi naman niya kasi alam na matatalo pala sa sugal ang perang nahiram niya sa ama nito. Akala niya kasi mababawi niya ang pera sa casino pero hindi dahil lalo lamang siyang nalubog na nalubog at napautang ng napautang sa kung sino-sino dahil gusto niyang makabawi hanggang sa lumaki na nga ng lumaki ang utang niya na umabot sa sampung milyon. At ngayong nagkakasingilan na ay hindi niya na alam kung saan maghahagilap ng ipapang-bayad dito dahil lagi nga siyang talo sa sugal.
"Hindi ko rin naman kayo tatakasan kung 'yan ang iniisip dahil magbabayad talaga ako." Dagdag niya pa, wala na siya ngayong puwedeng ikolateral dahil maging itong kinatitirikan ng bahay nila ay nakuha na din ng isa pa niyang pinagkaka-utangan, maging ang mga kotse na mero'n siya dati ay wala na din.
"Kung panahon lang din ang pag-uusapan sobra-sobra na ang nabigay ni Papa sa 'yo at dapat lang talaga na magbayad ka na. Kaso imbes na isipin mo kung paano mareresolba ang problema mo ay dinagdagan mo pa ng dinagdagan." Ani ni Pablo, dahil hindi naman lingid sa kanya na may utang pa ito sa iba. Pero hindi niya puwedeng palagpasin ang ganito dahil malaking halaga nga ang pinag-uusapan.
"Huli na 'to, huli ko ng pakiusap 'to at sisiguraduhin ko na makakabayad na talaga ako sa susunod." Sabi ulit ni Armando kahit hindi niya alam kung saan niya kukunin ang malaking halaga na inutang niya.
Tumayo na si Pablo mula sa pagkakaupo at saka pinatay ang sigarilyo na hawak sa ash tray na naroon din. "Wag na tayong maglokohan pa Armando dahil alam kong hindi mo mababayaran ang utang mo kay Papa, kaya babalik na lang ako pagkalipas ng limang taon at kukunin ko ang anak mo."
Naiwan namang nakatulala si Armando dahil sa sinabing 'yon ng binata at alam niyang hindi ito nagbibiro. Kahit magtago pa silang mag-ama kung saan pang lupalop ay tiyak na mahahanap at mahahanap siya nito pero hindi siya papayag na makuha ni Pablo ang anak niya.
#maribelatentastories