Kumusta? Grabe natapos na lang yong pagpapa-therapy ko pero yong sakit ng balikat at braso ko nandito pa din🥺 Para siyang nangangalay na masakit, and sa 1 to 10 8 yong sakit niya. Baka may kilala kayo na marunong mang-hilot around Montalban or Quezon city? Yong as in marunong talaga sa hilot, hindi massage ha. Ang sakit pa din kaseeee.
Hindi maikakaila ang inip sa mukha ni Pablo habang nakaupo at nakatingin kay June Aileen na busy sa pag-aayos ng mga gamot. May kasama naman ito sa pag-aayos no'n dahil nagtawag siya ng back up pero anong oras na kasi at gabi na nga pero nandito pa din sila sa bayan ng Colores. At hindi niya alam kung anong oras na ba sila makakauwi nito. They even had dinner here, kasama ang mga tauhan niya. Nagpa-order siya kanina ng pagkain nilang dalawa pero sabi ng dalaga ay iorder niya na daw ang lahat ng nandito dahil nakakahiya naman na sila lang ang kakain. Like siya pa talaga ang inutusan? At talagang sinunod niya din ang sinabi nito, he ordered food that good for 22 packs dahil aside sa kanila at mga tauhan niya ay may iba pang gumagawa dito sa building. Sabi sa kanya ni June Aileen kanina ay hindi daw ito kakain kung sila lang dalawa dahil nakakahiya daw 'yon, at siya naman ayaw niya namang malipasan ito ng gutom kaya ang siste ay binilhan niya na lang ang lahat ng pagkain para sa kanilang dinner.
Dahil may alam na ako sa pag-aayos ng mga gamot at kung ano ba ang mga dapat unahin ay nakapag-umpisa na din kami ng mga pinapuntang tauhan ni Pablo dito. Hindi naman mahirap ang ginawa namin dahil inalagay lang namin sa mga estante ang mga gamot. At kailangan ko na talagang maghanap ng pharmacist para mas maayos namin dito. Sabi sa akin ni Pablo kahit tatlo o apat daw ang i-hire ko para mas mabilis ang galaw dito oras na magbukas na nga 'tong pharmacy niya. Pero sabi ko naman ay tama na ang dalawa kasi tatauhan ko din naman 'to panigurado. Nakakatuwang isipin na hindi pakaunti-unti ang mga binili naming gamot at hindi katulad ng sa dati kong pinapasukan. Ngayon ay maraming stock at halos lahat ng makikita mo sa malalaking pharmacy ay mero'n kaming na-order.
"Inaantok ka na yata, dapat kais umuwi ka na eh." Sabi ko kay Pablo ng lapitan ko siya at kalabitin sa balikat. Mag-aalas dyis na din kasi ng gabi at may tinatapos lang kaming ayusin ng tatlo kong katuwang ngayon tapos ay bukas na namin itutuloy ang iba pa. Alam kong pago na din sila at kahit guto pa sana na mag-ayos ng mag-ayos ay bukas na nga lang namin itutuloy.
Agad umiling ang binata. "No I'm good, hindi pa ako inaantok." Pag-sisinungaling niya dito.
Tinaasan ko nga siya ng kilay, talagang mag-sisinungaling pa, E kitang-kita ko nga kanina na nakadami na siya ng hikab. "Sandali na lang kami tapos uuwi na tayo."
"Take your time, I'm good here." Ani ni Pablo na pinasigla pa ang boses kahit sa totoo lang ay inaantok na talaga siya.
Tinapos nga talaga nila June Aileen ang ginagawa nila at ang iba ay babalikan na lang nila bukas. Kailangan din kasi niyang ilagay sa computer ang lahat ng products na mero'n sila at 'yong computer na gagamitin nila para doon ay bukas pa ng umaga darating.
"What? Get in para makauwi na tayo." Aya ni Pablo sa dalaga na nakatayo pa din sa labas ng sasakyan. Nauna kasi siyang sumakay sa passenger seat at nagpaiwan naman ito doon sa labas. May kasama kasi silang driver ngayon at maging mga bodyguards ay mero'n din pero doon naman sa isa niyang sasakyan nakasakay ang mga tauhan niya.
"Do'n na lang ako uupo." Turo ko sa harapan at tabi ng driver.
"What? At bakit naman?" Nakakunot noong tanong ni Pablo.
Hindi ako sumagot pero kasi baka gawan na naman ako ng lalaking 'to ng kahalayan. Aba kahit may kasama kaming driver ngayon baka maglikot ang kamay niya no!
Umusog naman ang binata palapit sa gawi ni June Aileen at saka tiningnan ito. She looks tired too dahil marmai din talaga itong inayos kanina at nakita niya naman 'yon. "Come on umuwi na tayo kaya sumakay ka na." Sabi niya pa ulit.
Inilagay ko ang magkabilaang kamay ko sa aking beywang habang nakatingin pa din sa kanya. "Wag kang maghaharot ha, sinasabi ko lang talaga sa 'yo Pablo kapag naglikot ka habang nasa biyahe tayo bababa talaga ako." Banta ko sa kanya at tinulak siya papasok ng sasakyan at sumakay na doon. Nakakahiya din kasi sa driver niya na tumitingin sa amin kay sumakay na ako.
Hindi naman agad 'yon naunaawan ng binata, pero ng maisip niya na at maintindihan ang ibig nitong sabihin ay natawa talaga siya.
"Don't worry Aileen hindi naman ako exhibitionist para mangailangan ng viewer." Tukoy niya sa kanyang driver. "And beside we have a driver so we can't stop along the road and have sex." Bulong ng binata dito ng umandar na ang sasakyan.
Sinasabi na nga ba! Kinurot ko nga siya. "Tumigil ka nga, kakasabi ko lang ha." Masungit kong sabi, walang problema sa akin kung araw kami sumakay ng sasakyan niya pero hindi 'yong ganitong gabi at madilim dahil naalala ko lang kung ano ang ginawa namin sa labas ng hacienda ng kaibigan niya.
"I know what you're thinking, iniisip mo 'yong ginawa natin sa sasakyan na 'to diba?" Pilyong sabi ni Pablo, ito pa namang sasakyan na sinasakyan nila ngayon ang siyang sasakyan kung saan niya ito inaangkin.
Umusog ako palayo sa kanya, siraulo talaga. Naaalala ko talaga dahil ito nga 'yong sasakyan na 'yon. Pero buti na lang talaga at may driver kaming kasama ngayon kung hindi siguradong hindi din ako sasakay dito ngayon. At baka mag-commute ako pauwi.
"You can say to me if you want to do that again Aileen, puwede din naman mamaya pag-uwi natin." Sabi pa ulit ni Pablo na parang nawala na ang antok.
"Tse, tumigil ka nga!" Sabi ko at niyakap ang bag ko at sa labas na lang ng sasakyan tumingin.
#Maribelatentastories