Hindi na nabigla pa si June Aileen ng makita ang mga gamit niya sa bahay ni Pablo, nilagay ang mga 'yon sa isang kuwarto. Wala lang doon ang mga malalaki niyang gamit katulad ng cabinet at saka ng kama. Pero the rest ay mukhang nandito naman lahat.
"I guess nandito naman ang mga gamit na kailangan mo." Ani ni Pablo, he's happy that finally June Aileen is here. Na sa wakas ay nandito na ito sa bahay niya dahil ito talaga ang plano niya. Hindi niya muna iisipin ang sinabi nito sa kanya na apat na buwan lang ay tapos na ang kasunduan nila na didito muna ito. Dahil hindi rin naman 'yon mangyayari, he will not let that happen for sure.
Inirapan ko nga siya ng tingnan ko, as if may pagpipilian pa ako. Sinira niya nga diba 'yong apartment na tinutuluyan ko at alang naman na doon pa ako magpalipas ng gabi. Akala niya yata gusto ko 'to at magte-thank you ako sa kanya. "Hindi ko naman maaayos ang mga gamit ngayon dahil pagod ako kaya sa day off ko na lang aayusin 'yan." Sabi ko pa, pero tiningnan ko pa din ang mga gamit na nasa harapan ko na nandito, baka kasi nagka-rambol rambol na ang mga ito at hindi ko na mahanap ang susuutin ko bukas. May uniform pa naman kami sa botika at 'yon ang kailangan kong mahanap.
"Ipapaayos ko na lang 'yan bukas sa mga tao ko pero ngayon kumain muna tayo dahil baka nagugutom ka na." Sabi pa ni Pablo, nagpahanda talaga siya dahil alam niyang kasama naman niya na si Aileen pauwi dito sa bahay niya. He feel famish too dahil alas syete pasado na rin naman ng gabi.
Hindi ako sumagot pero sinundan ko siya ng lumabas na siya ng kuwarto kung nasaan ang mga gamit ko. Malawak ang bahay, wala itong second floor pero malawak talaga dito sa loob at mukhang maraming kuwarto. Pati ang labas na pinaka-bakuran ay malawak din pero 'yon nga lang at marami ngang tao kanina. Tauhan niya siguro dahil puro lalaki at puro mga naka-itim. Para nga din hindi nakikipag-usap dahil seryoso ang mga mukha at hindi man lang marunong ngumiti. Sila 'yong mga examples ng goons sa mga action movie kaya nga hindi ko maiwasang mapa-isip kung may ilegal ba itong ginagawa. Dahil kung mero'n ay ako na ang magsusumbong sa kanya sa mga pulis kapag nalaman ko kung ano 'yon.
But June Aileen was surprised when they went to the dining area, dahil ang akala niya na kakain lang sila ay hindi 'yon ang nakita niya. The food in the table is too much! Lalo pa at dalawa lang naman silang kakain, mero'n din doon tatlong tao na hula niya ay mga kasambahay dahil puro babae naman ang mga ito na siguro sila din ang nag-ayos at naghanda ng mga pagkain.
"Come para makakain na tayo." Pinaghila pa pa ni Pablo ng upuan ang dalaga.
Tiningnan ko pa ang tatlong babae na nasa bandang likuran ni Pablo, ngumiti pa nga ang mga ito sa akin. "T-Tayo lang ba ang kakain?" Nagtanong na ako dahil halos mapuno talaga ang lamesa sa dami ng pagkain. At oo nakakagutom!
"Nope ikaw ang kasama ko diba? So tayo lang dalawa ang kakain." Ani ni Pablo na inabutan na ng kanin si Aileen.
At dahil gutom na din naman na ako ay wala na din akong nagawa kung hindi kumain nga. I shook my head, ganito ba talaga kumain ang mayayaman? Maraming choices? Kasi kung ako lang ay ayos na ako sa isang pirasong itlog. Pero siya ay mukhang hindi gano'n dahil sanay yata siya na hindi lang iisang putahe ang mero'n bawat kain niya.
Tahimik lang silang dalawa sa buong durasyon ng pagkain nila ng hapunan. Maraming putahe ang nakahanda, naroon din ang paboritong lantakan ng binata na lechon roll na talaga namang hindi din puro taba dahil malaman 'yon at malutong ang balat. Mero'n din mga gulay pero nilaga naman 'yon katulad ng okra, talong saka talbos ng kamote na siyang kinain ni June Aileen. May inihaw na isda at may isda din na may sarsa, at mero'n din namang letchong manok na binawasan lang ng kaunti ng dalaga. Mero'n din prutas na iba't-ibang klase at alam ni June Aileen na bagong pitas lang mga 'yon.
"Nabusog ka ba? You can still eat, hindi naman kailangang magmadali sa pagkain." Sabi pa ni Pablo, he didn't eat rice. Puro ulam lang ang kinain niya dahil kapag sinabayan niya ng kanin ang pagkain niya ay tiyak na mabubusog siya agad.
"Busog na ko, pero ang dami pa din pagkain." Sagot ko sa kanya.
Natawa naman si Pablo dahil parang nanghihinayang pa ang dalaga sa pagkain na nasa lamesa, but she was right, there's still a lot of food in the table.
"Wag mo 'tong ipapatapon at puwede pa ang mga 'yan bukas na almusal." Sabi ko pa, kasi gano'n ang mga mayayaman diba? Usually ayaw nila ng tira at gusto nila lagi ng bagong pagkain. Kaya sayang naman kung matatapon lang.
"Don't worry hindi ko naman ipapatapon 'yan gaya ng iniisip mo." Komento ng binata.
"Dapat lang dahil sayang." Kumuha ako ng isang slice ng mangga at 'yon naman ang kinain ko. At masarap dahil matamis siya at hindi maasim kaya naman kumuha pa ako ng isa pagkatapos kong maubos ang una.
While Pablo looked at her while she's eating, parang ang dali nito mapatahimik kapag may pagkain. Hindi man siya nito kinakausap habang kumakain sila ay mukha namang masaya ito kanina.
June Aileen insisted to helped cleaning the table after they eat, pero doon naman bumalik ang taong babae na kasambahay nga ni Pablo para magligpit ng mga pinag-kainan nila.
"Dito na lang ako matutulog dahil nandito din naman ang mga gamit ko." Sabi ko ng bumalik kami sa pinag-lagyan ng mga gamit ko. Kukuha kasi sana ako ng damit na pamalit dahil gusto ko nga munang maligo.
Napakunot noo naman si Pablo sa sinabing 'yon ng dalaga. "Who says na dito ka matutulog? Wala kang puwedeng tulugan dito Aileen at sa kuwarto ko ikaw matutulog."
Para namang nalaglag ang panga ng dalaga sa sinabi sa kanya ni Pablo. So meaning magtatabi kami sa iisang kama? No way! Hindi puwede 'yon!
#Maribelatentastories