Kahit ngalay na ngalay na ako sa posisyon ko sa paghiga ay wala pa din akong balak magpalit ng posisyon at hindi ako titihaya. Wala nga yata talaga akong choice kung hindi dito matulog sa kuwarto ng Pablo na 'to. Pero ang kinakainis ko ay hindi ako makapalag sa kung anong sinasabi niya sa akin at oo lang din ako ng oo. Samantalang pag 'yong iba namang naniningil ng pagkakautang sa tatay ko ay nilalabanan ko talaga. Pero sa Pablong 'to ay parang naging sunod-sunuran ako, pero kasi alam ko na totoo ang mga sinabi niya sa akin dahil naaalala ko na sinabi din ng tatay ko na may babalik ngang lalaki at kukunin ako. At alam kong siya 'yon, na si Pablo 'yon. Pero sisiguraduhin ko din na hanggang apat na buwan lang ako sa poder niya at hindi na puwedeng sumobra pa. Hindi ko rin kasi alam kung may plano pa ba siyang iba sa akin o wala dahil alam kong hindi ko siya puwedeng pagkatiwalaan basta-basta.
"Alam kong gising ka pa Aileen." Sabi ni Pablo na nakatingin sa likod ng dalaga, ilang pulgada na lang ang layo niya dito at ito nga talaga ang literal na abot kamay. Pero kahit kating-kati na siya na yakapin ito ay pinipigilan niya pa din ang sarili, she will freak out for sure once he do that. At natural ayaw niyang mangyari 'yon kaya naman kanina niya pa sinasabi sa sarili na hilahin ito at yakapin simula pa kanina sa abot ng makakaya niya.
Hindi ako kumibo kahit narinig ko siya na nagsalita at pinikit ko na lang lalo ang mga mata ko. Akala niya siguro ay ayos lang sa akin ang ginagawa niyang 'to. Do'n siya nagkakamali dahil kapag nainis ako ay baka takasan ko siya ng wala sa oras. Ito ang unang beses na may nakatabi ako sa pag-tulog na kahit ultimo tatay ko noon ay hindi naman 'to nagawa. Tapos ngayon hindi ko pa talaga kilala kaya naman ganito na lang ang pakiramdam ko.
But Pablo is so consistent, he moved closer to her. "Titingin ka dito o hihilahin pa kita at yayakapin?" Muli niyang sabi at do'n na pigil-pigil ang pagtawa niya dahil mabilis nga talaga itong humarap sa kanya.
"Salbahe ka rin no?" Asik ko sa kanya dahil salbahe talaga, ano 'to bawat sabihin niya ay susundin ko agad? Ano siya sinusuwerte?
"Hindi ako salbahe Aileen dahil kung salbahe ako kanina pa kita kinubabawan at hinalikan diyan." Sabi pa ni Pablo na ramdam mo sa boses na natutuwa sa nangyayari ngayon. He can see her face, dahil gusto nito na nakabukas ang ilaw kahit siya ay ayaw niyang matulog na nakabukas 'yon. Baka daw kasi may hindi siya magandang gawin dito kaya naman hinayaan na lang niya ang gusto nito. Kahit sa totoo lang ay puwedeng-puwede niya talaga gawin ang nasa isip niya ay hindi pa rin niya gagawin 'yon.
Inirapan ko lang siya at hinila ko lang lalo ang kumot hanggang leeg ko, may unan naman na nakaharang sa pagitan namin pero kahit na. Hindi pa rin ako sanay na may katabi sa pagtulog tapos lalaki pa. "Matulog ka na nga at baka hindi kita matantsa." Sabi ko at pumikit na lang ulit.
Habang si Pablo naman ay hindi inalis ang tingin sa dalaga, he watch her to sleep. At ng lumalim na ang paghinga nito habang nakapikit ay alam niyang tulog na nga talaga ito. Maingat siyang lumapit kay June Aileen, at maingat din hinalikan ang nakaawang nitong labi bago siya naman ang natulog.
Hacienda Elizondo..
"Walang nakukulong sa utang Pablo at kailan pa puwedeng ibayad ang tao sa pagkakautang ha?" Sabi ng hacienderong si Carlos sa kaibigan, his friend paid a visit to him today. At kinuwento nga nito ang ginawa sa anak ng nagka-utang dito ng sampung milyon.
"It possible dahil nagawa ko nga diba? Beside 10 million is 10 million and hindi biro ang gano'ng kalaki na pera." Paliwanag ni Pablo bago humithit ng sigarilyo, dapat yata sa kaibigan niya na lang siyang si Killian nagpunta eh. At hindi dito kay Carlos na goody goody na sa buhay.
Carlos shook his head, hindi man siya maalam sa mga batas ay common sense na lang ang tungkol dito. Hindi puwedeng kapag hindi makabayad ang nagka-utang sa 'yo ay kukunin mo na lang ang natipuhang anak nito na ginawa nga ng kaibigan niya. That's impossible, dahil ikaw ang puwedeng makulong kapag nangyari 'yon. At ewan niya kung ano bang pumasok sa kokote ng kaibigan niyang ito at 'yon ang ginawa. "Ikaw ang bahala pero wag mong kalimutan na sinabi ko sa 'yo na mali 'yang ginawa mo." He knew him, at may pagka-tuso din ang ugali ng kaibigan niyang ito kaya alam niyang hindi din 'to titigil sa kung anong gustong gawin. If it's plan it will be plan no matter what happen.
"Don't worry sure naman na ako na wala ng kawala sa akin si June Aileen." Sabi pa ni Pablo na hindi maiwasang matuwa dahil sa bahay niya na ito ngayon nakatira. "Teka Pare diba gano'n din pala ang nangyari sa 'yo at napangasawa mo? 'Yon ang kuwento sa akin ni Wilde noong nakaraang nagkita kami. Anak daw ng may utang sa 'yo ang napangasawa mo."
Napakunot noo naman si Carlos sa sinabing 'yon ng kaharap. "Iba kami no, hindi gano'n ang nangyari sa amin ng asawa ko." Pagtanggol niya sa asawang si Misty Faith,
Pinakatitigan ni Pablo ang kaibigan matapos niyang patayin ang sigarilyo. "Hindi nga? So nagsisinungaling sa akin si Wilde gano'n ba?" Tanong niya pa dito.
Umiling si Carlos at ininom ang tubig na nasa harapan niya. Wala si Pablo no'ng kasal niya at ngayon lang din naman sila nagkitang dalawa. Alam niyang busy ito sa transportation business nito na iniwan ng ama sa kanya pati na din sa lending company. Kaya hindi nito nalaman na nag-asawa na siya at nabalitaan na nga lang siguro. "Wag kang magpapaniwala sa abogagong 'yon Pablo dahil indi totoo 'yon saka masaya ako sa asawa ko at alam kong gano'n din siya sa akin."
Tinaas naman ni Pablo ang magkabilaang kamay na para bang sumusuko, alam niyang naiinis na 'to dahil kita niya sa itsura. "Fine, fine, eh di hindi kung hindi." Pikon!
#maribelatentastories