Present..
Lakad takbo ang ginawa ng bente anyos na si June Aileen o mas kilala sa tawag na Aileen dahil may lalaking humahabol sa kanya. Alas nwebe na ng gabi at pauwi na sana siya sa tinutuluyang apartment. Kahit madalas mangyari sa kanya ang ganito ay parang hindi pa din siya sanay, he should blame her father because of this. Pero paano pa niya sisisihin ang taong patay na? Her father hang his self last year, he was depressed for the past five years. At nakita niya kung paano ito mamroblema sa dami ng pinagkaka-utangan nito. She didn't that her father was into gambling when she was in high school. Nag-umpisa sa maliit na taya hanggang sa umabot na ng libo-libo ang ginagastos nito sa pagsusugal na sa di kalaunan ay nagpalubog nga dito ng utang.
At kahit maski siya ay nakikiusap na din sa mga inutangan ng kanyang ama ay hindi pa rin sila tinigilan. Nawala na ang bahay nila pati na ang mga sasakyan at kung hindi nga siguro siya nag-aral sa isang public university ay siguradong hindi siya makakatapos sa pag-aaral. But depression killed her father, nagising na lang siya isang umaga na naka-bigti ito at wala ng buhay sa tinutuluyan nilang apartment. Still even her father was already dead those people who kept asking to be paid was still haunting her until now. Kaya naman sa nakalipas na isang taon ay natuto na siyang umiwas at magtago.
"Oh my God!" Napatili na lang ako ng biglang natumba sa harapan ko ang lalaking nambastos sa akin, at hindi lang pala basta natumba kung hindi binaril ito! At kahit nanginginig sa sobrang takot ay nakuha ko pa din tingnan kung sino ba ang gumawa no'n. Then there I saw it, a man walking towards to me. Pero teka bakit parang nakita ko na siya? Pamilyar ang lalaking ito pero hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakita.
"Hindi pa 'yan patay, dalhin niyo sa ospital at iwan niyo doon." Sabi ng lalaki na ang tingin ay nasa direksyon ng babaeng nakita niyang binastos kanina. She looks scared and smitten into something o dahil nakita nito ang ginawa niyang pagbaril sa lalaki kanina? But that's what he need to do and should do. Ang protektahan ito sa kung sino mang mananakit o mang-babastos dito.
Mas lalo lang akong kinabahan ng lumapit pa sa akin ang lalaki nandoon pa ngang mapapikit ako sa labis na takot. At sino ba namang hindi kakabahan kung may bitbit siyang baril at talagang hawak-hawak niya pa 'yon.
"Are you okay? Hindi ka ba niya sinaktan?" Tanong ni Pablo sa babaeng nasa harapan niya, ang babaeng limang taon niyang hinintay at laging sinubaybayan. He saw everyting, nakita niyang binastos ito ng lalaking humahabol dito kanina ng palabas na ito sa trabaho. At hindi lang 'yon dahil nakita niya pa na hinabol ito ng lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili at sumunod sa mga ito at binaril nga kinalaunan.
Takot man ay wala akong nagawa kung hindi tingnan ang nagsalita. At mas lalo ko lang siyang nakita dahil may poste ng ilaw kung nasaan ba kami ngayon. He really looks familiar, alam kong nakita ko na siya sa kung saan pero hindi ko lang talaga matandaan. Pero 'yon pa ba ang dapat kong intindihin ngayon? E binaril niya nga ang lalaking humahabol sa akin kanina. "S-Sino ka? A-Ano kailangan mo? B-Binaril mo 'yong lalaki, binaril mo 'yong lalaki." Hindi ko na alam kung saan ba dadalhin ng mga kasama niya 'yong humabol sa akin kanina pero alam kong may tama talaga ng baril 'yon dahil nakita ko pa na may dugo ang damit niyang suot bago ito isinakay sa sasakyan.
Pablo smiled and smirked to her, kay tagal niyang hinintay ang araw na 'to pero hindi niya lang inaasahan na sa ganitong tagpo pa sila magkikita na dalawa. Pero hindi na rin niya palalagpasin ang pagkakataon na ito dahil matagal na masyado ang hinintay niya. "I am Pablo, Pablo Fererr. And I own you June Aileen." Sabi niya saka may kinuhang kung ano mula sa bulsa ng pantalon at inispray sa mukha nito. Segundo lang ang lumipas at nawalan naman ito ng malay.
Masakit ang ulo ni Aileen ng magising siya sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Oo kuwarto dahil ramdam niya na malambot na kama ang kinakahigaan niya. Pero ng maalala kung ano ba ang huling nangyari sa kanya ay napabalikwas na siya agad mula sa pagkakahiga, Pero hindi niya alam na nandoon din pala ang lalaking kumuha sa kanya!
"Buti naman at gising ka na." Ani ni Pablo na hinithit ang sigarilyong hawak pagkatapos ay ininom ang alak sa kanyang baso. Saka siya tumayo at nilapitan ito, he brought her here on his house on the town proper of Colores. Isa't-kalahating oras ang layo mula sa kinaroroonan nito kanina.
"S-Sino ka ba? A-Anong kailangan mo sa akin? Kung pera ang gusto mo pwes ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na wala kang makukuha sa akin ni singkong duling!" Hinila ko ang kumot at tinakip 'yon sa katawan ko, alam kong wala naman siyang ginawa sa akin habang tulog ako dahil wala akong nararamdaman na kahit ano sa katawan ko maliban sa masakit ang ulo ko.
Pinatay ni Pablo ang sigarilyo bago siya mas lumapit sa dalaga. "Gaya ng sabi ko akin ka Aileen at ako ang nagmamay-ari sa 'yo."
I looked at him from head to foot, hindi naman siya mukhang baliw o siraulo dahil maayos naman ang pananamit niya. At lalong may itsura naman siya kahit pa alam kong mas matanda siya sa akin. Pero ano daw? Pagmamay-ari niya daw ako? "Hindi kita kilala at lalong hindi kita kaano-ano kaya ano bang pinagsasabi mo?"
"Ikaw ang kabayaran ng pagkakautang sa akin ng ama mo limang taon na ang nakakalipas at gaya ng sinabi ko sa ama mo ay babalikan kita pagkalipas ng limang taon."
And with that I feel more shocked because of what I've heard. Dahil naaalala ko na, siya ang sinasabi ng papa ko na babalikan ako limang taon na nga ang nakakalipas!
#maribelatentastories