CHAPTER 05

3.7K 92 1
                                    




Last update for this week! Happy weekend!




Hindi makapaniwala si June Aileen sa nakikita. At hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang siya tinawagan o tinext man lang ng may-ari ng apartment na tinutuluyan niya at sinabi na wala na siyang matutuluyan pa ngayong gabi. At kahit sabihing kalat na ang dilim ay totoo nga talaga itong nasa harapan niya, giba ang apartment na tinutuluyan niya sa halos isang taon. At talagang ang limang pintuan ng apartment na mero'n pa kaninang umaga ay puro hallow blocks na lang ang natitira. 



"I told you, giba na ang apartment na tinutuluyan mo." Parang proud pa na sabi ni Pablo habang nasa likuran siya ni June Aileen. He bought this place, at para wala ng choice ang dalaga kung hindi sumama sa kanya ay pinagiba na din niya ang mismong tinitirhan nito. At nagawa niya ang lahat ng 'to sa buong maghapon.



She looked at her back, she feel furious. She understand now that he can do whatever he want. Na kaya talaga nito gawin ang kahit anong gusto nito at sabihin dahil nga may pera. At sigurado siyang binayaran nito ang may-ari ng inuupahan niya. At hindi siya makapaniwala na aabot sa ganito. Kaya sa inis niya at galit ay bigla niya itong sinampal na hindi naman nito naiwasan pa. 



Mariing tiningnan ni Pablo ang dalaga matapos siya nitong sampalin sa pisngi, he didn't expected that. Napaigting pa ang panga niya sa lakas ng sampal nito pagkatapos dahil hindi niya talaga inaasahan 'yon. At para bang hindi man lang ito natakot sa kanya at walang pakundangan na sinampal siya basta-basta. 



"Ang sama mo!" Singhal ko sa kanya dahil paano na ako nito? Mahirap pa naman maghanap ng mauupahan dito sa amin at saan na ako tutuloy nito ngayong gabi? at saka nasaan na ang mga gamit ko? Huwag niya lang talaga sasabihin na ipinatapon niya kung hindi lagot talaga siya sa akin. At kung gano'n nga ang ginawa niya ay baka hindi lang din sampal ang magawa ko sa kanya. "Saan mo dinala ang mga gamit ko? Saka anong ibig sabihin nito? Binili mo 'tong lupa? Binayaran mo 'yong may-ari ng apartment kaya nagawa mo ang mga 'to? At paano na 'yong mga nakatira dito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya, nakakagalitnaman talaga dahil bakit niya ba 'to ginagawa? E sinabi ko naman na sa kanya na wala naman siyang mapapala sa akin. At lalong wala akong perang ibabayad sa kanya. 



Tumayo ng maayos si Pablo at saka tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. Hindi siya ang tipo ng lalaki na manunuyo at lalong hindi siya ang tipo ng lalaki na maghahabol sa isang babae pero mukhang magagawa niya na ang mga 'yon ngayon. Napakalayo ng itsura nito sa unang beses niya itong nakita. Walang-wala talaga dahil patpatin pa ito noon pero ngayon ay nagawa siyang sampalin ng gano'n na lang. "I bought this place at hindi ko naman siguro kasalanan kung nasilaw ang matandang may-ari nitong pinagtatayuan ng tinitirhan mo sa perang inalok ko sa kanya. I told you akin ka na Aileen at ilan beses ko bang sasabihin sa 'yo 'yon? And I'm doing this for your sake." Hindi papatalo na sabi niya.



Pagak akong natawa at tiningnan siya. "For my sake? Diba sinabi ko na sa 'yo na wala akong maibabayad sa utang ng tatay ko kaya bakit mo pa 'to ginagawa? At sa tingin mo ba ay may makukuha ka sa akin na sampung milyon ha? Wala kang mapapala sa akin Pablo, wala." 



"That's why I'm telling you last time na sa akin ka na, na ako na ang nagmamay-ari sa 'yo Aileen. I own every inches of you at dahil wala ka ng titirhan ngayon ay dapat lang na sumama ka na sa akin at sa bahay ko na ikaw tumuloy." Paliwanag pa ni Pablo, he never thought he will explained to someone like this, dahil hindi naman siya 'yong tipo ng tao na nag-aaksaya ng oras. For him time is really gold, pero naiintindihan niya na dapat niyang ipaintindi at ipaliwanag ng maayos sa dalaga ang kung ano man ang dapat at gusto niyang mangyari. He waited this for a long time, at hindi siya basta titigil dahil lang sa sinabi nito na tigilan niya na ito. 



"Uulitin ko lang din na hindi mo ako pagmamay-ari." Sabi ko ulit sa kanya dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa akin 'yon noong nakaraan pa. Pero ipapaalala ko lang din sa kanya na mali ang iniisip niya na hindi tama ang kung anong gusto niya. Ako pagmamay-ari niya? No way!



"Pero ang kasunduan ay kasunduan. 'Yon ang pinagkasunduan namin ng tatay mo kaya ano pa ba ang inaarte mo? Dapat nga magpasalamat ka pa at akin ka na eh." Ani ni Pablo na para bang nakikipag-argumento sa isang bata. 



Sa itsura niya ay alam kong hindi niya ako titigilan at sa itsura niya ay alam kong wala akong palag sa kanya. He can follow me, kahit siguro taguan ko siya ay baka makita niya pa din ako. So I guess I need to have a deal with him, ng sa gano'n ay tigilan na ako ng lalaking ito. "Okay fine, iintindihin ko ang mga sinasabi mo sa akin. So ano bang gusto mong mangyari ha?"



Doon naman sumilay ang isang ngiti mula sa binata, ngiti na para bang nanalo siya sa kung ano. "I want you to move in with me, sa bahay ko na ikaw titira Aileen at lahat ng gusto ko ay susundin mo."



Ako naman ang napaigting ang panga. Lahat ng gusto niya? "Lahat ng gusto mo? so are you saying kasama ang sex diyan?" Tanong ko dahil mukhang 'yon ang gusto niya at nasa isip niya. 





"Definitely, kaya gusto kita eh kasi matalino ka. I want you since the first time I saw you at hindi ako maghihintay ng limang taon kung hindi ko rin lang makukuha ang gusto ko. Kung hindi rin lang din kita makukuha Aileen." 



I looked at him, siguro kung babae lang siya malamang sa malamang ay sinabunutan ko na 'to eh. "Deal, sasama ako sa 'yo pero pagkatapos ng apat na buwan titigilan mo na ako at quits na tayo sa utang ng tatay ko."

#maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon