CHAPTER 04

7.3K 128 4
                                    







"Uy ayos ka lang?" 


Doon lang parang bumalik sa huwisyo si June Aileen ng kalabitin siya ng katrabahong si Josephine. "A-Ayos lang, ayos lang ako." Sagot niya dito kahit alam niya na parang wala talaga siya sa sarili. Paano ba naman parang hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya ngayon. Ang lalaking nagsasabi na pinagkakataungan ng tatay niya ng sampung milyon ay hindi siya tinatantanan. At hindi niya alam kung paano nito nalaman ang ibang impormasyon tungkol sa kanya. Napaayos siya ng upo at saka tiningnan ang dalawang lalaki na nasa labas ng pharmacy kung saan siya nagtatrabaho at hindi nga siya nagkamali at nandoon pa din talaga hanggang ngayon ang mga 'yon! At mukhang bantay sarado talaga siya dahil hindi siya basta makakalabas ng paharmacy ng hindi dumaan sa mga ito. At simula ng dumating siya dito sa botika ay nandoon na din ang dalawa sa labas pero buti nga at hindi nagtatanong sa kanya si Josephine tungkol sa dalawa dahil hindi rin niya siguradong masasagot kung kilala niya ba ang mga ito. 



"Kanina ka pa parang hindi okay Aileen? Baka may sakit ka ha." Tanong pa ulit ng kasamahan at matalik na kaibigan ni June Aileen sa kanya. Kanina niya pa kasi ito nakita na nakatulala habang nakaupo. Matalik dahil magkaklase silang dalawa noong nasa kolehiyo sila at ito na talaga ang parang kapatid niya kahit may kapatid naman siya.



Tumayo na ako at kumuha ng gunting sa lalagyan, naupo lang ako sandali dahil parang hindi ko alam kung ano ba gagawin ko ngayon. Oo nakaalis ako sa pinag-dalhan ng Pablo na 'yon sa akin noong isang araw pero hindi ko naman inaasahan na magiging ganito. Na pasusundan niya pala ako, at kung gusto niya na bayaran ko naman siya ay saan naman ako kukuha ng gano'n klaseng kalaking pera?



"Punta ka sa bahay mamaya? Do'n ka matulog." Aya ni Josephine sa kaibigan. 



Umiling ako at inumpisahan na siyang tulungan sa paggupit ng mga gamot na nilalagay naman sa mga box na maliliit. Mas madali kasi kapag ganito dahil hindi naman maramihan ang iba kung bumili ng gamot lalo na itong mga over the counter. Kahit gusto ko ang sinabi niya ay ayoko naman siyang madamay sa kung ano mang kinakaharap ko ngayon. She's the only closest friend I have and even her family also treated me as their daughter. Pero baka kasi madamay lang itong babaeng 'to sa kung anong puwedeng mangyari sa akin. Oo alam niya ang tungkol sa mga utang ng tatay ko dahil nakukuwento ko naman sa kanya 'yon pero hindi itong tungkol ngayon kay Pablo na sumusunod sa akin. "Saka na, marami akong ginagawa pag-uwi ko sa bahay kaya hindi ako makakasama sa 'yo." Sabi ko na lang dahil maglalaba din pala ako mamaya pag-uwi ko. 



"Gano'n ba? Naku hinahanap ka pa naman ni Mama." Sabi pa ni Josephine. 



"Hayaan mo baka this weekend makapunta ako sa inyo." Kunwari ko na lang sabi kahit ako mismo ay hindi sigurado kung makakaalis ba sa araw na 'yon ng walang sumusunod sa akin. Simula kasi kahapon ay sunod na ng sunod itong dalawang lalaki na nasa labas sa akin at talagang nag-iba pa ng sasakyan para siguro hindi mahalata. At alam ko utos 'to ng Pablo na 'yon na akala yata ay tatakasan ko siya. 



Nang mga sumunod na oras ay inabala na ni June Aileen ang sarili sa trabaho lalo pa at marami na din ang bumibili ng mga gamot pagka-pananghali, she's a license pharmacist at siyam na buwan pa lamang siya sa trabahong ito. Pero ito talaga ang pangarap niya kaya nga paharmacy din ang kinuha niya noong nag-college siya. Maganda talaga at nakapasa siya agad sa board exam at madali din siyang nakahanap ng trabaho na malapit lang din. Hindi man malaki dahil provincial rate nga siya ay ayos na din para sa mga katulad niyang nag-uumpisa pa lang at para makakuha siya ng experience. Gusto niya kasing makapag-trabaho sa mga malalaking pharmacy o kaya naman katulad din siya ng ibang pharmacist na pangarap magkaroon ng sariling botika. At kapag gano'n siguro ang nangyari ay talagang itotodo niya ang buong kasipagan niya. Pero sa ngayon ay kailangan niya munang mag-sipag pa lalo pa at wala naman siyang puwedeng asahan kung hindi sarili niya lang. 





   Napatili pa ako ng may biglang bumusina sa likod ko ng malakas. Naglalakad na ako pauwi dahil walking distance lang naman ang tinutuluyan kong apartment mula sa trabaho ko. At tingnan ko nga ay isang kulay pulang sasakyan ang nandoon.



"Come, sumakay ka na." Sabi ng nagmamaneho ng sasakyan na hinintuan talaga si Aileen. 



Nakita ko naman kung sino ang nagsalita pero imbes na sumakay dahil binuksan niya na ang pinto ay naglakad pa din ako. Natural kilala ko siya dahil siya ang lalaking nagsabi na may sampung milyon na utang ang tatay ko sa kanya. Walang iba kung hindi 'yong Pablo. 



Parang nainis naman si Pablo ng makitang naglakad pa din ang dalaga kahit sinabihan niya ng sumakay na. Kaya naman nagmaneho na siya ulit at inunahan ito saka siya huminto at bumaba na ng sasakyan. 



"Sabi ko sumakay ka na." Ani ni Pablo ng nasa harapan na ni Aileen, pinauwi niya na ang dalawang tauhan niya na pinapasunod dito dahil balak niya ngang puntahan ito ngayong gabi pagkatapos nito sa trabaho. 



Tiningnan ko siya, siguro kung si Josephine ito ay kikiligin pa 'yon dahil may itsura ang lalaking 'to. Matangkad tapos pang-mayaman talaga kung manamit at idagdag pa na may magandang sasakyan. "Pagod ako sa trabaho kaya puwede ba tigilan mo ako." Sabi ko pero ng akmang lalagpasan ko siya ay hinawakan niya naman ang braso ko. 



"At sinabi ko din na sumakay ka na." Matigas na sabi ng binata. 



"Dalawang kanto na lang at bahay ko na kaya hindi ko na kailangang sumakay pa sa sasakyan mo." Hindi papatalo na sabi ko. 



"Pero hindi ka na nga uuwi sa bahay na sinasabi mo dahil binili ko na 'yon at pina-demolish ko na." Nakangising sabi ni Pablo. 





"A-Ano?" Parang hindi makapaniwala na sabi ko. 




Hi, all of my M.A series stories is now 50% discount. You can dm me on my fb page how to join! Basahin niyo po kay Daddy Rios and Daddy Arken🥵




#maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon