Ang kaba na nararamdaman ni Pablo ay malapit ng matuldukan ng may lumabas ng doktor mula sa emergency room at lapitan siya. Kanina pa siya hindi mapakali lalo pa at hindi niya alam kung ano na ba ang nangyayari sa loob. At kung kumusta na ba talaga si June Aileen.
"Kayo po ba ang kasama ng pasyente?" Tanong ng babaeng doktor.
"Opo ako nga po, kumusta po siya? Kumusta si June Aileen?" Kinakabahan na tanong ni Pablo lalo pa at halos isa't-kalahating oras na silang naghihintay dito sa labas. At hindi din naman siya iniwan ng mga kaibigan niya kaya naman nawawala din kahit papaano ang malalim na pag-iisip niya. Pero nandito pa din sa loob niya ang hindi mapalagay hangga't hindi niya nalalaman kung kumusta na ba ang dalaga, kung may malay na ba ito o ano na.
"Wala pa din malay ang pasyente pero ligtas naman na siya, she had a cardiac arrest earlier but she came back in life." Paliwanag ng doktor.
Halos mapaluhod naman sa saya si Pablo ng marinig niya 'yon, kulang na nga lang din ay magtatalon siya sa sobrang saya. At least nakarinig siya ng magandang balita at 'yon ang importante. "Puwede ko na ba siyang makita? I want to see her badly Doc."
"Yes you can see the patient later, ililipat lang muna namin siya sa kuwarto dahil kailangan niya pang mag-stay dito sa ospital kahit dalawang araw pa." Paliwanag pa ng doktor. "Kailangan kasi siyang matingnan ng gynecologist bukas ng umaga para ma-check up talaga siya ng mas maayos."
"G-gynecologist? Para saan po 'yon Doc? Akala ko ba okay na si Aileen? Bakit may ganyan pa po kayong sinasabi? At anong check up pa ang gagawin sa kanya?" Muli lang kasi kinabahan si Pablo ng marinig ang sinabi ng doktor, napatingin pa nga siya kila Wilde at Carlos na nakaupo sa bench sa di kalayuan, kinawayan siya ng mga ito. Siya na lang kasi ang lumapit sa doktor para makipag-usap.
"Hindi mo po ba alam? Buntis ang pasyente. She's 6 weeks pregnant at buti na lang wala din masamang nangyari sa pinagbubuntis niya." The doctor explained again.
"Oh my God.." Napahilamos na lang ng mukha si Pablo sa narinig, June Aileen is pregnant? At sigurado siyang hindi din nito alam ang tungkol doon dahil wala naman itong nababanggit sa kanya. "I-I guess she didn't know about this too Doc, but wait." Sabi niya na kulang na lang ay hawakan ang kamay ng doktor na nasa harapan niya. "She's bleeding earlier, nakita ko ho 'yon Doc at sigurado ako na dugo ang nakita ko sa kanya. She was kidnapped and I'm worried what ever the kidnapper did to her. Kung na-rape ba siya o ano." Kasi 'yon talaga ang gusto niyang malaman, kung may ginawa bang hindi maganda ang mga kumidnap dito.
"Don't worry hindi siya na-rape kung 'yon ang iniisip mo. She had bleeding earlier at siguro dahil na din sa takot o baka nasuntok siya ng mga kumidnap sa kanya. But I am assuring you na hindi siya nagalaw kaya mas maigi pa din na matingnan siya ng gynecologist bukas para mas malaman ang kalagayan ng pinagbubuntis niya." Muling paliwanag ng doktor sa binata.
"Sige po Doc, kung 'yon po ang kailangan gawin natin. Maraming salamat po talaga, thank you po thank you." Sabi ulit ni Pablo na ang isip ay ang pagbubuntis na ni June Aileen.
Pagkaalis naman ng doktor ay saka lang lumapit sila Carlos at Wilde sa kaibigan nila. Wala pa kasi si Killian dito kahit sinabihan na nila kanina ng mag-usap sila sa cellphone na sumunod nga dito sa ospital.
"What happened? She's safe right?" Ani ni Wilde na animo'y sigurado sa sinabi na huli.
"Yes she's safe.." Nakahinga na ng maluwag na sabi ni Pablo sa mga kaibigan. Pero ngayon naman ay gusto niya na itong makita at gusto niya na din itong mayakap. Marami siyang gustong itanong dito, kung ano ba ang nangyari kanina at kung ano pa ang ginawa ng mga lalaki na kumuha dito. He can't wait also to see June Aileen and tell her that she is pregnant with their baby. At sigurado siya na kagaya niya ay mabibigla din ito lalo pa at mukhang hindi din nito alam ang tungkol doon.
"Buti naman, hintayin lang namin na malipat siya sa kuwarto bago kami umuwi." Sabi naman ni Carlos.
"Oo salamat Pare, salamat sa inyo at sinamahan niyo ako dito sa ospital. Anyway baka magtagal pa daw kami dito ng dalawang araw sabi ng doktor kanina." Tuan ni Pablo, walang kaso sa kanya kahit umabot pa sila ng isang Linggo dahil ang mahalaga ay maayos talaga ang kalagayan ni June Aileen lalo pa at buntis nga daw ito.
"Ha? Bakit daw? Akala ko ba safe na si June Aileen mo?" Si Wilde na katatapos lang itext ang asawa na si Jesylyn. Alam niya kasi na hindi ito matutulog hangga't hindi nalalaman kung okay lang ba si June Aileen dahil ito nga ang kasama kanina nito ng makidnap.
"Dahil buntis siya." Masayang anunsyo ni Pablo. "Magiging tatay na din ako Pare!" Tuwang-tuwa na sabi niya sa dalawa.
"Wow congrats Pare!" Masayang bati ng congressman at niyakap pa ang kaibigan. Gano'n din ang ginawa ni Carlos dahil isa nga itong masayang balita sa kabila ng mga nangyari kanina. And they really looked happy for their friends!
At 'yon na nga ang pinag-usapan nilang tatlo, ang tungkol sa pagdadalang-tao ni June Aileen. Kung anu-ano ang mga naiisip ni Pablo tungkol sa magiging anak nila, kung magiging babae ba ito o lalaki na talaga nga namang pinag-debatihan pa nilang tatlo. Pero sa huli ay walang mas sasaya pa ng makita na ng binata si June Aileen.