CHAPTER 28

4.7K 103 5
                                    






"No, hindi ka matutulog hangga't hindi kamo tayo nag-uusap diba? So don't get lay in the bed yet. Hindi pa tayo tapos mag-usap at marami pa tayong dapat pag-usapan na dalawa." Sabi ni Pablo at hinila ulit si June Aileen para mapaupo sa kama. Ano 'yon tutulugan na lang siya pagkatapos niyang magtapat ng nararamdaman dito? Hindi puwede 'yon no! He want to know if what's on her mind, kung ano ba ngayon ang iniiisip nito at kung kapareho ba niya ito ng nararamdaman. Dahil kung hindi ay wala siyang pakialam do'n dahil handa pa din naman siya maghintay hanggang dumating ang araw na sabihin nito na gusto din siya.



Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, parang hindi ko inaasahan na tatapatin niya ako at sasabihin na gusto nga talaga niya ako. Gusto ko lang naman kasi malaman ang totoo para kung sakali na makita ko ulit ang asawa ng mga kaibigan niya ay masabi ko kung ano ba talaga kaming dalawa. Pero'yon nga, sinabi niya talaga na gusto niya ako. Na gusto ako ng isang Pablo Fererr, pero narinig ko naman diba? Sinabi niya talaga 'yon at hindi 'yon guni-guni lang. 





"Tutal magkausap naman na tayo ngayon may sasabihin din pala ako sa 'yo." Ani ni Pablo, tama 'to. She asked him what he really felt towards her. And now it his turn to say something.  



Napataas ang kilay ko. "T-Tungkol saan?" Tanong ko sa kanya, hinila ko pa nga ang kumot hanggang sa may dibdib ko dahil baka mamaya ay ayain niya na naman akong mag-sex no. Aba hindi ako papayag no, ano siya bale?



"Tungkol sa pinag-usapan natin bago kita dalhin dito.." Maikling sagot ng binata.



"At ano ang tungkol do'n? Wala pa din akong ipapambayad sa utang ng tatay ko sa 'yo Pablo kung sisingilin mo ako." Inunahan ko na siya dahil wala naman talaga akong ibabayad sa kanya na pera at alam niya naman 'yon. 



"Hindi 'yon, kung hindi 'yong pinag-usapan natin na apat na buwan." Paliwanag ni Pablo, he don't care if she can pay him or not. Dahil alam niyang hindi din biro ang laki ng pera na utang ng tatay nito sa kanya. At alam din niyang wala talaga itong pera. 



"At ano naman ang tungkol do'n ha?" Tanong ko ulit, natural alam ko kung ano 'yon at 'yon 'yong pag-stay ko sa poder niya. Pero bakit biglang nasali ngayon ang tungkol do'n?




"That one is not valid anymore Aileen, hindi na matutuloy ang usapan natin na 'yon." Sagot ng binata. 



"A-Anong ibig mong sabihin na hindi na?" Iki-kick out niya na ba ako dito gano'n ba? Paaalisin niya na ako?



"Ang ibig kong sabihin ay hindi na natin itutuloy 'yon dahil akin ka naman na." Sinapo pa ni Pablo ang pisngi ng dalaga. May itsura ito na kapag ganitong masungit ay natutuwa pa siya. "It means hindi ka na puwedeng umalis pa sa poder ko, I just admitted to you that I like you so wag mong isipin na pagkalipas ng usapan natin ay hahayaan kita na umalis sa buhay ko. I want you to be permanent in my life, at kahit saan ka pa pumunta o kahit takasan mo pa ako ay mahahanap at mahahanap pa din kita."



"S-Siraulo!" Singhal ko sa kanya. "Pinlano mo 'to no?" It's not actually a question because I feel that he really plan this. Na talagang pinlano niya na magkakilala kami at ginamit niya lang na dahilan ang utang ng tatay ko sa kanya. 



Inalis ni Pablo ang kamay sa pisngi ni June Aileen at saka nagkibit balikat. "Puwedeng tama ka sa sinabi mong 'yan, pero ang punto ko ay hinintay kita Aileen. I waited you for 5 years because you were still young when I first saw you. At ipinangako ko sa sarili ko na palilipasin ko ang limang taon at babalikan ka. And I did, nangyari nga dahil heto ka ngayon sa harapan ko." 



At proud pa talaga siya sa ginawa niyang 'to sa akin. Hinila ko ang kumot na naupuan niya para humiga na. Baka kasi hindi ko na kayanin ang kung ano pa bang sasabihin niya sa akin. Bukas ako babawi para mas makapag-isip ako ng maayos at kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.



Pero mukhang nakatunog si Pablo, mukhang tutulugan na talaga siya ni June Aileen! At hindi 'to puwede! Kaya naman inibabawan niya na ang dalaga at hindi na nga ito nakapalag pa dahil di hamak na mas malaki siya dito. 



"H-Hoy, u-umalis ka nga diyan sa ibabaw ko! A-Ano ba Pablo!" Sabi ko dahil nasa ibabaw ko nga talaga siya ngayon. At kahit naman siguro ay kakabahan kapag ganito dahil parang alam ko na ang kasunod.



"Nahhh, why should I? Mas gusto ko nga kapag ganitong nasa ibabaw mo ako and I will make your legs tire now Aileen." At doon na siniil ni Pablo ng halik ang dalaga. 

#angharotnipablo
#Maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon