Last update for this weekend, may trangkaso si author🤧 chapter 10 na pala kami sa book 02 ni Doc Abby!
"Don't be scared Aileen, tayo lang ang sasakyan dito kaya hindi ka dapat matakot magmaneho." Makailang ulit ng sabi ni Pablo sa dalaga pero hindi pa din talaga nito makuhang paandarin ulit ang sasakyan na binili niya dito.
"Hindi ko naman kasi kailangang matuto na mag-drive, okay lang naman ako na maglakad at mag-tricycle Pablo." Sabi ko sa kanya, talaga kasing tinuruan niya ako magmaeho gaya ng sabi niya no'ng pinakita niya nga sa akin ito. Pero hindi ko talaga maisip kung makakaya ko ba 'to o hindi dahil ang laki nitong sasakyan para sa akin. Isa pa nakakatakot dahil iniisip ko na baka mabangga ako o ako ang makabangga nitong sasakyan niya. At siyempre ayokong mangyari 'yon!
Natawa ng mahina ang ang binata sa tinuran ni June Aileen. This is the second time she said this, pero ganito din naman talaga sa una. Talagang nakakatakot pero hangga't hindi nasusubukan ay sige lang dapat ng sige. "This is your car, and I will not use this too dahil marami na akong sasakyan. Saka sa isip mo lang 'yan na hindi mo kaya." Paliwanag niya, alam niya sa sarili na matututo talaga ito na magmaneho pero kailangan pa ng kaunting push tungkol doon at 'yon ang ginagawa niya.
Humawak tuloy ako sa manibela ng sasakyan, wala naman kasing nagsabi sa kanya na bigyan ako ng ganito o kaya regaluhan pero heto at talagang may pasasakyan pa 'tong Pablo na 'to. Imbes na nasa pharmacy niya lang ako at nagbabantay doon ay heto at nandito nga kami para turuan niya daw ako sa pagda-drive. "Pag ako may nabangga kasalanan mo na 'yon ha." Aba mabuti na 'yong sigurado lalo pa at nandito kami sa labas ng bahay niya at 'yong dalawa niya ngang sasakyan ay nakaparada din dito sa labas. Kaya nga ayoko talaga mag-drive kasi 'yon ang kinakatakot, an makabangga dahil wala akong pambayad ng sasakyan.
"Don't worry about it dahil sure naman akong wala kang mababanga." Pagpapalakas loob pa ni Pablo dito. Kahit kanina ay sumampa na sila sa gutter kaya nga huminto din sila. Pero tuloy-tuloy lang dahil madali lang naman itong sasakyan i-drive kung tutuusin dahil automatic nga.
At dahil wala naman akong choice ay 'yon na nga ang ginawa ko at sinunod na lang ang sinabi niya sa akin. Muli kong inapakan ang gas at nagsimula na ngang umandar ang sasakyan pero dahan-dahan lang dahil nakaalalay pa din ang paa ko sa preno.
"Good girl, that's my Baby girl.." Masayang sabi ni Pablo ng umaandar na nga sila ulit. Buti naman at nag-drive na ito ulit dahil akala niya ay hindi na din talaga ito magmamaneho, pero heto at mukhang kaya na.
While June Aileen tried to concentrate, hindi siya puwedeng bumangga dahil sayang naman itong binigay na sasakyan sa kanya ni Pablo. Nakita na din niya ang papeles nitong sasakyan at talaga ngang nakapangalan na sa kanya. Pero kahit gano'n ay ayaw niya pa din itong angkinin at iniisip niya na lang na pinahiram ito sa kanya ng binata. Lagi din niyang iniisip na dapat maging maingat siya dahil nakakahiya at nakakapang-hinayang kung mababangga niya lang ito.
Bago mag-tanghali ay bumalik na silang dalawa sa bahay ng binata, at doon na nga din nag-tanghalian. Pagkatapos ay naligo lang si June Aileen para makapunta na sa pharmacy. Hindi niya puwedeng hindi ito doon puntahan dahil mas gusto niya na siya mismo ang tumatao doon. Pero hindi din talaga papatalo itong si Pablo dahil hinatid pa talaga siya.
"Mukhang unti-unti ng nakikilala itong pharmacy ah." Ani ni Pablo, may lakad talaga siya ngayong araw pero mas pinili niyang turuan si June Aileen magmaneho. Teaching her to drive atleast two hours a day is good. Para at least ay maging pamilyar ito sa sasakyan at kung paano ba magmaneho talaga.
"Kumpleto kasi saka may generic na gamot at branded." Sabi ko naman, tama kasi siya nakikilala na talaga itong pharmacy niya dito sa bayan ng Colores. Dahil ginawa na naming 24 hours na bukas itong botika niya. Wala kasing ibang 24 hours na pharmacy dito sa amin at kung mero'n man ay dadayo ka pa sa kabilang bayan na lagpas isang oras pa ang layo mula dito. Kaya naman 'yong mga tao na nasa ospital malapit lang din dito ay dito na din bumibili lalo na kapag alanganing oras na. "Teka hindi ka pa ba aalis? akala ko ba may lakad ka gaya ng sabi mo kagabi?" Tanong ko dahil simula kaninang umaga ay magkasama na kami, samantalang ang alam ko ay may pupuntahan nga talaga siya ngayong araw.
"Don't worry about me Aileen, I'm good and puwede ko naman ipagpabukas ang lakad ko." Huminga pa ng malalim si Pablo dahil kanina pa napapadako ang tingin niya sa maputing hita ng dalaga. Dress naman ang suot nito at umabot naman 'yon hanggang tuhod pero dahil nandito sila sa 2nd floor ng building dahil nga may kinukuha itong gamot ay nakikita niya 'yon kapag tumitingkayad ito at may aabutin.
"Lagi na lang ganyan ang sinasabi mo, kahit may lakad ka naman talaga sasabihin mo na bukas na lang o kaya hayaan ko lang." Inilagay ko sa maliit na box 'yong mga gamot na ibababa namin, ako ang kumuha nito dahil mas alam ko kung saan ba banda kukunin dito. Mga paracetamol na pang-bata at saka mga vitamins ang ibababa ko dahil 'yon ang mabilis maubos dahil nga sa paiba-ibang panahon nitong mga nakaraang araw. Kadalasan ay maaraw sa umaga pero pagdating ng hapon hanggang gabi ay maulan na.
"I want to take you here Aileen." Wala man lang pakeme na turan ni Pablo, tutal sila lang naman dalawa dito at sinara niya naman ang pintuan kanina pagpasok nila. They can have a quickie, or kahit nga hindi quickie dahil alam niya namang walang mang-aabala sa kanila dito.
"H-Hoyyy tumigil ka nga Pablo." Para akong kinilabutan dahil ultimo balahibo ko sa batok ay nagtayaun dahil sa sinabi niya sa akin.
"Saka lang ako titigil kapag nagawa na natin ang gusto ko." Sabi pa ng binata na humakbang pa palapit dito. He corner her, dahil wala na itong ibang lulusutan dahil cabinet na ng gamot ang nasa likuran nito.
Tinulak ko siya, nalaglag pa tuloy 'yong mga gamot na hawak ko at buti na lang capsule 'yon dahil kung babasagin ay baka nabasag na. "B-Bumaba na tayong dalawa, halika na." Sabi ko dahil hindi din pala ako makakalusot sa gilid niya.
"Sige pero pahalik muna." Hirit pa ng binata bago tuluyang sinunggaban si June Aileen.