See you this coming Saturday! Sabado po talaga pinili ko para walang pasok yong mga anak ko at para maisama ko sila. For the experience po kasi para sa dalawa kong anak na maka join sa bool fair na ganito dahil first time nila hehe. Kaya sa mga pupunta this Saturday sana maabutan niyo yung mga freebies na dala ko!
Ang galit at nag-aalala na si Pablo ang dumating sa presinto, alam na niya ang nangyari dahil tinawagan siya ng kaibigan niyang congressman na si Wilde. At ang malaman na nakidnap si June Aileen ang hindi niya lubos maisip na nangyari. Dapat pala ay hindi niya na lang ito iniwan kanina, o kaya naman ay nag-iwan na lang siya ng magbabantay man lang dito para kahit papaano ay hindi umabot sa ganito ang lahat.
"Pare.." Tumayo agad si Wilde ng makita ang kaibigan na dumating.
"Wilde.." Tawag naman ni Jesylyn na umiyak talaga kanina ng makuha si June Aileen ng mga lalaki. Tinawagan niya agad ang asawa at sinabi ang nangyari sa dalaga at ito na nga ang tumawag kay Pablo para ipaalam ang nangyari kay June Aiileen. Pagkatapos ay dito na sila sa presinto nagkita-kita dahil humingi nga silang mag-asawa ng tulong sa mga pulis.
"A-Anong nangyari? Paanong nakuha si Aileen?" Nag-aalalang tanong ng binata, nasa kabilang bayan siya kanina ng tawagan siya ni Wilde at kung lumilipad lang talaga ang kotse niya ay baka pinalipad niya na ito para makarating dito agad. Pero inabot pa din talaga siya ng halos isang oras para makarating sa bayan ng Colores kaya kung anu-ano na din talaga ang naisip niya habang papunta nga dito.
At si Jesylyn na nga ang nagkuwento sa binata, at sa paputol-putol niyang pagsasalaysay sa mga nangyari dahil naiiyak pa din talaga siya ay nasabi naman niya kay Pablo kung ano ba talaga ang nangyari kanina. At isa lang ang naintindihan niya ngayon, talagang gusto nito ang dalaga dahil ramdam niya ang kaba at takot nito.
"Tangina!" Mura ni Pablo dahil iniisip niya kung sino ba ang puwedeng gumawa nito kay Aileen, pero sigurado na siya na isa ang mga ito sa may atraso sa ama ni June Aileen. Pero ang kinakabahala niya lang ay kung ano ang gagawin ng mga ito sa dalaga. Kaya dapat ay makita niya ito agad dahil mahalaga ang oras ngayon at bawat segundo na lumilipas.
"Anong gagawin natin ngayon Pare?" Tanong ni Wilde dahil lumabas na sila ng presinto, ni-report naman na nila ang nangyari sa mga pulis kanina at buti na lang din ay natandaan ng asawa niya ang plate number ng sasakyan pero hindi sila sigurado kung 'yon nga ba ang totoong plaka ng sasakyan dahil puwedeng ibang plaka ang ginamit ng mga ito at hindi 'yon totoo.
"Alam kong tutulong ang mga pulis sa paghahanap kay June Aileen dahil mismong hepe naman ang nakausap natin kanina pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako kikilos para hanapin siya." Ani ni Pablo, hindi puwedeng i-asa niya ang paghahanap sa dalaga sa mga pulis dahil maraming posiblena hindi maganda ang mangyari kapag hindi siya kumilos.
"At ano nga ang gagawin natin? Tutulong ako kung 'yon ang gusto mo at pati mga tauhan ko ay isasama natin para mahanap agad si Aileen." Sabi pa ni Wilde, kahit hindi ito magsabi sa kanya ay kusa siyang tutulong dahil kaibigan niya ito. Maski sila Carlos at Killian na may mga personal na tauhan ay tinawagan niya din kanina dahil alam niyang 'yon ang kailangan ni Pablo ngayon.
"Salamat Pare, tatanawin kong malaking utang na loob ito sa 'yo." Sabi ng binata na tinapik pa sa balikat ang kaibigan.
Umuwi muna si Pablo sa kanyang bahay dahil doon sila magkikita-kita ng mga kaibigan niya. Agad niyang kinausap ang mga tauhan niya na hindi hihigit sa labing lima, they just got whatever details Jesylyn could help them. Kung may palatandaan ba ang sinakyan na van ng mga ito at kung ano ang plaka. Maging ang cctv na nasa pharmacy ay pinatingnan niya na din at doo nga nakita niya na kinuha nga talaga si June Aileen ng mga lalaki kanina. At mukhang kilala nito 'yon dahil kusa naman itong sumama at hindi nagka-pilitan kanina. Pero tinitingnan niya din ang anggulo na kaa ito sumama ay para hindi nga masaktan si Jesylyn na kasama nito lalo pa at alam ni June Aileen na buntis nga ang asawa ng kaibigan niya.
Samantala hindi naman malayo sa bayan ng Colores ang pinag-dalhan kay June Aileen, kilala niya ang mga ito dahil ilang beses na niya ito mga nakaharap. Pero noon ay nagagawa niyang makatakas o makatakbo pero hindi kanina dahil natatakot siya na baka mapano si Jesylyn na buntis nga.
"Grabe ka, pinahirapan mo kami ha, pero nandito pa din kami para singilin ka." Sabi ng isang lalaki na may makapal na balbas. Nagkaroon pa siya ng kalmot sa mukha dahil pilit pa din ito kanina lumalaban ng magka-malay ito pero buti nga at naitali na nila ngayon.
Pilit ko namang ginagalaw ang katawan ko matapos nila akong itali sa isang upuan. Isa ang grupo na ito sa mga pinagkaka-utangan ng tatay ko at isa sila sa mga masasabi ko na pursigido akong singilin kahit pa alam nilang wala naman akong ibabayad sa kanila.
"Kung sisingilin niyo ako pwes sinasabi ko na sa inyo na wala kayong mahihita sa akin dahil wala akong maibabayad sa inyo." Matapang kong sabi.
Ngumisi naman ang lalaki at naupo sa harapan ni June Aileen. "Alam naming may relasyon kayo ni Pablo Fererr kaya siya ang sisingilin namin." Sabi niya dito.
Hindi ako nagpatalo at lalong hindi ako magpapatalo sa kanila. Sa dami na ng naranasan kong hindi maganda sa buhay ko ay ngayon pa ba ako susuko. Hindi ko alam kung alam na ba ni Pablo ang nangyari sa akin pero kung alam niya na ay hindi ko alam kung tutulungan niya ba ako o hindi. "Wala kaming relasyon na dalawa kaya ako na ang nagsasabi na wala kayong mapapala sa akin." Sabi ko pa ulit, kalahaitng milyon ang utang daw ng tatay ko sa kanila at wala akong gano'ng kalaking pera kaya wala din katuturan ang pagkuha nila sa akin ngayon.
"Wag kang mag-alala alam na ni Pablo na kinuha ka namin at hihintayin na lang natin siyang dumating pero bago 'yon aangkinin muna kita."
At doon nabalot ng takot ang mukha ni June Aileen dahil sa sinabi nito sa kanya.
#maribelatentastories