"A-Ako na.." Agaw ko sa hawak niya na panty ko, gusto ko mahiya sa kaharutan naming dalawa pero siyempre ginusto ko din naman ang kung anong pinag-saluhan namin. And I can't still feel him inside me, pakiramdam ko ay nasa loob ko pa siya. Beside he came inside me as well maybe that's why I feel like this. At dahil nandoon sa baba ang cr ay doon na lang ako mamaya mag-aayos.
Hindi naman na naitago pa ni Pablo ang ngiti na pinipigilan niya, he just want to help her to fix her clothes pero ayaw naman nito kaya pinanood niya na lang. "Round 2?" Pagbibiro niya kunwari pero sa totoo lang ay umaasa siya na masundan ang mainit nilang ginawa kanina. At malay niya baka mag-oo ito sa kanya.
Hinampas ko na nga siya sa balikat pagkatapos kong ayusin ang dress ko na siya din naman ang gumulo. "Tumigil ka nga diyan saka wag ka na nga pumunta dito sa susunod, ginugulo mo lang trabaho ko at wala tuloy akong magawa ng dahil sa 'yo." Pagtataray ko sa kanya, dahil wala na. Gulo-gulo na pati ang buhok ko na hinawakan niya kanina habang may ginagawa kaming milagro. Inalis ko muna tuloy ang pagkakatali no'n at sinuklay na lang ng daliri ko pago ko itinali ulit. Hindi na din ako amoy June Aileen kung hindi amoy Pablo na ako sa gawa niya.
Kinuha naman ni Pablo ang hawak ng dalaga na mga gamot at siya na ang nagbitbit ng hindi naman kalakihan na karton. "Don't blame me, we both enjoyed it Aileen." Sabi pa niya kaya hindi na niya naiwasan ng sipain siya nito sa binti.
Hindi din nagtagal pa si Pablo sa pharmacy dahil umalis na din ito para asikasuhin ang lakad niya. Marami na siyang hindi nagagawa na dapat niyang gawin nitong mga nakaraan na araw dahil sa kasusunod niya kay June Aileen. Isa pa alam niyang hindi lang ito makapag-reklamo dahil nandoon nga ang dalawang pharmacist kanina pero tiyak mamaya pag uwi nito ay pagsasabihan siya nito.
"I-Ikaw pala.." Nagulat pa ako ng may tumawag ng malakas sa pangalan ko at ng makita ko nga kung sino ang bumibili sa labas ay si Jesylyn pala na asawa ni Congressman Wilde. Maingay talaga siya pero friendly naman ang boses.
"Hi June Aileen! Kumusta? Dito na ako bibili ng mga vitamins namin." Magiliw na sabi ni Kapitana at saka ipinakita ang reseta ng mga bibilhin niya, nag-abot na din siya ng pang-bayad dahil natanong na niya noong nakaraan kung magkano ba 'yong mga vitamins na iniinom nila mag-asawa. Galing pa siya sa baranggay hall ng Mayumi at dito nga dumiretso imbes na sa dating binibilhan na botika. Sabi nga suportahan ang mga kaibigan sa tinatayong negosyo, kaya heto siya at dito na nga bumili.
"Naku salamat." Inabot ko sa isa pang pharmacist dito ang reseta para ito na ang mag-asikaso no'n. "Halika pasok ka." Sabi ko sa kanya.
"Naku hindi na, baka kapag pumasok pa ako diyan ay matagalan lang tayo sa pag-uusap." Tanggi ni Jessy dahil alam niya sa sarili niya na makuwento siyang tao at magtatagal talaga kapag pumasok pa siya sa loob.
"Naku ayos lang, ako na lang ang lalabas sandali." Sabi ko at naglakad na nga palabas, hindi lang naka-double lock ang pintuan namin dito kung hindi naka-triple lock pa at si Pablo ang nag-suggest na gawin ito for safety purposes. Pero aside sa main door nito kung saan kami lumalabas at pumapasok ay may back door din para in case of emergency naman.
:
"Mukhang malakas itong pharmacy mo ha, sabi ko nga sa mga kilala ko sa baranggay namin dito na lang sila bumili ng mga gamot dahil may generic at branded din naman tapos kumpleto pa." Ani ni Jesylyn ng lumabas nga talaga ang dalaga. Mag aalas sais na din ng gabi kaya madilim-dilim na pero maliwanag naman dito sa labas dahil aside sa may ilaw ang kalsada at mga poste ay may sariling ilaw din itong building ng pharmacy ni June Aileen.
"Naku salamat, mag-dilang anghel ka sana. Pero teka hindi mo yata kasama si Congressman ngayon?" May kotse kasi at alam kong sa asawa niya 'yon pero mukhang hindi naman niya kasama si Congressman Wilde ngayon.
"Oo hindi talaga dahil nasa munisipyo pa siya pero dadaanan ko din siya pagkatapos ko dito." Sagot ni Jesylyn, siya ang pinasundo ng asawa niya sa driver niya at siya din ang susundo sa asawa niyang si Crocs para sabay na silang umuwi.
"Gano'n ba? Teka sandali at nandiyan na 'yong binili mo." Sabi ko at nilapitan ang pharmacist namin para kunin ang gamot na binili niya.
Pagbigay naman ni June Aileen kay Jesylyn ng gamot ay muntik pa siyang matapilok ng makita ang apat na lalaki na bumaba sa isang sasakyan. She knew them, they are familliar to her. At parang nagwawala ang puso niya sa kaba ng makita ang mga ito dahil kilala niya nga.
"H-Hoy teka, bakit may hawak kayong mga baril?" Natakot si Jesylyn ng makitang ang mga armadong kalalakihan na lumapit sa kanila. Hinawakan niya din sa braso si June Aileen pero inalis naman nito ang kamay niya sa braso nito at hindi nga nagpahawak.
"Sumama ka na sa amin Aileen dahil kahit anong tago pa ang gawin mo ay hindi mo matatakasan ang utang ng tatay mo sa amin." Sabi ng isa sa mga lalaki na tinutukan nga ng baril ang dalaga at hinila ito.
"Oh my God, tulong tulong!" 'Yon na lang ang nasabi ni Jesylyn ng hilahin nga si June Aileen ng mga lalaki at isakay sa sasakyan. Mas natakot siya dahil 'yong isang lalaki ay pinukpok ng hawak nitong baril sa may batok ang dalaga at alam niyang mawawalan ito ng malay dahil do'n.