This is it, after 4 days of non-stop working heto na talaga ang soft opening ng pharmacy ni Pablo. At gusto niya pa nga ay pangalan ko ang ipangalan namin dito, natural tumanggi ako dahil hindi naman ito akin. Kanya, kahit sinasabi niya na sa akin ng paulit-ulit na akin daw 'to ay hindi ko ito puwedeng angkinin dahil wala naman akong nilabas ni piso dito saka mahirap mang-angkin ng ganito dahil alam kong milyones ang ginastos niya. Kaya ang ipinangalan na lang naman ay Colores pharmacy ba pangalan nitong mismong bayan namin. At 'yon din ang nakalagay sa signage sa labas.
"He's a good friend of mine Aileen, si Congressman Wilde Hawk Winston at ang asawa niyang si Jesylyn." Nakahawak pa talaga si Pablo sa beywang ng dalaga habang pinapakilala niya ang dumating na kaibigan. Nagpahanda siya ng kaunti para na din i-celebrate ang pagbubukas ng negosyong ito at dito din ginanap sa pharmacy ang kaunting salo-salo 'yon nga lang sa 2nd floor ng building.
"Hi.." Nahihiya kong bati, natural kilala ko si Congressman Winston dahil binoto ko siya noong nakaraang halalan. Friend pala talaga sila? At puro ba ganito ang kaibigan ni Pablo? Puro mayayaman? "June Aileen nga pala." Pakilala ko naman.
Nilahad naman ni Wilde ang kanyang kamay at saka nginitian si June Aileen, maging ang asawa niyang si Jesylyn ay gano'n din ang ginawa.
"Ikaw pala ang kinukuwento sa akin nitong si Pablo." Sabi pa ni Wilde na ngitian ng makahulugan ang kaibigan, talagang pumunta siya ng imbitahin siya nito para makilala nga ng personal itong babaeng kinuwento na din sa kanya ng isa pa nilang kaibigan na si Carlos. At mukhang may nase-sense siya na kakaiba sa aura ni Pablo, 'yong bang parang susunod na ito sa yapak nila at bubuo na ng sariling pamilya.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil hindi ko din alam kung ano ba ang kinukuwento nitong Pablo na 'to sa mga kaibigan niya. Baka mamaya ay sinabi niya na pala ang tungkol sa kasunduan namin. Pero wag naman sana.
Hinila naman ni Jesylyn si June Aileen. "Tara do'n tayo kay Misty, kilala mo naman siguro siya no?" Sabi niya dito, nakita niya kasi si Misty Faith kasunod ang asawa nito na agad niyang kinawayan.
"Oo natatandaan ko siya." Sagot ko naman dahil ang tinutukoy niya ay ang kaibigan ni Pablo na may-ari ng hacienda Elizondo. Tumingin pa nga ako kay Pablo at tumango lang ito sa akin na para bang naintindihan ang gusto kong sabihin sa kanya. Kaya nagpahila na lang ako dito sa asawa ni Congressman Wilde.
Tinapik naman agad ni Wilde ang balikat ni Pablo pagkaalis ng asawa at ng pinakilala ng kaibigan na babae. "I never thought you will spent this much for a woman." Pailing-iling na sabi niya, kilala niya ang pinakilala nitong babae sa kanya, hindi man personal kung hindi sa kuwento nito at ni Carlos.
"Tsk ikaw lang ang nag-iisip niyan at kailan naman naging masama ang pagtatayo ng negosyo?" Ani ni Pablo, maski siya ay tinatanong niya din ang sarili kung minsan, paano ba naman gumastos talaga siya ng malaki para sa pagbili niya ng building na ito at pagpapatayo ng pharmacy. Siya lang yata 'yong naniningil ng utang na napagastos pa ng mas malaki.
"Maiintindihan ko pa kung magpapautang ka dahil 'yon ang negosyo mo at pamilya mo, o kaya magdadagdag ng ibang bus dito sa probinsiya. Pero ang pharmacy? Come on Pablo ano bang alam mo sa gamot ha?" May himig ng pang-aasar sa boses ni Wilde, kung hindi siya nagkakamali ay ang ama ng pinakilala nito sa kanya na babae kanina ang may utang mismo sa kaibigan niya pero dahil patay na ay 'yong anak na lang ang siningil nito. Pero mukhang hindi pera ang siningil ni Pablo sa babae. Dahil iba ang nakikita niya at naiisip.
"Whatever, sayang naman kung nasa bahay ko lang si Aileen kaya mas maigi na pakinabangan ko siya so I decided to have this pharmacy." Pablo was trying to explained to his friend. Sa ngiti pa lang kasi ni Wilde ay alam niyang iba na ang iniisip nito. At kulang na nga lang yata ay kantyawan siya nito eh.
"To have this pharmacy? But you gave this to her right?" Pagtatanong pa ng congressman, nakalimutan na yata nitong kaibigan niya na siya ang nag-ayos ng paglilipat ng titulo nitong lupa na kinatitirikan sa pangalan ng June Aileen na 'yon. "Ako ang nag-ayos ng titulo nito baka nakakalimutan mo at hindi mo pangalan ang pinalagay mo diba? pati na 'yong pangalan sa pagpapa-register nitong pharmacy ay sa pangalan niya din diba? So ano 'yon ha?"
Lalo lang tuloy nalukot ang mukha ni Pablo sa sinabi ni Wilde, ang hirap talaga mag-sinungaling sa isang abogado! "Ewan ko sa 'yo, tara na nga." Sabi niya na lang para lapitan nila si Carlos. Baka mamaya ay kung anu-ano pang sabihin nito sa kanya eh, at kung alam niya lang ay sana pala hindi niya na 'to inimbitahan pa.