Hi, kumusta? No updates for these past few days dahil may sakit po ako. Yes tinatablan pa din pala ng sakit😅 kating-kati na po talaga 'yong kamay ko magsulat kaso hindi ko magawa dahil grabe ang sakit ng balikat at likod ko.
Nagpa-check up ako kanina sa orthopedic and gaya ng check up ko last April sa rheumatologist hindi pa din naaalis yung sakit sa likod ko. And mas gumrabe pa siya ngayon. Mero'n po kong severe trapezius muscle pain which is may time na nakakaiyak ang sakit. Tapos sumasabay pa pag-flair up ng costochondritis ko kaya para silang isang team sa pag-atake sa akin. From my left neck down to my left shoulder and upper back po ang sakit na hindi ko kinekeri nitong mga nakaraang araw.
Aside sa nag-gagamot ako now by next week mag start din ako ng physical therapy kaya sana mag okay talaga ako after kasi mahal ang bayad🤦♀️12 session ang need tapos twice a week pa.
So please join my vip group, malaking tulong po sa akin yon now.Paano ko nakuha 'to? From repetitive work, maghapon nagsusulat tapos kamay lang gumagana and sabi ng doktor ang usually nagkakaroon ng ganito ay mga nagko-computer works. Sayang-saya pa naman ako pag nakaka-4k to 5k words counts a day sa pagsusulat tapos biglang ganito. Nasobrahan sa sipag sa pagsusulat🤦♀️
Kaya intindihin ko muna 'tong sakit ko and baka maging mabagal ang update ko sa dalawa kong on going na story dito sa wattpad. Hindi ako makapag-promise na mag daily updates kasi nangangalay talaga kaliwang braso ko and ang bagal ko mag type maski ngayon sa cellphone.
Pero yung mga books specially sa mga nag order ng M.A series 01 to 10 saka kay Gov baka next week or 3rd week of July ang dating. Madami po kasi ang sa M.A series kaya na-delay.
Yon lang! Sana gumaling na talaga ko at mawala na 'tong muscle pain ko.