CHAPTER 03

7.5K 164 5
                                    



Hi! Naka 50% discount po ang lahat ng M.A series stories ko sa vip group. Ngayong month lang po ito para sa pagpapa-physical therapy ko, you can join for only 100 pesos per story. Pm niyo po ko sa fb page ko sa mga gustong mag-join!







"Baliw ka ba? O nagda-drugs? Kasi sa tingin mo ba papayag ako sa gusto mo? Hindi mo ako pagmamay-ari at walang nagmamay-ari sa akin na kahit sino." Singhal ko sa kanya, oo nandoon na tayo sa marami talagang hindi nabayaran na utang ang ama ko bago siya namatay pero hindi naman tama na ako ang magiging pambayad. Dahil maging ako ay hindi din masaya sa mga ginawa niya pero kahit bali-baliktarin natin ay hindi din maaalis ang katotohanan na siya ang tatay ko. 



Pablos shook his head, of course he's not crazy. At kung mababaliw siya ay dahil 'yon sa isang babae at walang iba 'yon kung hindi ito mismo. "Hindi ako baliw pero ang utang ay utang na kailangang bayaran, and I've been waiting this to happen for 5 years. Ikaw ang kapalit ng inutang ni Armando kaya hinding-hindi ka na makakaalis pa sa poder ko." She really grew fast, at tama talaga ang nasa isip niya noon na magiging maganda pa ito lalo kapag nag-dalaga dahil napakaganda nito ngayon. Ang balingkinitan nitong katawan ay mas nagkalaman at nagkaroon mas lalo ng hulma. Kaya hindi na din nakakapagtaka na marami itong manliligaw lalo na ng humusto ito sa tamang gulang. Pero dahil pursigido ito na makapag-aral ay hindi din talaga ito pumasok o nakipag-relasyon sa kahit kanino at isa 'yon talaga sa masasabi niyang binantayan niya. And he knew that, he knew what happened to her life for the past 5 years. Dahil kahit hindi siya nito kilala at ngayon lang sila ulit nagkita ay alam niya naman kung ano bang nangyayari dito dahil nakasubaybay siya. 





Umalis na ako sa kama dahil hindi puwedeng magtagal pa ako dito. Gusto ko ng umuwi at gusto kong magpahinga dahil napakahaba ng araw na 'to sa akin. "Tigilan mo na ang sinasabi mong ganyan sa akin, dahil wala ka din mapapala. Unang-una patay na si Papa at wala ka ng masisingil pa." Sabi ko sa kanya pagkaalis ko sa kama, sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa nakalipas na isang taon simula ng mamatay ang kaisa-isang pamilya na mero'n ako ay lagi na lang din ganito ang nangyayari. Lagi na lang may kung sino na magpapakita sa akin at sisingilin ako sa utang ni Papa, na kahit anong paliwanag ko na wala naman silang makukuha sa akin ay ako pa din talaga ang hinahabol-habol. At nasanay na nga siguro ako, nasanay na ako na ganito lagi ang nangyayari pero hindi ako papayag na ganito ang maging kapalaran ko. 





Pero natawa lang si Pablo sa sinabi ng dalaga, he will not let her to go home if that what she want. Kahit anong reklamo pa o sabihin nito sa kanya ay hindi siya papayag sa gusto nito. Kaya naman naglakad siya lalo palapit dito. 



"A-Ano ba? T-Tumigil ka na nga diyan at hindi ka na nakakatuwa." Hindi parang dahil literal na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa paglapit na ginawa niya. He's tall, hanggang dibdib niya nga lang ako eh. At amoy mayaman! He smell expensive even if I saw him drinking beers awhile ago. At kung hindi ako nagkakamali ng pagkakatanda ay siya nga talaga ang lalaking nagpunta sa bahay namin noon na naniningil din ng utang sa tatay ko. But seeing him right now made me feel furious, na parang hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya na hinintay talaga niya ako. I was only 15 years old when I saw him and now I'm 20 still hindi niya ako pagmamay-ari at lalong hindi papayag sa kung ano bang gusto niya. Dahil napakalaki ng agwat naming dalawa!



Pero hindi pa din nagpatinag si Pablo dahil mas lumapit pa din siya ng lumapit kay June Aileen hanggang sa mapaupo ito sa kama. Doon na niya inilagay ang dalawang kamay sa magkabilaan nito. "I don't mean to be possessive or to take you away from anywhere Aileen. I just want you to be a permanent part of my world so badly. Dahil hinintay kita, hinintay ko ang araw na 'to." Matigas niyang sabi, and for him the wait was finally over. Dahil tama na ang matagal na panahong paghihintay niya. 




Tinulak ko nga siya dahil sobrang lapit na niya sa akin pero hinawakan naman niya ang kamay ko. At ngayon ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa na mismong paghinga niya ay ramdam na ramdam ko. T-This is kidnapping, puwede kitang isumbong sa mga pulis dahil sa ginawa mong pagkuha sa akin. At sisiguraduhin kong makukulong ka." Ang laki ng kamay niya at alam kong ramdam niya na malamig ang kamay ko. Pero hindi ako dapat magpatalo sa kanya, hindi ako dapat kabahan dahil kapag nalaman niya 'yon ay baka lalong hindi na din ako makaalis pa sa kung saan mang lugar na 'to. 



Pagak naman na natawa si Pablo sa sinabing 'yon ng dalaga. Ako isusumbong niya sa pulis? Tinatakot niya ba ako? Tanong niya pa sa sarili. "Isusumbong mo ako sa pulis? Go on isumbong mo kung 'yan ang gusto mo pero kapag ginawa mo 'yon sasabihin ko din ang sampung milyon na utang ng tatay mo sa akin." Sabi niya dito kahit alam niyang hindi naman nito 'yon gagawin. "Do that ng magkaalaman tayong dalawa kung sino ba ang makukulong sa atin." Dagdag niya pa.





At walanghiya nga talaga ang lalaking 'to dahil nanakot pa! Sa inis ko ay sasampalin ko sana siya gamit ng isa ko pang kamay pero mabilis niya lang din 'yon nahawakan hanggang sa matumba na nga ako at tuluyan ng mapahiga sa kama. "B-Bitiwan mo ako, bitiwan mo ko!" Sigaw ko sa kanya lalo pa at halos nasa ibabaw ko na siya. I can feel his weight on top of me.



"You are only mine Aileen, end of discussion. Kaya wag ka ng pumalag pa dahil hindi ka na makakaalis sa poder ko simula ngayon." Sabi niya dito bago siniil ng halik ang mga labi nito. 


#maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon