Ang mahal pala magpagawa ng laptop? 2k inabot, hindi kasi gumagana yung letter N saka O sa laptop ko. Lahat na ng troubleshooting ginawa ko pero ayaw talaga gumana tapos dinala ko na kanina sa pagawaan tapos need daw palitan ang mismong keyboard. First time ko kasi magpagawa ng laptop ang mahal pala. Wala lang kinuwento ko lang hehe.
Imbes na sa bahay dumiretso sila Pablo at June Aileen ay sinama pa ito ng binata papunta sa bahay ng kaibigan niya at wala 'yong iba kung hindi si Carlos ang may-ari ng hacienda Elizondo. Gusto niyang makilala ng kaibigan ang dalaga at ipatindi dito na hindi magtatagal at magkakamabutihan din silang dalawa ni Aileen.
"Hindi na ako magtatanong pa kung mag-ano ba kayong dalawa pero masaya akong makilala ka June Aileen." Sabi ng haciendero na si Carlos na inilahad pa ang kamay sa babaeng ipinakilala sa kanya ni Pablo. Bumalik siya dito sa bahay niya ng tawagan siya ng asawang si Misty Faith ay sinabi na may bwisita siya este bisita. Akala niya pa nga si Wilde o kaya si Killian pero hindi pala kung hindi itong si Fererr.
"Hi, nice meeting you din." 'Yon na lang ang nasabi ko sa lalaking kaharap ko na mukhang cowboy ang dating. Modern cowboy to be exact dahil iba 'yong awra niya. At siya pala ang may-ari ng hacienda Elizondo na lagi kong naririnig. Hindi ko naman inaasahan na hindi pa pala kami uuwi ni Pablo kanina pagkatapos naming kumain at may pupuntahan pa pala kaming dalawa.
Doon naman lumabas mula sa kusina si Misty Faith, nauna na siyang nakilala ni June Aileen kanina dahil kakabalik lang ng asawa niya dito sa bahay nila at ng dumating nga si Carlos ay nag-ayos muna siya sandali ng mamemeryenda. Mag-aalas dos na din kasi ng hapon. "Halika muna Aileen do'n tayo sa kusina." Aya niya dito.
Tiningnan ko naman si Pablo, natural dahil kakakilala ko lang ngayon kay Misty Faith na kaibigan niya at ng tumango ito sa akin ay saka lang din ako tumayo at lumapit sa kaibigan ng asawa niya. Ayoko din namang tumunganga sa tabi ni Pablo kung may pag-uusapan sila ng kaibigan niya kaya mas mabuti na itong si Misty muna ang kausap ko.
Inabot agad ni Misty Faith ang isang baso ng buko juice sa dalaga ng makarating sila sa kusina, tamang-tama at mero'n silang mga bagong pitas na buko kaninang umaga kaya inutusan niya ang isa sa trabahador ng asawa niya na ipag-biyak sila no'n para mainom.
"Totoo ba 'yong sinabi kanina ni Pablo? May pharmacy ka daw?" Tanong ni Misty sa kaharap, naupo pa nga siya para mas makausap ito. Nakakamiss din kasi ang may kausap lalo pa at madalang na lang magawi dito ang kaibigan niyang maingay na si Jesylyn. Isa pa hindi din naman siya palalabas at kapag may bisita lang ang asawa niya at may kasama din ito ay 'yon lang din ang nakaka-kuwentuhan niya.
"Naku hindi akin 'yon no, kay Pablo 'yon." Agad kong sabi, mahirap na at baka isipin pa niya na mayaman ako.
Tumango-tango si Misty Faith na parang hindi kumbinsido sa sagot na nakuha mula sa kaharap.
"Isa akong license pharmacist at ang sinabi kanina na pharmacy ni Pablo ay kanya talaga yon kasi hindi naman sa aking pera ang ginamit niya para doon." Paglilinaw ko, siya kasi ang naabutan namin dito dahil naglibot nga daw ang asawa niya sa hacienda pagkatapos ng mga ito mag-tanghalian. Para ngang ayokong maniwala na asawa niya pala 'yong mukhang masungit na lalaki kanina lalo pa at parang bata pa itong babaeng kaharap ko.
"Pero hindi ka naman niya kinidnap no? Kasi kung gano'n ang nangyari ay may kilala akong abogado, at asawa 'yon ng kaibigan ko. At puwede ka niya ng tulungan pagka-gano'n ang nangyari."
"Naku hindi niya ako kinidnap." Agad kong tanggi, hindi naman talaga kasi kusa naman akong sumama kay Pablo at may usapan na din kami kaya naman 'yon ang pinang-hahawakan ko.
Parang lalo lang tuloy hindi naniwala si Misty Faith sa sinabi ng kaharap lalo pa at naikuwento sa kanya noong nakaraan ng asawa niyang si Carlos ang tungkol sa kaibigan nito na nandito ngayon sa bahay nila. "Kung hindi ka niya kinidnap, eh di ano lang? May relasyon kayong dalawa?"
Umiling ako. "Wala kaming relasyong dalawa." 'Yon naman kasi talaga diba? Wala naman talaga, mukhang kilala din nitong Misty si Pablo kaya siguro ganito na lang magtanong sa akin. Hindi naman ako naiilang kasi kanina pa din niya ako kinakausap habang hinihintay namin ang asawa niya. At lalo din namang wala akong dapat itago kaya walang problema sa akin na sagutin ko ang mga tanong niya.
"Pero bagay kayo ha." Dagdag pa ni Misty. "Ilang beses ko pa lang nakita at nakausap 'yang kaibigan ng asawa ko pero mukhang okay naman siya kausap." Kuwento niya. "Para din kasi siyang si Carlos mukhang masungit pero mabait naman."
Si Pablo mukhang mabait? Parang hindi naman, ang sarap sanang sabihin pero baka kung ano lang isipin nitong kaharap ko. At sasarilinin ko na lang muna ang mga masasabi ko tungkol kay Pablo.
"Sige na nga, hindi na ako magtatanong." Ani ni Misty na parang naiintindihan kung bakit wala siyang makuhang maayos na sagot mula dito sa kausap niya. Marahil ay hindi tama ang ginagawa niyang pagtatanong dito lalo pa at kakakilala niya lang at kakakita dito ngayon. "Pasensiya ka na kung matanong ako ha, minsan na lang kasi pumunta dito 'yong kaibigan ko na si Jessy kaya ganito ako ka-excited na makipag-usap."
Ngumiti ako. "Don't worry ayos lang." Ako din naman ay namimiss na may kausap maliban sa mga nakakasalamuha ko na tauhan ni Pablo at siya mismo. Simula kasi ng magpaalam ako na hindi muna papasok sa pharmacy na pinapasukan ko ay hindi ko pa nakikita ang kaibigan ko. At mukhang kailangan ko na nga din pala magpaalam sa mismong may-ari ng pinag-tatrabahuan ko lalo pa at kailangan ko munang asikasuhin itong pharmacy ng Pablo na 'to.
#Maribelatentastories