CHAPTER 10

7.3K 154 5
                                    




Parang hindi pa din sukat akalain ni June Aileen ang nangyayari, may katuwang siyang tauhan ni Pablo sa pag-aasikaso ng mga dapat niyang gawin sa binili nitong property sa bayan ng Colores. At limang araw lang din ang kinailangan para mabakante ang buong building at ngayon nga ay nakabakod muna ito ng mga yero dahil sa on going na paggawa ng mga dapat gawin pa dito. At ngayong umaga nga ay kasama niya ang tauhan ni Pablo para makipag-usap sa interior designer na pinadala ng binata, at kanina pa nga siya nagtataka kung bakit may gano'n pa samantalang puro estante lang naman dapat ang mero'n sa magiging sariling pharmacy niya. 





"Na note ko naman na po ang mga gusto niyo para sa pag-aayos nitong soon pharmacy niyo Ma'am and bukas na bukas po ay pasisimulan ko na 'to sa team namin." Sabi ng babaeng kausap ni June Aileen na nagpakilalang interior designer. 



"S-Sige salamat." 'Yon na lang ang nasabi ko sa babae bago ito nagpaalam dahil parang hindi naman na talaga kailangan pang magpa-gano'n pa. I mean simpleng pharmacy lang naman ang gusto ko at hindi naman 'yong high end. 



"Sigurado po Ma'am na magiging maganda ang kalalabasan nitong pharmacy niyo, at maging ako po ako ay na-eexcite na." Sabi naman ng babaeng tauhan ni Pablo na si Jenny, sa lending company talaga siya ng mga Fererr galing pero napag-utusan siya ng boss niya na sama-samahan muna itong si June sa mga lakad na kailangan nito habang nagpapagawa ng pharmacy. At hanggang ngayon nga ay parang hindi siya naniniwala na wala daw relasyon ang dalawa samantalang hindi talaga 'yon ang nakikita niya lalo na kapag ito ang pinag-uusapan nila ng boss niya. Saka sino bang matinong lalaki ang gagastos ng ganito kalaking pera para lang sa isang babae? Unless na may gusto talaga ito diba?



Napangiwi ako, oo nakaka-excite nga siguro pero pag naririnig ko na kasi at naiisip 'yong gagastusin ay parang sumasakit na ang ulo ko. Katulad nitong kaaalis lang na interior designer, which is 350 thousands pala ang bayad para sa service nila na kung susumahin ay hindi naman na talaga kailangan pa ng gano'n. Pinapaalis kasi ni Pablo ang partition ng apat na unit dito sa ibaba at para maging isahan na lang 'yon kaya 'yon ngayon ang ginagawa ng mga construction worker na narito bago daw lagyan ng bagong tiles. At alam kong iba pang bayad 'yon saka itong sa interior designer na kinuha niya. 



"Kakausapin ko na lang mamaya si Pablo kasi hindi naman talaga kailangan ng interior designer pa dito." Sabi ko kay Jenny, kasi dagdag gastos lang talaga 'yon saka parang ako na din ang nahihiya sa lalaking 'yon dahil hindi biro ang nilalabas niyang pera nitong mga nakaraang araw. 





"Naku Ma'am hayaan niyo na po si Sir tutal siya naman po ang magbabayad saka sigurado po ako hihigitan ng pharmacy niyo ang ibang pharmacy dito sa Colores." Komento pa ni Jenny na sinundan sa paglalakad si June Aileen. 



Isa pa pala 'yon, 'yong tungkol sa mga kompanya na nakausap ko na tungkol sa mga gamot. Oo may alam na ako kahit papaano kung sino at saan ba kokontak ng gano'n at natural ibang puhunan na naman 'yon. Pero lagi kasing sinasabi sa akin ni Pablo na wala daw magiging problema sa pera at siya na daw bahala tungkol do'n pero para sa akin ay sobra-sobra na kasi ito. Kaya nga ngayon pa lang ay hindi ko rin talaga ito inaangkin lalo pa at hindi ko naman pera ang gagamitin dito. 



"Pero hindi puwedeng puro palabas ang pera niya dahil hindi naman talaga tama ang ginagawa ni Pablo, ang gusto ko lang naman ay simple lang na pharmacy at hindi ko kailangan ng bongga." Sabi ko sa kanya at saka nauna ng sumakay sa sasakyan na sinakyan din namin papunta dito. 





Kinagabihan ay hindi inaasahan ni Pablo na gising pa si June Aileen pag-uwi niya, pasado alas dose na din kasi ng gabi at madalas kapag umuuwi siya ng ganitong oras ay tulog na ito palagi. Pero hindi ngayon dahil gising pa ito pagpasok niya sa kuwarto na tinutulugan nilang dalawa. 



"Kanina pa kita hinihintay." Sabi ko ng dumating na din siya sa wakas, inaantok nga talaga ako pero kasi gusto ko talaga siyang makausap.



Ipinatong ni Pablo ang jacket na hawak niya sa upuan na naroon. "Bakit? May problema ba?" Agad niyang tanong sa dalaga. 



Umalis na ako mula sa kama at nilapitan siya, amoy beer! At mukhang nag-inom siya sa kung saan kaya ngayon lang nakauwi. "Gusto lang sana kita makausap tungkol sa pinapunta mong interior designer kanina, parang hindi naman na kasi kailangan pa no'n." Sabi ko. 



Kumuha muna ng bottled water ang binata sa maliit na ref na nasa loob ng silid niya at uminom no'n bago siya naupo sa maliit na sofa. Galing siya sa bahay ng kaibigan niyang si Killian na ang walanghiya ay nakapag-asawa na din pala. At doon nga ay napainom sila kasama din ang abogadong si Wilde, si Carlos lang ang wala do'n kasama na din ang iba pang kaibigan niya. "Why not? Mas okay ang may gano'n Aileen dahil mas magiging maganda ang pharmacy, unang-unang tinitingnan ng isang mamimili kung maganda ba ang isang lugar, mapa-gamit man 'yan o lugar pa. At kailangan 'yon ng pharmacy mo lalo pa at magpapakilala ka pa lang sa market."



Tsk, kung maka-pharmacy naman 'to akala mo talaga ako ang gumastos. "Pero ang mahal ng bayad do'n, 350 thousands tapos may mga sinabi na siya at inilista na dapat bilhin at alam kong malaking pera ulit 'yon." Hindi ko naman kasi inaasahan na ganitong sakit ng ulo ang mangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Mula sa on the spot na pagbili niya ng property na pagtatayuan nga daw ng pharmacy para sa akin tapos itong pag-aasikaso pa tungkol dito. Parang mas okay pa nga na hinahabol ako ng mga naniningil sa akin ng utang kaysa sa ganito eh. 



Hinila ng binata si June Aileen hanggang sa mapaupo ito sa kandungan niya. Napatili pa nga ito at akma pang aalis mula doon pero pinigilan niya ito at pinulupot ang isa niyang kamay sa beywang nito. "Ang sabi ko sa 'yo wala kang dapat problemahin sa pera dahil ako ang bahala do'n, kaya wag mo ng isipin pa ang tungkol diyan."



Para namang dumadagundong ang puso ko sa bilis ng tibok no'n dahil naka-kandong ako sa kanya tapos ayaw niya pa akong paalisin dito! "A-Ano ba? tatayo ako."



"Nahhh, I still want you here in my lap." Sabi ng binata, nalalanghap niya ang mabangong amoy ni June Aileen at para tuloy gusto niyang halikan ito sa mga labi. 



"Pero nag-uusap t-tayo diba? Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko." Naiilang na sabi ko pa, nakakailang naman kasi talaga kapag ginaganito niya ako. Tapos ang lapit-lapit pa ng mukha namin sa isa't-isa. 



"We can talk like this Aileen, isa pa may sasabihin pala ako." Ani ni Pablo habang nakatingin sa dalaga. 



"A-Ano?" 



"Pahalik muna." 'Yon lang at hinigit na ito ni Pablo sa batok at saka siniil ng halik."

#Maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon