CHAPTER 21

8.7K 127 1
                                    




"Tumigil ka nga sa pangiti-ngiti mo diyan, hindi ka nakakatuwa." Masungit kong sabi kay Pablo, paano ba naman simula ng saluhan niya ako dito sa dining table ay maya-maya siya kung ngumiti sa akin. At natural nakakainis 'yong ginagawa niya, alam ko naman kasi na may ibig sabihin siya.




"At kailan pa naging bawal ang pag-ngiti Aileen?" Sabi ni Pablo at sumubo ulit ng pagkain na nasa plato niya. He can't helped it but to give her a mischievous smile, paano ba naman naalala niya ang ginawa nila kagabi sa labas ng hacienda ng kaibigan niyang si Carlos at hindi doon 'yon nagtatapos. Buti nga at nagawa niya pang makapag-drive eh, he took her again after they got home. Sinundan niya si June Aileen sa banyo at doon inangkin. Kaya naman dalawang bese may nangyari sa kanila kagabi.







Inirapan ko nga siya at binilisan na lang ang pagkain, akala ko hindi pa siya magigising agad kaya nauna na akong kumain. Pasado alas dyis na kasi ng umaga at kailangan ko pang pumunta sa dati kong pinapasukan para personal na magpaalam na aalis na ako. Hindi na kasi ako makakabalik doon, at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng kaibigan kong si Josephine oras na malaman niya na magre-resign na ako. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya itong mga nangyayari sa akin kaya naman siguradong masasakal ako ng babaeng 'yon. Mamaya na din kasing hapon dadalhin ang ibang gamot sa pinapagawang pharmacy ni Pablo at doon na ako magiging busy sa pag-aayos no'n. 




Inilapit ni Pablo ang upuan papunta sa gawi ng dalaga, alam niya na alam nito kung bakit ganito siya ngayon. "I know you didn't had a good sleep, puwede ka namang hindi muna umalis." Sabi niya pa, alam niyang may lakad ito pero wala naman sa kanyang problema kung hindi ito umalis ngayon dahil maski siya ay tinatamad lumabas. He didn't had a hang over drinking with Carlos last night but he had hang over taking her. Kaya didito na lang siya muna sa bahay niya at magpapahinga.






"Hindi puwede, saka kailangan kong pumunta sa dati kong pinapasukan para makapag-paalam ako ng maayos." Sa totoo lang ngayon pa nga lang ay nahihiya na ako magpaalam dahil 'yong paalam ko na aabsent dahil masama ang pakiramdam ko ay nagtuloy-tuloy na dahil nga sa Pablo na 'to. Pero sana hindi magalit ang dati kong boss sa akin dahil aalis na nga talaga ako sa botika niya. 






Uminom si Pablo ng kape bago nagsalita. "Fine sasamahan na lang kita para makita ko na din kung anong improvement do'n sa pharmacy mo." Mabilis niyang sabi, hindi na lang pala siya magpapahinga gaya ng plano niya kung hindi sasamahan niya na lang ito.




"No, pharmacy mo dahil hindi naman aking pera ang ginamit doon kung hindi sa 'yo Pablo." Pagtatama ko sa sinabi niya, natural na dapat niya lang malaman na hindi ko iniisip na akin 'yon dahil hindi naman talaga.






"Tsk, I'm not a pharmacist to have that kind of business, kaya paanong magiging akin 'yon? Isa pa nakapangalan naman na sa 'yo 'yon diba? So meaning sa 'yo 'yon at hindi sa akin." 




"Tumigil ka na nga, hindi ko 'yon tatanggapin dahil ang mahal ng ginastos mo doon." Sabi ko sa kanya, nakakatakot siya maka-isip ng negosyo dahil hindi lang daang libo ang nilalabas niyang pera kung hindi milyon. At parang ang hirap ibalik ng puhunan na nilabas niya lalo pa at 'yong buong building na binili niya ay sa pharmacy lang talaga. Kaya nga dapat ay talagang bumenta 'yon oras na magbukas na para bumalik agad ang puhunan. At kung hindi man bumalik agad ay atleast kahit papaano ay bumawas sa benta.






Pablo shook his head and stood up. "Hurry up mauuna na akong maligo dahil baka pag sinabayan kita ay hindi lang pag-ligo ang gawin natin."


Ano daw? "Pablo!" 




Nagawang makausap ni June Aileen ang dati niyang boss na may-ari ng pinapasukan niyang pharmacy. Hindi naman ito nagalit at sa halip sinabihan siya na dapat ay nagsabi daw siya ng mas maaga. Kinuwento niya na din dito ang tungkol sa pharmacy na pinapagawa ni Pablo sa bayan ng Colores pero sinabi niyang kay Pablo 'yon at tauhan lang siya nito. Mas maganda na sa kanya manggaling ang tungkol doon kaysa naman sa iba pa nito malaman. Samantalang sa kaibigan niyang si Josephine siya nakatikim ng sermon dahil dapat daw ay sinabihan man lang siya nito agad, nagtanong pa nga ito kung puwede daw ba itong pumasok sa lilipitan niya pero dahil nandoon ang boss niya dati ay sinabi niyang hindi. Siyempre nakakahiya naman pag-usapan nila ni Josephine ang tungkol doon ngayon pero sinabi niya na dadalawin niya na lamang ito at saka na nila pag-usapan. 





"So you're really free now, I mean matutuloy na talaga ang pharmacy na pinapagawa natin." Sabi ng binata ng makasakay si June Aileen sa sasakyan niya. 





"Pinapagawa mo." Pagtatama ko ulit, gusto niya pa nga kanina sumama sa loob ng botika na pinagtatrabahuan ko pero buti na lang at naawat ko din siya. Sabi ko ako na lang ang kakausap sa dati kong boss dahil iniisip ko na baka mamaya ay magkakilala sila o hindi kaya naman ay kilala siya no'n.




Hindi na pinansin ni Pablo ang sinabi sa kanya ng dalaga. "So do'n na tayo sa bayan pupunta?" Tanong niya dahil baka mamaya ay may puntahan pa sila. 





"Oo wala naman na akong ibang pupuntahan pa." Pero ang tingin ko ay wala na kay Pablo na katabi ko lang kung hindi sa babaeng nasa labas ng sasakyan na nakatayo at may planggana na katamtaman ang laki na nakapatong sa ulo. "Sandali kilala ko 'yon." Sabi ko at muling binuksan ang pintuan ng kotse niya. 



While Pablo unbuckled his seatbelt and followed her. 




Tama nga ako kilala ko nga ang babaeng 'to! "Joanna Marie!" Sigaw ko sa kanya at buti naman ay lumingon ito at hindi pa sumakay sa humintong tricycle harapan niya!


##maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon