CHAPTER 36

4.2K 114 6
                                    




Hi! May on hand copies po ako ng M.A series 01 to 05, ready to ship na din po ito sa may mga gusto mag avail. Dm niyo lang po ako sa fb page ko! And thank you sa mga nagpunta sa mibf last saturday! Sa uulitin!


"Mukhang tiba-tiba tayo dito." Sabi ng lalaki na may balbas matapos niyang ihiga sa kama si June Aileen. Nanlalaban pa din ito sa kanya pero dahil mas malakas siya ay wlaa itong magawa kung hindi sumigaw na lamang. 



"Oo nga boss, dapat noon mo pa pala ito inisip." Sagot naman ng isa pa. Para siyang natatakam lalo dahil sa binabalak nila ngayon.



"H-Huwag please, parang awa niyo na wag niyong gawin 'to sa akin." Nanghihina na sabi ko dahil sinutok lang naman ako sa sikmura kaya halos mawalan ako ng ulirat. Pero aware pa din naman ako kung ano ba ang gusto nilang gawin sa akin at hindi ako papayag na gawan nila ako ng masama.



"Wag kang mag-alala Aileen, hindi ka naman namin papatayin dahil hihintayin pa natin ang savior mong si Pablo. Pero habang hinihintay natin siya ay magkakasiyahan muna tayo dito." Sabi pa ng balbas sarado na lalaki at saka pinunit ang suot na dress ng dalaga. Natakam siya agad dahil nakita niya ang malusog nitong dibdib na agad din dinaluhong ng kamay niya at saka pinsil-pisil 'yon.



"H-Huwag.. Huwag.." Sigaw ko pa ulit bago ako nawalan ng malay dahil isa na namang suntok sa sikmura ang binigay sa akin. At nawalan na talaga ako ng pag-asa dahil sigurado na ako na mangyayari ang kung ano mang plano o masamang balak nila sa akin.





     "I'm so sure 'yan na talaga 'yong sasakyan na sinakyan nila." Ani Pablo na matunton nila ng mga kaibigan niya at tauhan ang bahay na pinag-dalhan kay June Aileen. Sigurado siya dahil ang sasakyan na nasa harapan nila ay siyang sasakyan na nakita niya kanina sa pinanood na cctv footage. Buti na lang at may mga cctv ang kalsada dito sa Colores at dahil kay Wilde na kaibigan niya ay agad pala nitong pinatingnan 'yon sa headquarters sa munisipyo at hindi naman nasayang ang oras nila dahil heto at nakita din nila sa wakas.



"E di ano pang hinihintay natin? Tara na pasukin na natin." Sabi ni Carlos na agad binunot ang baril sa kanyang tagiliran. 



Pinalibutan ng mga tauhan na kasama nila ang buong property, at silang apat ang pumasok na magkakaibigan. Tumawag na din sila ng pulis at sinabi nila kung nasaan na ba sila ngayon. At gaya ng hinala ni Pablo ay tama talaga siya dahil puro armadong lalaki ang nasa loob kaya agad nagkapalitan ng putok. Pero umpisa pa lang 'to dahil ang tanging gusto niyang makita ay si June Aileen. At kung sino man ang may pakana ng lahat ng 'to ay titiyakin niyang malalagot sa kanya. 



"Dali Pare hanapin mo na sa loob si Aileen." Sabi ni Killian na naka-cover sa pader pero maya-maya ay may binaril naman na lalaki. Marami pa lang tao dito sa loob pero marami din naman sila kaya patas lang ang labanan.



Tumango ang binata, mansyon ang pinuntahan nila at may pangalawang palapag ang bahay kaya tinalunton niya agad ang hagdan paakyat. Hindi na nawala ang kaba niya simula kanina hanggang ngayon at hindi ito mawawala hangga't hindi niya nakikita na buhay at maayos ang lagay ni June Aileen. Tatlong pintuan sa itaas ang nakita niya at may dalawang tao doon na nakatayo at may hawak na baril. Pinaputukan niya ito agad at dead on the spot naman ang dalawa, binuksan niya ang isang pinto pero walang tao doon at bakanteng kuwarto lang pala. At ang sinunod naman niya ay kung saan nakatayo kanina ang isa sa lalaking binaril niya. At para siyang tatakasan ng hininga ng makita na nandoon nga si June Aileen sa kama at mayroon doong dalawang lalaki. At hindi siya puwedeng magkamali dahil alam niya ang damit na suot nito kanina.



"Putangina papatayin ko kayo!" Galit na turan ni Pablo at agad binaril sa may tiyan ang lalaki, gumanti ito ng baril pero hindi naman siya tinamaan. Sinuntok naman niya ang isa pa ng lapitan siya nito, ito ang lalaki na nakita niya sa cctv na tumutok ng baril kanina sa dalaga noong kukunin pa lang nila ang dalaga sa may pharmacy. Pero dahil halos magkasing-laki lang sila ay agad itong gumanti ng suntok kaya naman napadusdos siya sa sahig, sunod-sunod itong nagpakawala ng suntok sa kanya kaya nabitawan niya din ang hawak na baril. Pero gumanti siya at nanlaban hanggang mapaalis niya ito sa kanyang ibabaw at doon mabilis na dinampot ang baril na hawak saka mabilis na pinutok 'yon sa lalaki. 





"No no no no, I-It can't be, A-Aileen.. Aileen.." Hindi na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa mukha ni Pablo ng malapitan ang dalaga matapos niyang mapatay ang lalaki. Kung titingnan mo kasi ito ay iisipin mong wala na itong buhay. Punit-punit ang dress nito na suot at may bakat ng kamay sa leeg nito kaya alam na alam niyang sinakal din ito. Pero hindi 'yon ang kinakatakot niya kung hindi ang dugo na mula sa hita nito.



"Pare.." Hinihingal na sabi Wilde na sumunod dito sa second floor ng mansyon, nakita niya na gumagalaw pa ang isa sa lalaki na naka-handusay sa sahig kaya naman nilapitan niya ito at sinipa ng malakas bago pinaputukan. Pagkatapos ay nilapitan na niya ang kaibigan na ngayon niya lang unang beses nakitang umiiyak at doon siya nakaramdam ng awa dahil mukhang nahuli na sila ng dating.



"S-Si A-Aileen, Pare, si Aileen.." Sabi niya habang yakap-yakap ang dalaga. Hindi niya alam at hindi siya sigurado kung ano ba ang ginawa ng dalawang lalaki sa dalaga pero alam niyang masama dahil ganito na ang itsura nito. 



Naging alerto naman si Wilde at hinawakan sa pulsuhan si June Aileen at ng malaman na buhay pa naman ito ay doon na siya nagsalita. "She's still alive Pablo, dalhin mo na siya sa ospital." Sabi niya dito.



At doon lang parang bumalik sa huwisyo ang binata, pinunasan niya ang kanyang pisngi at binuhat nga talaga ang dalaga at nagmamadali na inilabas ito. 

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon