CHAPTER 37

4.5K 104 6
                                    




Hi may extra copies pa po ako ng Night of sin with the senator, sa mga gusto pong bumili pm niyo po ko sa fb page ko. Few copies left!





Pablo can't explained what he feels right now, naghalo na ang kaba at takot niya para sa kalagayan ni June Aileen na walang malay at mahina ang pulso habang papunta sila ng ospital. Gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil pakiramdam niya ay pinabayaan niya ito at hindi ito mangyayari kung hindi niya sana ito iniwan kanina. Masyado siyang nagpa-kampante kahit alam naman niya na hindi lang siya noon ang humahabol dito at may iba pa na grupo ang naniningil sa dalaga. Akala niya kasi ay dahil nasa poder niya na ang dalaga ay okay na at hindi na ito sisingilin ng mga kaaway ng ama nito. Pero nangyari, dahil hindi lang ito basta nakuha mula sa kanya kung hindi naging masama pa ang lagay nito ngayon. Kaya ang dalangin niya lang ay sana ay wala itong malubhang natamo dahil maniningil siya panigurado sa mga gumawa nito sa dalaga.

Pagdating sa ospital ay agad isinakay sa stretcher si June Aileen at ipinasok na sa loob ng emergency room. Sa isang private hospital niya ito dinala dahil alam niyang mas matututukan ito ng mga doktor at nurses doon. Isa pa private hospital lang din kasi ang malapit mula sa pinangyarihan kaya naman hindi niya na ito nilayo pa.

"Hindi na po kayo puwedeng pumasok sa loob, hanggang dito na lang po ang kasama ng pasyente." Sabi ng isang babaeng nurse kay Pablo. 

Napabitaw na lang si Pablo sa tulak-tulak na stretchr at napahawak na lang sa noo niya habang nakatanaw sa dalagang tulak-tulak ng isa pang nurse at ipinapasok na sa loob. "Please gamutin niyo siya ng maayos." Pakiusap niya dito. 

"Dont worry Sir we will do our best." Sagot ng nurse at isinara na ang pintuan. 

Napaupo na lang si Pablo sa sahig dahil alam niyang hindi maganda ang lagay ni June Aileen. At kung nahuli-huli pa sila ng dating ay baka mas grabe pa ang inabutan niya. Or worst is baka patay na ito. Hindi niya alam kung ano ba ang totoong nangyari dito dahil may dugo nga ang damit nito pero kitang-kita niya ang mga bakas ng kamay sa braso at leeg nito. At 'yon pa lang ang isipin niya ay mas lalo lamang kumukulo ang dugo niya sa galit.

Halos kalahating oras naman ang lumipas bago dumating sa ospital sila Wilde at Carlos, samantalang ang isa pa nilang kaibigan na si Killian ang siyang sumama sa mga pulis sa presinto. Ilan sa mga tauhan nila ay napuruhan at ilan sa mga ito ay namatay dahil sa engkwentro kanina pero ang mahalaga sa ngayon ay makaligtas si June Aileen sa kung ano mang sinapit nito.

"Pare.." Carlos helped him to stand up, dahil nakaupo nga ito sa sahig ng maabutan nila. Hindi gaya nila ni Wilde ay may dugo ang mga damit nito kaya naman tinawag niya ang isa sa tauhan niya at pinakuha ang extrang damit sa sasakyan niya para makapag-palit ang kaibigan. 

"I-I guess were late, mukhang nahuli na tayo ng dating kanina." Garalgal na sabi ni Pablo, ang tagal ng oras dahil simula kaninang ipasok sa loob si June Aileen ay wala pang lumalabas na doktor o nurse doon. Para ngang gusto niya ng pasukin ang loob ng emergency room para pormal na makita ang lagay ng dalaga kaso hindi naman 'yon puwede.

"She will survive trust me." Sabi naman ni Wilde na inabot ang isang bote ng malamig na tubig dito, maraming nahuli kanina mga armadong lalaki do'n sa pinuntahan nila at dinala nga ito ng mga pulis sa presinto. Samantalang ang iba naman ay dinala muna sa ospital pero hindi dito sa ospital kung nasaan ba sila. 

"S-Sana nga dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya." Ani ni Pablo na ang tingin ay sa pintuan ng emergency room pa rin. 

Pero hindi naman nagtagal ay nakarinig sila ng boses mula sa speaker ng ospital na nasa hallway lang din. Code blue ang sinasabi ng kung sino man ang nagsasalita at maya-maya lang ay may mga lumabas na hospital personnel mula sa emergency room. 

"Sandali anong nangyayari?" Tanong ni Carlos na hinawakan sa braso ang isang nurse na lalaki na lumabas. 

"Inatake po ang huling pasyenteng ipinasok sa loob. And the doctors are doing there best to revive the patient." Sagot din ng lalaking nurse. 

Doon naman napatayo si Pablo dahil alam niyang si June Aileen lang ang huling pasyente na ipinasok sa loob at wala ng iba pa. "What happened to her? A-Anong nangyari kay June Aileen?" Puno ng pag-aalala na tanong niya din sa lalaking nurse.

"Nag-cardiac arrest po ang pasyente kaya nagkagulo sa loob. Pero the doctors are doing their best to save the patient kaya huwag po kayo mayadong mag-alala." Muling sagot ng nurse at saka nagmamadaling umalis sa harapan ng mga ito. 

Pinagsusuntok naman ni Pablo ang pader at sunod-sunod pang napamura dahil hindi niya sukat akalain na mangyayari ito. At sa sinabi ng nurse kani-kanina sa kanila ay lalo lamang siyang nakaramdam ng takot. He knew what cardiac arrest means, it's a sudden lost of all heart activity due to an irregular heart rhythm and June Aileen is already unconscious earlier. Pero huwag naman sana, huwag naman sanang may mangyaring masama dito.

Ang mga sumunod na minuto ay naging oras para kay Pablo, lakad siya ng lakad sa labas ng emergency room at naghihintay ng balita kung ano ba ang nangyari kay June Aileen. May pumasok kasi kanina na mga doktor doon sa loob at hindi pa ang mga 'yon lumalabas. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon