CHAPTER 27

5.3K 146 6
                                    



Dahan-dahan pa ang ginawang pagpasok ni Pablo sa loob ng kuwarto para sana hindi siya makagawa ng ingay na ikakagising ni June Aileen. Pero do'n siya nagkamali dahil hindi niya inaasahan na gising pa pala ito pagpasok niya sa loob. 



Tiningnan ko ang rilo na nakasabit sa dingding at alas dos na nga ng madaling araw at kanina ko pa siya hinihintay. Hindi ko din alam kung bakit dahil hindi ko naman kailangang gawin 'to sa totoo lang. Still I waited him to go home, pero bakit iba na ang suot niya? Dahil naka-pambahay na siya ngayon. "Kanina pa kita hinihintay Pablo, at anong oras na din naman tapos ngayon ka lang umuwi." Sabi ko, hindi ako galit pero ganitong nag-walk out siya sa akin kanina ay parang gusto ko siyang singhalan. Hanggang alas nwebe bukas 'yong pharmacy niya sa Colores at alas nwebe na din ako umuwi kasabay ng dalawang pharmacist doon. "Akala ko nandito ka na sa bahay mo pero wala ka pa pagdating ko. Hindi ka din nagre-reply sa message ko sa 'yo." Dagdag ko pa.



Ipinatong muna ni Pablo ang kanyang cellphone sa ibabaw ng cabinet, oo nag-message nga ito sa kanya kanina pero hindi niya talaga nireplayan. But why she's waiting me to go home? Sa boses nito ay para itong isang totoong asaw na nagsasalita dahil ginabi ang mister ng uwi. "Bakit gising ka pa? Anong oras na Aileen." Sabi niya dito na hindi sinagot ang tanong nito sa kanya. Alang namang sabihin niya na nag-inom siya kasama ang kaibigang si Killian dahil na-stress siya ng tanungin siya nito kanina kung may gusto ba siya dito. 



Napataas ang kilay ko, tingnan mo 'tong lintek na 'to siya na nga ang hinintay siya pa ang ganito umasta ngayon. "Hindi ko na tatanungin kung saan kang lupalop nagpunta dahil feeling ko naman uminom ka kasama ang mga kaibigan mo." Sabi ko at tumayo na sa kama at inayos muna ang bedsheet na nagulo na, hindi ko na pa lang siya dapat hinintay makauwi at ito na ang una at huli ngayon. 



Pablo took a deep breathe, bakit ang sungit nito? "I went out with my friend, nagka-ayayaan kami na uminom." He explained.



"Okay." Tipid kong sagot, mas maigi ng ganito para walang gulo.



Hindi naman nagustuhan ni Pablo ang tipid na sagot sa kanya ng dalaga. "Galit ka ba?" Tanong niya tuloy dito lalo pa at nagkumot na ito agad at humiga na nga. 



"Hindi." Sagot ko naman ng alisin ko sandali ang kumot. Nakakabwisit 'tong lalaking 'to. Ang hirap ispelingin hindi man lang naisip na hinintay ko siya makauwi.



But Pablo was not satisfied on her answered, so he walked to her side and removed her blanket. "You're mad, so better say it to me why your acting like this." Diretsong sabi niya, hindi din naman kasi siya manghuhula para malaman kung ano ba ang kinakainis nito. At siguro kung naiinis man ito ay baka 'yon ay dahil madaling araw na siya nakauwi. Pero mas mainam ng malaman kung bakit diba?



"Inaantok na ako, mamaya na lang tayo mag-usap pag-gising natin." Sabi ko na lang sa kanya pero sa totoo lang ay ang sarap niyang tirisin. Siya ang kumuha-kuha sa akin tapos pag tinanong mo hindi naman sinasagot ang tanong mo. Ano bang gusto niya? Maging suod-sunuran ako sa kanya gano'n? Saka sino kayang matutuwa sa ugali niyang ganyan.



Nakita ni Pablo ang pekeng pag-hikab ni June Aileen kaya alam niyang hindi pa ito matutulog, saka nahintay nga siya nito diba? Kaya naman naupo siya sa kama at hinila din ito paupo sa harapan niya. "Hindi ako manghuhula, kaya mabuti pa mag-usap muna tayo ngayon."



Napabuntong hininga ako ng malalim, bagong paligo pala siya kaya pala iba din ang suot niya ngayon at siguro do'n siya sa ibang kuwarto naligo. "Wag na, mamaya na lang tayo mag-usap na dalawa." Pag-uulit ko dahil alam kong hindi din kami magkakasundo na dalawa kung mag-uusap pa kami.



"June Aileen.." It was like a warning when he called her name.



"Fine!" Masungit kong sabi. "Tinanong kita kanina no'ng nasa pharmacy tayo pero hindi mo naman sinagot ang tanong ko sa 'yo. At talagang nag-walk out ka pa, hinintay kita para mag-usap tayo pero ang tagal-tagal mo naman umuwi."



I'm right, tama nga talaga ako ng iniisip at 'yon nga talaga 'yon. "About that, I don't need to answer your question Aileen."



Tiningan ko nga siya, hihilahin-hilahin niya ako para daw mag-usap pero wala din naman palang sagot na sasabihin sa akin. "Ewan ko, hindi ka nakakatuwa. Bahala ka diyan dahil matutulog na lang ako." 


Pero akmang hihiga pa lang si June Aileen ay hinawakan naman ulit ng binata ang kamay niya. 


"Kung ang tinatanong mo ay tungkol sa sinabi mo sa akin kanina kung gusto ba kita, my answer is yes. I don't want to be mean specially to you but I thought you knew it already. And sorry for not answering your question but I am not used too on this. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa tanong mo lalo pa at kaharap kita. I don't know but I feel shy when you asked me that. And actually napatanong ako sa sarili ko kung hindi ba halatado na gusto kita? Akala ko kasi alam mo ang tungkol do'n dahil hindi man ako magaling sa salita pero alam ko naman na napaka-obvious na gusto kita. So uulitin ko, gusto kita June Aileen."



And that leave her speechless, hindi niya inaasahan ang ka-prangkahan nito kaya tuloy ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin dito.



#Maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon