CHAPTER 09

6.2K 147 4
                                    




Last update for this week, happy weekend!




"T-Teka, teka ano nga ulit ang sinasabi mo?" Parang hindi ko lubos maisip ang sinabi niya ngayon-ngayon lang. O baka naman nabibingi na ako?


"Ang sabi ko kung okay na ba sa 'yo ang ganito kalaking lugar o kung hahanap pa tayo ng mas malaki dito para sa sarili mong pharmacy na itatayo natin para sa 'yo." Sabi ni Pablo habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantalon. Dahil wala ngang pasok ang dalaga ay inaya niya ito na lumabas, ayaw pa nga nito kanina at sinabing sa bahay na lang daw ito pero dahil nagkatakutan na sila kanina ay wala na rin itong nagawa kung hindi sumama sa kanya. 


Pinakatitigan ko siya ng maigi, baka kasi nagkakamali lang ako ng rinig. Pero ano nga daw? Para sa sarili kong pharmacy? Nandito kami ngayon sa bayan mismo ng Colores at may pinuntahan kaming building kung saan bakante nga ang isang stall at may naka-paskil pa na for rent. At oo matao ang lugar dahil malapit lang ito sa simbahan at mismong munisipyo. Daanan ng tao at puro establishment din ang mga katabi. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo no, saka sa tingin mo ba sumama ako sa 'yo para makipag-biruan?" Nakataas ang kilay na tanong ko. 


"At hindi din naman ako ang tipo ng tao na nakikipag-biruan, kaya kita sinama ay para maghanap tayo ng lugar kung saan puwede kang magtayo ng sarili mong pharmacy Aileen. And I can do that, you know I can do that."


So tama nga ang narinig ko? Magtayo ng sarili kong pharmacy? Pero para saan at saka bakit naman niya gagawin 'yon? E diba nga may utang ang tatay ko sa kanya? Ano loanable? uutangin ko sa kanya kasi siya ang maglalabas ng puhunan?  "Tigilan mo nga ako Pablo at hindi ako nakikipag-biruan sa 'yo, halika na at umuwi na tayo." Mataray kong sabi, kung bakit kasi sumama-sama pa ako sa kanya na umalis eh. Mas okay pa talaga na doon na lang ako sa bahay niya. 


Tiningnan ulit ni Pablo ang dalaga at nakikita niya na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya. Kaya naman sinenyasan na niya ang isang tauhan na nasa labas at naintindihan naman nito ang gusto niya. Dahil pumasok na sa loob ang mismong may-ari ng 3 storey building na kinaroroonan nila. 


"Ilan ang tenants ng building mo na 'to?" Tanong ni Pablo sa may edad ng lalaki na pumasok na kaharap niya. 


"May anim po akong tenants kasama 'yong nasa second floor. Apat po itong nasa baba at dalawa 'yong nasa taas." Sabi ng lalaki, ang dalawa na nasa taas ay isa lang ang nagrerenta at isa 'yong computer shop. Dito naman sa ibaba ay iba-iba, mero'ng maliit na Korean grocery, ticketing office at massage parlor. Bawat floor ay may tag-aapat na tenant at 'yong iba nga ay katatapos lang ng kontrata kaya naman marami talagang for lease ngayon. 


"I see, and papayag ka naman siguro na bilhin ko 'to?" Taong ni Pablo. 


Hindi lang ang lalaki na kaharap ng binata ang nagulat sa sinabi niyang 'yon dahil maski si June Aileen ay nagulat din. 


"Name your price baka magkasundo tayo, ayoko na kasing bumili pa ng lupa lang dahil mas okay na 'yong ganito na gawa na." Paliwanag ni Pablo, mas matatagalan pa kasi kung lupa ang bibilhin niya at patatayuan ng pharmacy na ibibigay niya para kay June Aileen. Alteast ito, 'yong mga gamit na lang ang ilalagay at aayusin. 


"S-Seryoso po ba kayo sa sinasabi niyo Sir?" Tanong ng may edad ng lalaki. "May mga tenants pa po ako dito at nakita niyo naman siguro 'yon."


"I know pero ikaw na ang bahala na magpaalis sa mga 'yan kapag nagkasundo tayo sa presyo." Sabi ulit ni Pablo. "Gagawin naming itong pharmacy at puwedeng maging imbakan ng mga ibang gamot ang second floor saka 3rd floor kung sakali at itong ibaba lang ang gagamitin namin."


Natahimik sandali ang lalaki dahil kilala niya ang kaharap. Ito ang may-ari ng pinaka-malaking transportation company dito sa probinsiya nila at lending company din at alam niyang seryoso ito sa sinasabi sa kanya at inaalok. "Sige Sir kung kaya niyo po na bilhin ito ng 20 million papayag po ako." Sabi niya kay Pablo.


Ngumiti naman si Pablo ng marinig ang hinihingi nitong presyo at alam niyang tama lang ang gano'n dahil nasa city proper ang building at gawa na rin naman ito. Gagamitin na lang ika nga. "Deal I will pay you now 20 million." 


Parang sumakit ang ulo ko sa mga narinig ko lalo na sa laki ng perang involve. At mukhang seryoso nga talaga si Pablo dahil pagkatapos nilang mag-usap ay nagka-pirmahan na ng tseke at may tinawag pa siyang abogado na parang nakilala ko pa nga dahil pamilyar ang itsura. Parang hindi ako makapaniwala na gano'n lang kabilis kausap si Pablo at milyon ang pinag-uusapan dito ha. At iba nga talaga ang nagagawa kapag may pera ka dahil napapa-oo mo agad ang kausap lalo na kung may pambayad ka.


"May kilala ka naman siguro na mga kompanya ng gamot kung saan puwede kang umorder at magiging supplier ng pharmacy na itatayo natin. And don't worry within this week siguradong mauumpisahan na ang pagpapaayos nitong building mo." Sabi ni Pablo ng makasakay sila ng sasakyan niya, natural hindi naman porket nagbayad na siya at binili niya na ang building ay mapapaalis na agad ang mga renter doon. Pero nag-usap naman na sila ng may-ari kanina at siniguro naman nito na magiging bakante na ang buong building within this week. Ihahatid niya muna si Juen Aileen sa bahay niya bago niya pupuntahan ang kaibigan at abogado na si Wilde na siyang mag-aayos ng mga papeles sa paglilipat ng pangalan ng lupa. Hindi na kasi sila nagka-kuwentuhan ng matagal kanina dahil nagmamadali ito at may pasok kasi sa munisipyo. Isa itong congressman dito sa Colores at pina-saglit niya nga lang dito kanina. 


"Seryoso ba ang lahat ng 'to Pablo? I-I mean 'yong tungkol sa pharmacy kamo?" Hindi ko maiwasang matuwa dahil pangarap ko naman talagang magkaroon ng sariling pharmacy o kahit nga maliit lang na botika. Pero kasi parang nakakakaba din dahil baka mamaya ay may hingiin siya sa akin na kapalit. 


"Yes seryosong-seryoso ako Aileen." Sagot din ng binata. 


"At ano naman ang kapalit nito?" Tanong ko sa kanya dahil alam kong hihingian ako ng kapalit ng lalaking 'to.


Ngumisi si Pablo ng marinig 'yon, she's really smart thinking he will ask something in return from her. "Maging mabait ka lang sa akin Aileen at wala tayong magiging problema." Sagot niya sa tanong nito. 

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon