Mali ako ng napost last week, nauna yung chapter 26 sa 25😆Anyway kanan lang kasi nagagamit ko now na kamay. Diba ilang months ko ng iniinda tong sakit sa balikat ko. Apat na doktor na din pinuntahan ko pero waley pa din. Tapos advice sa akin ng ortho is magpa therapy nga ako pero wala namang nangyari, I mean nandito pa din yung sakit ng balikat ko saka ngalay kahit nakapagpa theraphy na ako. So my last straw ay magpa-chiro and acupuncture. Kaya last friday nagpa ganon nga ako. Siguro mga 50 na karayom tinusok sa akin. So yon nga mga bebsss na disaligned pala ang kaliwang balikat ko kaya hindi naaalis ang sakit. Yung socket sa kaliwang balikat ko natanggal sa posisyon niya na ilang buwan ko ng iniinda. So ngayon naka shoulder support brace kaliwang balikat ko kasi masakit pa din siya and may ngalay pa din until now. So hopefully sa next chiro and acupuncture treatment ko ay mag okay na talaga. Yon lang nasa Mibf po ako sa Sept, attend kayo!
"Believe me June Aileen he likes you." Sabi ni Jesylyn sa dalaga na nasa harapan niya. Malakas ang pakiramdam niya sa mga ganito kaya siguradong-sigurado na din talaga siya.
Napainom naman ako ng hawak kong juice, gusto ako ni Pablo? Baka gustong ikama, at hindi 'yong sinasabi nitong kaharap ko na pagkagusto katulad ng sa babae at lalaki. "Naku hindi 'yan totoo no." Sabi ko na lang, iniisip kasi yata nila na may relasyon kaming dalawa ni Pablo. At kahit ipinaliwanag ko na no'ng nakaraan kay Misty ang tungkol sa amin ni Pablo ay parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko sa kanya.
"Hindi kami naniniwala." Hirit din ni Misty Faith na siyang katabi ni Jesylyn. "Hindi mag-aaksaya na gumastos ng ganito kalaki si Pablo kung hindi ka niya gusto." Sabi pa niya na parang kinikilig.
Lalo lamang tuloy na-blangko si June Aileen dahil sa sinabi sa kanya ng asawa ni Carlos na isang haciendero. Mukhang iba ang pagkakaintindi ng mga ito tungkol sa kanilang dalawa ni Pablo at 'yon ang gusto niyang itama.
"Naku hindi talaga, wala kaming relasyon ni Pablo kung 'yon ang iniisip niyo saka hindi naman 'to akin." Tukoy ko sa pharmacy dahil hindi ko din naman ito inaangkin. "Kay Pablo 'to at ako lang ang naka-isip."
"Naku ayos lang 'yan, saka wag ka na sa amin mahiya ni Misty lalo na sa akin dahil wala naman akong hiya." At sinundan pa talaga ni Jessy ng tawa ang sinabi niya. "Okay naman si Pablo ah, siguro malaki lang ang layo ng agwat ng edad niyong dalawa pero parang asawa ko din naman siguro 'yan na malakas pa ang pangangatawan."
Nahiya naman ako sa sinabi niya, mali, Mali sila ng iniisip dahil mukhang may alam talaga sila tungkol sa aming dalawa ni Pablo! "Sa totoo lang may usapan talaga kaming dalawa, may utang sa kanya ang papa ko at hindi biro ang halaga no'n dahil milyon 'yon. Pero dahil patay na ang papa ko ay ako na ang sinisingil niya, at dahil nga wala din naman akong gano'ng kalaki na halaga na ibabayad sa kanya ay nagkaroon na lang kami ng usapan. At 'yon nga ay kailangan kong manatili sa poder niya ng apat na buwan." Kuwento ko ng totoo, dahil mas maganda na siguro na sa akin manggaling 'to at hindi 'yong kung anu-ano ang iniisip nila tungkol sa akin, sa amin ni Pablo.
Parang hindi naman makapaniwala sila Misty Faith at Jessylyn sa narinig lalo pa at buong akala talaga nila ay may relasyon ang kaibigan ng kani-kanilang mga asawa nasi Pablo at itong si june Aileen. Pero hindi pala, mukhang may motibo pala ang ginagawa ng binata.
"S-Seryoso?" Pag-sisiguro pa ni Misty na parang ayaw maniwala kahit kakarinig lang nila ng kuwento nito. At kahit nasabi naman na nito noong nagpunta ito sa hacienda ang tungkol sa estado ng dalawa ay parang ang hirap paniwalaan lalo pa at iba talaga ang itsura ni Pablo pag nakikiata niya itong kasama si June Aileen.
Tumango ako. "Oo, wala talaga kaming relasyon na dalawa ni Pablo at sa totoo lang maski ako ay nagulat ng bilhin niya itong building na 'to on the spot tapos sabihin sa akin na papatayuan niya ako ng sarili kong pharmacy." Dagdag ko pa, oo na mayaman na ang Pablo na 'to at napakadali lang niya maglabas ng pera pero para sa akin na alam kung hanggang saan lang ba kami ay 'yon ang lagi kong tinatandaan.
"Kung ikaw nga talaga ang may utang sa kanya at hindi siya ang may utang sa 'yo ay parang imposible pa din talaga itong ginawa niya. I mean ang hirap paniwalaan na ginastusan ka niya dahil wala naman sa itsura ni Pablo na may alam sa gamot. Kaya sure na sure ako gusto ka talaga niya at hindi ka na talaga niyang papakawalan pa." Pinal na sabi Jessylyn na parang siguradong-sigurado din talaga sa mga sinabi.
Naging maayos at successful ang soft opening ng Colores pharmacy at sa buong bayan ay ito nga talaga ang pinaka-malaking botika na kumpleto sa lahat ng gamot. Sa ngayon ay dalawa lang talaga ang pharmacist nila at pangatlo nga itong si Aileen pero kapag pumatok na siguro talaga ang negosyong ito ay saka na lang sila magdadagdag ulit. Meroong generic at mga branded na gamot plus isa sa plano ni June Aileen ay magkaroon kahit once a week ng libreng check up dito para sa mga senior citizen at para sa mga bata kung saan sigurdo siyang marami ang matutulungan na kababayan nila. Pero hindi pa 'yon ngayon dahil wala naman siya gaanong kilala na doktor pero si Pablo ay baka mero'n namang alam lalo pa at kilala ito.
"Are you happy?" Tanong ng binata ng masolo niya na din si Aileen, nagsipag-alisan na ang mga kaibigan nila matapos ang pagpapa-blessing nila kanina at sila-sila na lang nga ang nandito. Hapon na at marami-rami na din ang bumili dito sa pharmacy at sana nga ay magtuloy-tuloy talaga ito.
"Yes, sabi ko nga sa 'yo lahat ng pharmacist na kagaya ko ay ito ang pangarap pero alam ko naman na hindi 'to akin so don't worry Pablo at pagbubutihan ko ang pagma-manage nito."
"Don't say that, wala akong alam sa gamot okay. Beside sinabi ko naman sa 'yo na para sa 'yo talaga 'to." Muling sabi ni Pablo, dahil sa dami ng negosyo na hawak niya ay siguradong hindi niya naman 'to matututukan. Isa pa totoo naman na wala talaga siyang alam pagdating sa gamot.
"Tungkol nga pala diyan sa sinabi mo, may itatanong nga pala ako." Sabi ko ng tingnan siya.
Umayos naman ng pagtayo si Pablo dahil kita niya na seryoso ngayon ang dalaga. "Ano 'yon?"
"Gusto mo ba ako?" Wala ng prenong tanong ni June Aileen para magkaalaman na din talaga silang dalawa.