CHAPTER 08

6.3K 143 6
                                    





Hi! Naka 50% pa din po ang lahat ng M.A series story na completed sa vip group, sa gusto pong mag join pm niyo po ko sa fb page!





Hindi maikakaila na hinihingal pa din si June Aileen kahit pa nakababa na siya ng mini bus na sinakyan niya. Hinihingal na nga kinakabahan pa dahil mero'n na naman sa kanyang humahabol kanina at talagang alam din nito kung saan siya nagtatrabaho. Akala niya ay naliligaw lang ang mga ito at magtatanong sa kanya ng direksyon papunta sa kung saan pero hindi dahil isa pala ito sa pinagkaka-utangan ng kanyang ama. Kaya naman dali-dali siyang tumakbo at sumakay agad kanina sa mini bus na dumaan. Pero kahit nakapasok na siya sa bakuran ng bahay ni Pablo ay nandito pa din ang takot niya. 



Smapung araw pa lang siya nakatira sa poder ni Pablo at sa sampung araw na 'yon ay sa gabi at umaga niya lang din nakikita ang binata dahil nga pumapasok siya. Nakausap niya din ang may-ari ng dating apartment na tinutuluyan niya, binalik pa nga nito sa kanya ang down payment niya noon at advance payment na umabot din ng bente mil. Pero kinagulat niya lang na ang laki pala ng pera na binayad ni Pablo dito, at hindi lang basta maliit na halaga kung hindi umabot ng anim na milyon. At natural kahit sino naman ang alukin ng gano'n kalaking pera ay mapapapayag din na ibenta ang lupa na kinatitirikan ng apartment niya at bibili na lang ng bago na mas malaki. Doble kasi ang binayad ni Pablo sa totoong halaga ng lupa kaya naman napa-oo din ang may-ari ng apartment na tinutuluyan niya noon. 



   "What happened to you? Bakit parang pawis na pawis ka?" Tanong agad ni Pablo ng makita si June Aileen na pumasok sa bahay niya. Tinanggihan nito ang suwesyon niya na ipapahatid at ipapasundo sa driver niya kapag papasok ito sa trabaho. At para wala ng marami pang reklamo na marinig mula dito ay pumayag na lang din siya sa gusto nito na wag magpahatid. 





Mabilis kong sinara ang malaking pintuan at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Akala ko huli na 'tong Pablo na 'to ang maghahabol sa akin dahil sa mga pagkakautang ng tatay ko pero hindi pa pala. At kanina ko lang nakita 'yong mga lalaki kanina.



"Hey hey, what happened to you? May nangyari ba?" Tanong pa ulit ng binata na sinundan si June Aileen hanggang kusina. Kung dati inaabot siya ng madaling araw bago umuwi ngayon naman ay hindi na, pinipilit niyang makauwi ng alas ng gabi dahil nga nitong mga nakaraan ay alas syete o alas otso nakakauwi ang dalaga. At natural gusto niya na sabay silang maghapunan na dalawa. 



Tiningnan ko siya, laging ganito tuwing gabi. Siya talaga ang nauuna sa akin umuwi at kakain na lang kami pag nandito na ako. At nakita ko rin naman na may nakahanda ng hapunan kanina sa dining area nitong bahay niya kaya alam kong hinihintay lang ako nito at kakain na kami. "M-May humahabol sa akin k-kanina, p-pero hindi naman nila siguro ako nasundan kasi nakasakay agad ako ng bus." Kuwento ko sa kanya kahit hindi ako sigurado. Saka malabo naman makapasok ang mga 'yon dito dahil may mga tauhan siya sa labas.



Napalitan agad ang nag-aalala na itsura ni Pablo ng galit ng marinig ang sinabi sa kanya ni June Aileen. "May humabol sa 'yo? Saan?" 



"S-Sa trabaho ko sila nakita, akala ko magtatanong lang sila sa akin pero hindi pala dahil i-isa pala sila sa pinagkakautangan ng tatay ko." Ayoko man ikuwento pero mas okay na din siguro na alam niyang hindi lang siya ang naniningil sa akin at mero'n pang iba. Oo nakakahiya naman talaga dahil kahit sabihing patay na ang tatay ko ay heto pa din at binibigyan pa ako hanggang ngayon ng problema at isipin. At hindi ko na alam kung kailan pa ba ito matatapos at kung matatapos pa ba ito. 



Pablo gritted his teeth, mas lumapit din siya sa dalaga at hinawakan ang braso nito. "Hindi ka ba sinaktan? Wala bang ginawa sa 'yo?" Tanong niya dito, kaya nga gusto sana niyang ipahatid sundo ito dahil alam niyang puwedeng mangyari ang ganito. Hindi naman lingid sa kanya na may ibang tao na gustong maningil kay June Aileen dahil sa pagkakautang ng ama nito. At kahit kasama na niya ang dalaga ay alam niyang susundan at susundan pa din ito ng ibang pinagkakautangan ng ama nito. Alam din niyang patay na talaga ang ama nito pero hanggang ngayon naghahatid pa din ito ng problema sa anak. Pero kasi alam niyang takot si June Aileen ngayon base sa itsura nito ng makapasok kanina sa bahay niya. 





Umiling ako bilang sagot. Hindi naman ako napano o ano pa man dahil nakatakbo nga agad ako pagkabanggit pa lang dalawang lalaki na kilala nila ng tatay ko at ako ang sinisingil nila sa pagkakautang nito. "H-Hindi pero baka bukas ay nandoon na naman sila sa trabaho ko dahil alam nila kung saan ako nagtatrabaho."



"Hindi nga malabong mangyari 'yang iniisip mo dahil hindi ka tatantanan ng kung sino mang 'yan. But don't worry ako ng bahala diyan." Ani ni Pablo at tinanong kung natandaan ba nito ang sasakyan ng mga humabol dito gano'n din ang mga itsura. Dahil kayang-kaya niya ipatunton 'yon sa kanyang mga tauhan. At sisiguraduhin niyang mahahanap ang mga ito bukas na bukas. 





Kinabukasan ay nagpasya si June Aileen na huwag munang pumasok sa trabaho, hindi niya pa day off pero nangangamba lang siya na baka nandoon na naman ang mga lalaki na humabol sa kanya kagabi. At natural ayaw niya namang may masamang mangyari sa pinapasukan niyang botika at sa kasama niya doon na kaibigan niyang si Josephine. Sigurado kasi na babalik at babalik ang mga 'yon doon at natural ayaw niyang makita na naman siya ng mga ito. Natatakot siya na masaktan ng pisikal na hindi malabong mangyari. 



   "H-Hindi ka papasok?" 'Yon agad ang tanong ni Pablo ng makita si June Aileen sa dining area. Nauna na naman ito magising sa kanya at talagang hindi man lang siya nito ginigising sa umaga. Siya man ang nahuhuli lagi na matulog sa kanilang dalawa ay ito naman ang nauuna palagi sa umaga. Pero kagabi kasi ay may mga inaayos pa siya kaya naman anong oras na din siya nakatulog pero ang mahalaga ay naabutan pa niya ito dito. 'Yon nga lang naka-pambahay pa at mukhang hindi papasok.



Inabutan ko siya ng sinangag na kanin, buti nga at nakaluto na ang mga kasambahay niya pagpunta ko dito. At no'ng una pa nga ay nahihiya ako na kumain dito at lagi kong sinasabi na tutulong ako sa pagluluto at mga gawaing bahay lalo na kung minsan ay bago mag-tanghali pa naman ang pasok ko. Pero ayaw naman nila ako patulungin dahil magagalit daw itong boss nila. "Hindi muna ako papasok, b-baka kasi bumalik doon 'yong mga humabol sa akin na lalaki kagabi." Sinabihan ko na din naman kagabi pa ang mismong may-ari ng botika na pinapasukan ko at sinabi ko nga na hindi ako makakapasok. Nag-dahilan na lang ako at sinabi ko na may sakit ako kaya hindi ako makakapasok ngayong araw, pati nga kay Josephine ay tinext ko din kagabi at sinabing hindi ako makakapasok. At natural nag-alala din ang bruhang 'yon dahil okay naman daw ako pag-alis ko kagabi sa trabaho tapos bigla akong may sakit. 



"Wag mo na silang alalahanin dahil hindi ka na nila magugulo pa." Sabi ni Pablo na kinuha ang cellphone na nasa ibabaw din ng lamesa at may pinakita mula doon. "Ito ba 'yong sasakyan na sinasabi mo kagabi?"





Pinakatitigan ko naman ang picture na pinakita niya sa akin at ng makilala ko ang plate number ng sasakyan na kakulay ng sinakyan ng dalawang lalaki kagabi ay alam kong sila na talaga ito. "O-Oo sila nga, ito nga 'yong sasakyan na sinakyan nila at humabol sa akin kagabi." Sabi ko, ano 'to nalaman niya agad kung sino ang mga humabol sa akin kagabi?



"Good tama nga kung gano'n ang mga tauhan ko. So don't worry dahil wala na sila, pinapatay ko na ang dalawang humahabol sa 'yo kagabi." Sabi ng binata.



"A-Ano?" Gulat na sabi ko.


#Maribelatentastories

M.V series 04 Pablo FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon