----------------------------Sa harapan ng isang lumang mansyon na napapaligiran ng mga nagtataasang puno at mga talahib huminto ang van na sinasakyan ng magkakaibigan. Sa unang tingin mula sa harapan ng mansyon ay aakalain mong isa itong haunted house. Kapuna-puna ang mga mahahabang damo o mga ligaw na halaman na nakapaligid sa mansyong iyon. Isang patunay na pinabayaan na lamang ito sa mahabang panahon. Hindi rin nakatakas sa paningin nila ang mga basag na bintana mula sa ikalawang palapag.
Sa gilid ng gate na bakal ay agaw pansin naman ang ilang estatwa. Nakakatakot ang mga itsura niyon na wari mo'y may mga buhay. Kapag nakaharap ka sa estatwa ay paninindigan ka ng balahibo at makakadama ka ng kakaibang kilabot. Iisipin mong parang may naninirahan na kakaibang nilalang sa loob ng estatwa. Basag na ang ilang bahagi ng mukha at katawan ng mga ito, marahil ay bunga na din sa matagal na panahong pagkakatayo doon.
Pero kung sining lang ang pagbabasihan, malamang ay hahanga ka sa taong umukit ng mga estatwang ito. Bagama't luma o matagal nang nagawa ang mga 'yon, hindi parin maipagkakaila ang galing ng pagkakagawa sa mga ito.
"Nakakatakot naman ang mga estatwang itey!" Sabi ni Laila na ang mga kamay ay inilagay pa sa dibdib. Natigilan na lang ang magkakaibigan nang may lumabas na matandang babae sa gate.
"Anong ginagawa niyo dito?" Anang matanda.
"Ay puking bilasa!" gulat na sabi ni Laila pagkakita sa matanda. Pang-horror kasi ang peg ng aura nito idagdag pa ang mahabang buhok na halos lahat kulay puti na. "Hi, Lola! Mas maganda kapa sa gabi." sa huli ay usal ni Laila.
"Ako po si Chollo, apo ni Lolo Fernando. Pinayagan niya po kaming tumira muna sa mansyon habang nagbabakasyon." Anang si Chollo nang lumapit sa matanda. Matagal tumitig ang matanda kay Chollo bago nagsalita.
"Tuloy kayo.."
Pumasok na ang magkakaibigan sa loob. Bumungad sa kanila ang maraming estatwa sa bawat gilid ng pasilyo. May mga estatwa na anghel, mga hubad na lalaki at babae, mga parang amazona na may hawak na espada. Meron ding mga estatwang babae na may hawak na paso na parang nagbubuhos ng tubig. Meron ding mga lalaking parang mga bayani. Yung ibang estatwa ay may mga telang tumatakip kaya hindi makita ang mga itsura ng mga ito. Isa sa pinaka mapapansin sa lahat ng estatwa ay yung nasa bandang gitna. Parang demonyo. Nakakatakot talaga ang itsura niyon na animo'y parang naghuhudyat ng kapahamakan. Naiiba talaga ito sa lahat ng estatwa na nandoon. Dahil ito ang nasa gitna at kung titignan mo yung sitwasyon, masasabi mong parang yung mga estatwa sa gilid ay nagbibigay pugay, gumagalang, at sumasamba sa estatwang nasa gitna. Para itong isang panginoon.
Isa din sa kapuna-puna ay malawak pa ang bakanteng lote sa loob ng bakuran na kung tutuusin ay pwede pang pagtayuan ng ilang bungalow.
"Nakakatakot naman dito. Parang gusto ko nang umuwi.." Wika ni Paloma.
"Mga estatwa lang 'yan. Walang mga buhay!" Ani Bruno at nilagpasan na ang mga estatwa.
Ang iba nama'y taimtim pa ring nakatitig sa mga estatwa. Ang bawat isa ay may nararamdaman na kakaibang takot. Takot na hindi nila maipaliwanag.
"Yung estatwa sa gitna-- parang demonyo na ang anyo ay parang tao na paniki." wika ni Maricor.
"Nakakatakot nga ang isang 'yan sa totoo lang.." Gatong ni Paloma.
"Tara na't pumasok sa loob.." Anunsyo ni Chollo.
---
Malawak ang sala sa loob ng mansyon. Maluwang ang kusina na maihahalintulad na din sa bahay ng isang ordinaryong pamilya. May laundry area, maliit na room. Parang isang simbahan. Marami pang kwarto mula sa unang palapag ng masyon. Hindi nila alam kung bedroom o ano.

BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!