----------------------------Nang mga sandaling iyon ay nilukob na ng kakaibang takot si Paloma. Nasa harapan niya ang isang nilalang na halimaw sa kanyang paningin. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hirap pa siyang paniwalaan ang mga pangyayari ngunit alam niya na totoo ang lahat. Hindi ito isang panaginip lamang kundi talagang nasa realidad.
Kailangan niyang kumilos at mag-isip ng paraan. Alam niyang sa sandaling iglap lang ay maaaring humarap siya sa kamatayan bagay na hindi niya pa napaghahandaan. Tuliro man ang isip ni Paloma ay isang bagay lang ang alam niya, ayaw niyang matulad sa nobyo.
Dahan-dahan niyang inihakbang paatras ang mga paa upang takasan ang kamatayan nasa kanya'y naghihintay. Nang akmang sisimulan na niyang tumakbo ay agad siyang nasakmal sa likuran ng matalas na kuko ng taong paniki. Ramdam niya ang sakit at ang dugo na mabilis na dumadaloy pababa sa kanyang likuran.
Hindi niya ininda ang bagay na iyon. Mabilis siyang tumakbo papalayo sa nakakatakot na nilalang. Takbo lang siya ng takbo sa pagitan ng magkabilaang talahiban kahit na wala siyang kasiguraduhan kung ligtas ba siya doon. Ang mahalaga kay Paloma ay makalayo.
Nang makaramdam ng pagkahingal ay sandali siyang huminto. Sa pagkakataong iyon ay nagawa niyang lumingon. Hindi niya nakita ang taong paniki kaya naman napabuga siya ng isang malalim na buntong hininga.
Lumipas ang ilang minuto nang makarinig si Paloma ng mga kaluskos. Dinunggol siya ng kaba at pinalikot ang mga mata nang ginala ang paningin sa paligid. Nanatili lang siyang nakatayo at pinakiramdaman ang katahimikan ng gabi.
Nang bigla-bigla ay bumulaga sa kanyang mga mata ang taong paniki.
"AHHHHHHHH!!" Malakas na sigaw ni Paloma. Bahagya siyang napaatras.
"H-huwag mo akong sasaktan.." Nanginginig ang katawang usal niya. Pakiwari niya ay ang bigat ng kanyang mga paa kaya parang hindi na niya magagawa pang tumakbo. Idagdag pa ang pagkasindak sa muling pagkaharap sa nakakatakot na nilalang.
Kailangan kong lumaban! Determinadong usal ni Paloma sa sarili. Walang mangyayari kung magpapa-alipin siya sa takot. Kailangang makabalik siya sa mansyon ng buhay upang maibalita sa mga kaibigan ang bagay na ito. Ang tungkol sa taong paniki!
Kinuha niya ang may kalakihang bato na nasa kanyang paanan. Buong lakas niya itong binato sa mukha ng taong paniki. Ngunit ganun na lang ang pagkawindang ni Paloma nang makitang wala man lang epekto sa taong paniki ang ginawa niyang pagbato. Parang hindi man lang ito tinablan ng kahit na anong sakit. Nakalimutan niyang isa nga pala itong hindi pangkaraniwang nilalang.
Parang mawawalan na siya ng malay tao sa sobrang takot ng sandaling iyon. Bigla siyang nakadama ng kawalang pag-asa pang mabuhay.
Wala na siyang magagawa pang iba kundi ang tumakbo na lamang ulit. Nang sisimulan na niyang bagtasin ang kahabaan ng talahiban ay natisod siya sa nakaumbok na bato dahilan ng pagkabuwal niya sa lupa. Namalayan na lang ni Paloma ang bato na itinaas ng taong paniki sa ere na akmang ibabato sa kanya."H-huwag.."
Ang sumunod na nangyari ang ikinabigla ni Paloma. Ano nga bang maaasahan niya sa isang halimaw? Kahit anong pagmamakaawa ang gawin niya ay hindi ito makikinig dahil ang halimaw ay halimaw na deskripsyon sa isang nilalang na walang pakundangan kung pumatay.
Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdam ng mga oras na iyon. Mangiyak-ngiyak siya sa sakit habang sapo-sapo niya ang mukha na binato ng taong paniki. Walang humpay ang pagdaloy ng dugo mula doon.
Nang muli siyang nakaramdam ng malakas na impak ng mabigat na bagay sa kanyang mukha ay nawalan na siya ng malay.
Hindi naman tinigilan ng taong paniki ang pagpupukpok ng malaking bato sa mukha ni Paloma. Halos hindi na nga ito makilala.
Ang sumunod na binalingan ng taong paniki ay ang ulo ng babae. Pinagpupukpok nito iyon hanggang sa maging abot kamay na nito ang utak ni Paloma. Madali lang para dito ang dukutin ang mga bagay na gusto nitong kainin sa isang tao. Pero ng mga sandaling iyon ay tila hayok ang taong paniki na makakita ng karumal-dumal na pagpatay sa isang tao. Dalawang dekada din silang nagpaka-balat kayo.
----------
"Hanggang kailan mo ililihim ang nararamdaman mo para kay Bruno?" Ani Jorjina kay Alexandra.
"As long as I want!" Wika ni Alexandra habang abala sa pagkutkot sa binaon pang dragon seed sa celebration o bakasyon nilang iyon.
"Mga high school palang tayo ay mahal mo na siya, ngayong tapos na tayo sa kolehiyo, wala ka pa rin bang balak aminin ang lahat, Alex?"
"There would always a right time for that!" Tila walang ganang usal ni ALexandra.
"There would a time that enough is enough! Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa, sabihin mo na te!" Si Jorjina.
"Bakla, kapag ako hindi nakapag-timpi, gagawin kitang estatwa kagaya sa mga estatwa sa labas! Ang lakas ng bunganga mo! Alam mo namang nasa kabilang silid lang sila Bruno."
"Mahal ni Alexanra si Bruno!" Sigaw ni Jorjina. Gusto niyang inisin ang kaibigan.
"Bakla -- shup up!"
"Mahal ni Alexanra si Bruno!"
Mabilis na lumapit si Alexandra sa kaibigan at tinapal nito ang unan sa mukha ni Jorjina."Bakla ka ng taon!"
Nang makakuha si Jorjina ng tiyempo upang alisin ang pagkakatakip ng unan sa mukha nito ay muli itong sumigaw."Mahal ni Alexandra si Bruno!"
Natigilan na lang ang dalawa nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa kanilang silid."Si Bruno na 'yan, for sure." Anas pa ni Jorjina.
"Kutos ka sa'kin later. Buksan mo yung pinto dali!" Wika ni Alexandra. Humiga siya sa kama at nagtakip ng kumot. Agad namang tumalima si Jorjina upang buksan ang pinto.
"Maricor, bakit?"
"Sila Paloma? Parang kanina ko pa hindi nakikita. Kumain na ba yung mga 'yon?"
"Hindi ko knows kung nasaan yung mga yun eh. Nagpaalam kanina no'ng nagsasayawan kami..Ang sabi'y maggagala lang daw sila."
"Ganun ba? Beks, totoo ba yung narinig ko? Mahal ni Alexandra si Bruno?" Tanong ni Maricor.
"Ah, yester--"
"Yes! I love Bruno. Si Bruno sa power rangers." Sabi ni Alexandra nang tinaggal ang kumot sa Mukha. Pinutol na niya kung ano pa mang sasabihin ni Jorjina.
"Ahh -- gow. May Bruno ba dun? Sige, ipush mu 'yan, Alexandra!" Ani Maricor at umalis na.
Pagkaalis ni Maricor ay pinandalitan ni Alexandra ng mga mata si Jorjina."Tara bakla, sumunod ka sa'kin.."
"Anong gagawin mo sa'kin, te?"
"Ipapakain kita sa mga aswang." Biro niya. "Lakad-lakad tayo sa labas. Gusto kong magyosi at magmuni-muni."
"Alexandra naman, alam mo namang nakakatakot sa labas eh."
"Tara na! Aarte ka pa." Nauna nang lumabas ng silid si Alexandra. Wala ng nagawa si Jorjina kundi ang sumunod.
......
![](https://img.wattpad.com/cover/4544720-288-k977678.jpg)
BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!