Hindi na natutuwa si Jhael sa batang babae na kanina pa buntot ng buntot sa kanya. Kung saan siya pupunta, doon din ito tutungo. Parang nananadya. Ang dami pa nitong sinasabi, wala naman siyang maintidihan. Idagdag pa ang kung anu-anong pagkain na inaalok nito sa kanya. Nakakairita na talaga. Sa dami ng bata roon, mukhang siya pa yata ang natipuhan nitong makalaro.Bakit ba kasi sinama pa siya ng kanyang Daddy sa 7th birthday ng anak ng kumpare nito? Ano namang gagawin niya sa pambatang party?
"Bata, tignan mo ang ganda ng laruan ko." sabi sa kanya nung batang babae. Hindi niya parin ito pinapansin kagaya kanina. "Gusto mo maglaro tayo?" ayan na nga ba ang sinasabi niya. Sinamaan niya ito nang tingin. Makipag-laro ka sa lelang mo! Sa isip-niya lang.
"Hindi na ako bata katulad mo. Doon ka makipaglaro sa ka-edaran mo." sinenyas niya ang kamay sa paraang pinapaalis ito.
"Mukha lang naman tayong magka-edad ha... Seven na ako, ikaw? Ilang taon ka na ba?"
"Twelve." sagot niya at tinalikuran na ito. Insulto 'yon! Ang pagkamalan siyang seven. Naglakad siya palayo. Bakit ba kasi ang tagal niyang tumangkad? Isiniksik niya ang sarili sa kumpulan ng tao. Para mawala na siya sa paningin ng batang babae.
Sa paglalakad ay narating niya ang Garden. Meron doong swing chair na gawa sa rattan. Tahimik doon. Umupo siya sa swing chair at ipinikit ang mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng antok. Ilang sandali lang ay nakatulog si Jhael nang mapasandal."Arayy!" tinamaan siya ng bola sa mukha. Dahilan ng kanyang pagmulat. Naudlot ang magandang panaginip niya kung saan ikinakasal siya sa babaing palaging hinahanap ng kanyang mga mata.
Luminga siya sa paligid. Nakita niya ang batang babae na kanina niya pa kinaiinisan. Kaya nga siya umalis sa loob dahil dito tapos sinundan pa yata siya hanggang doon. Salubong ang mga kilay nang humarap siya sa bata. Napakagat naman sa labi ang biglang natakot na bata dahil sa nakikitang galit sa kanyang mukha.
''Ikaw na naman!'' bulyaw niya dito. "Gusto mo ihagis kita sa kabilang bakuran?" galit na sigaw niya.
Umiling ang bata. Pero imbes na matakot ito ay lalo pang lumapit sa kanya. "Huwag ka nang magalit sa akin. Kung gusto mo, sa'yo na lang 'to." hinubad nito ang suot na kwintas at inabot sa kanya.
Nakataas ang kilay nang mapatingin siya sa kwintas na hawak ng batang babae. Isa itong kwintas na gawa sa kahoy na may pendant na human figure. Walang espesyal doon pero may kakaiba siyang naramdaman pagkakita dito. Aywan, pero parang may kwento sa likod ng kwintas na hindi pa natutuldukan.
"Ano naman ang gagawin ko diyan?"
"Nang mawala si Daddy, itong kwintas na ito ang dahilan kaya napuntahan ni Mommy si Daddy doon sa templo ng mga halimaw." pahayag nito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkagiliw sa batang babae. Mas matanda man siya dito ng limang taon, mukhang okay naman ito kausap. Dahil siguro sa nabanggit nitong halimaw. Huwag lang siyang yayain nitong makalaro. Yung larong pambata.
"Sabi ni Daddy, mararamdaman mo raw kung nasa kapahamakan o kung nasaan mang dako ang taong pinagbigyan mo nito. Tapos——"
"—— Tapos ibibigay mo lang 'yan sa lalaking pakakasalan mo." singit ng boses. Napatingin ang dalawa sa likuran.
"Kanina pa kita hinahanap, baby ko." anas nito sa batang babae pagkalapit sa kinaroroonan nila. Kinuha nito ang kwintas at muling sinuot sa batang babae. Tumingin ang lalaki sa kanya. "Pasensya ka na, hijo. Kinukulit ka ba nitong anak ko?"
"Hindi po." pagsisinungaling niya. Muntik ko na nga pong ihagis ang anak niyo sa kabilang bakuran. Aniya sa isip.
"Bumalik na tayo sa loob." ngitian muna siya ng lalaki bago niyakag ang anak pabalik sa loob.

BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!