3 -

4.1K 71 0
                                    


----------------------------

Kinaumagahan sa may kusina ay maingay na naga-almusal ang magkakaibigan. Makalipas lamang ang halos kalahating oras ay buto na lamang ang natira sa litsong manok na binili nila sa bayan.

"Inubos niyo yung manok? Aney ang uulamin ni Maricor?" Wika ni Jorjina.

"Baklang 'to, maka-niyo ka naman, kami lang ba ang umubos? Kung makalamutak ka nga sa manok eh, kala mo katawan ng lalaki." Bulyaw ni Alexandra kay Jorjina.

"Siya nga pala, anong oras na ba kayo umuwi at mukhang puyat na puyat si Maricor?" Tanong ni Brix kay Kimberly.

"Alas dos. Pinuyat pa nga lalo ako eh, mantakin mong maya't maya ako kung gisingin. May nakita daw siyang taong parang paniki diyan Sa may likod ng mansyon. Katulad din daw doon sa nakita niya nung pauwi na kami." Saad ni Kimberly.

"Taong parang paniki? Itsura nun?" Si Laila.

"May pakpak din daw na kagaya sa paniki." Gatong pa ni Kimberly.

"Parang ang hirap paniwalaan.." Ani Paloma pero ang totoo'y nakaramdam ng takot.

"Oo nga. Baka ilusyon niya lang 'yon kasi lasing siya. Sirena nga hindi ako naniniwala sa taong parang paniki pa kaya?" Si Brix.

"Papa Brix naman.. Hindi ka naniniwala sa sirena? Eh, ako nga ang patunay." Sabi ni Jorjina habang nilalakumos ang pinagbalutan ng litsong manok.

"Bakla Chokoy ka at hindi sirena!" Sabat ni Alexandra. Nagtawanan ang magkakaibigan.

"May problema ka ba sa akin? Huh?" Ani Jorjina kay Alexandra.

"Sayo wala, pero sa mukha mo madami!" Natatawang usal ni Alexandra.

"Ah, ganun?" Si Jorjina sabay tayo.

"Keme lang te." Bawi ni Alexandra. Banas na banas na napaupo na lang ulit sa upuan si Jorjina. Hindi maipinta ang mukha nito.

"May araw ka rin sa akin.." Sabi pa nito. Napangiti na lang si Alexandra.

Ilang sandali pa ay natanaw nilang pababa ng hagdan si Maricor. Sa likuran nito ay kasunod si Jhael.

"Soulmate! Pareho pa silang ngayon lang nagising." Bulong ni David sa mga kaibigan na ang tinutukoy ay sila Maricor.

"Parang may kapre sa likod ni Maricor." Natatawang bulong ni Bruno.

"Grabe nga ang tangkad niyang pamangkin nung matandang babae." Si Paloma.

"At gwapo.." Ani Jorjina.

"Ehem!" Usal ni Maricar nang makalapit sa kusina. Napansin niyang nagbubulungan ang kanyang mga kaibigan. Hinila niya ang isang upuan sa ilalim ng lamesa sabay umupo.

"Anong ulam?" Aniya.

"Makaligo na nga. Lilibot pa ako sa bayan upang maghanap ng parlor." Sabi ni Kimberly.

"Ako din. Magpapahangin pa ako sa labas. Gala-gala na din." Sabi naman ni Alexandra sabay tayo.

"Join ako te." Wika ni Jorjina kay Alexandra.

"Tara, beks." Si Alexandra.

Mayamaya'y si Maricor na lang ang naiwan sa lamesa. Napatingin siya sa lalaking nakatayo malapit sa malaking Jar doon sa kusina. Si Jhael.

"Ikaw pala.." Aniya. Hindi niya ito napansin na nasa likuran niya kanina habang bumababa ng hagdan. Muli ay naalala niya ang nangyari Kaninang madaling araw. Mabuti na lang ay pumunta din ito ng kusina kundi ay walang makakasalo sa kanya.

Hindi niya sinabi kay Jhael ang nakita sa maliit na bintana mula sa taas ng lababo nang tanungin siya nito kung bakit siya sumigaw at nagulat. Nagpahatid na lamang siya sa lalaki sa kwarto nila ni Kimberly.

-----

Mag-aalas sais nang gabi, sa mansyon na tinutuluyan ng magkakaibigan ay abala ang mga ito sa pagsayaw at pagkanta.

"Wooh!" Sigaw ni Bruno. Malaya silang mag-ingay dahil malawak ang lupain ng mansyon at malayo sa katabing bahay.

"Go beki!" Pag-cheer ni Alexandra kay Jorjina na noo'y sumasayaw na wari mo'y nangingisay.

Sa kusina naman ay abala si Maricar sa pagluluto. Sandali siyang napapasulyap sa maliit na bintana sa taas ng lababo. Dinudunggol siya ng kaba sa tuwing naaalala ang nakita.

Lingid sa kaalaman ng magkakaibigan ay pinag-uusapan sila ng isang lalaki at matandang babae sa hardin ng mansyon.

"Huwag po kayong mag-alala tiya, bago sila makaalis sa lugar natin ay makakasiguro ka na muli kang makakain ng utak at puso ng tao." Sabi ng lalaki sa matanda.

"Hindi na nga ako makapag-hintay. Nagsasawa na ako sa karne ng mga hayop. Gusto ko nang makatikim ng utak at puso ng tao. Pati na rin ang kanilang mga lamang loob." Tila natatakam pa na usal ng matandang babae.

"Huwag muna po kayong magpadalos-dalos. Kailangang kumuha kayo ng tamang tiyempo. Mas magandang makakain kayo sa paraang hindi nila malalaman."

"Mas maigi sigurong unti-unti mong ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga taong paniki. Para kapag nalaman nila ang katotohanan tungkol sa lahi natin ay maalarma sila at matakot. Doon tayo aatake." Saad ng matanda.

"Hindi ganung kadali ipaniwala sa kanila ang tungkol sa taong paniki. May nakakita sa inyo kaninang madaling araw, si Maricor. Hindi siya pinaniniwalaan sa bagay na 'yon. Mas maganda siguro kung sasabihin ko na lang sa kanila na may masasamang tao sa lugar na ito na pumapatay ng karumaldumal. Sa ganoon, mapagtatakpan natin ang ating lahi."

"Tama ka. Dalawang dekada ding nagtago sa totoong kulay ang lahi natin dito sa Sitio Ayunta. Para lamang hindi katakutan ang lugar natin, at sa dahilan din na upang lumabas na haka-haka lang ang sinasabi nila tungkol sa taong paniki. Nakakatuwang malaman na dumadami na ang mga pangkaraniwang tao na pumupunta dito. Nararamdaman ko na ang mga lahi natin ay nagmamatyag na sa paligid at kumukuha ng magandang pagkakataon upang makakain ng tao."

"Alam ko pong nanghihina na kayo at kailangan niyong makakain ng tao upang kako ay lumakas at mas lalo pang humaba ang inyong buhay. Sinabi ng ating pinuno na huwag tayong kakain ng tao sa loob ng dalawang dekada upang mapagtakpan ang ating lahi. Ngayong dumaan na ang dalawang dekada, magagawa na natin ang ating gusto. At si Maricor, siya ang gagawin nating alay sa ating pinuno." Saad ng lalaki at napangisi.

---

"Saan ka galing?" Tanong ni Maricor kay Jhael nang makita niya itong pumasok sa pinto ng kusina.

"Diyan lang sa labas, nagpahangin." Anito.

"Mukhang ang sarap ng niluluto mo ah."

"Mukha lang masarap." Natatawang usal ni Maricor. Hinulog niya ang mga hiniwang patatas sa kawali at nilagyan ng kaunting tubig at muling tinakpan. Nang tumingin siya kay Jhael ay napuna niyang titig na titig ito sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya sa binata.

"Wala -- ang ganda mo kasi eh, hindi ko mapigilang tignan ka."

Kow. Tangina nito, dumadamoves. "Gutom lang 'yan." Nakangiting sabi niya. "Kung talagang maganda ako, tititigan mo na lamang ba ako? Bakit hindi ka lumapit at ako'y hagkan." Mapang-akit na wika ni Maricor. Ngumuso pa ang gaga.

"Huh?" Napangiti siya nang mapansing parang namula ang lalaki. May kapilyahang pumasok sa kanyang isip na madalas namang mangyari.

Unti-unti siyang lumapit kay Jhael with her seductive looks.
Nang malapit na siya ay hindi niya napansin ang maliit na bangko sa kanyang paanan dahilan nang pagkatumba niya sa binata. Tumaob sila sa sahig.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Maricor nang malamang nasa ibabaw siya ng lalaki at halos magkalapit lang ang kanilang mga mukha. Sa pagkakataong iyon ay natitigan niya ito nang malapitan.

Napakatangos ng ilong nito. Ang mga labi'y mas mapula pa yata sa labi niya. And his eyes.. Parang tagos sa kaluluwa kung tumingin. Sinamahan pa ng mahahabang pilik mata at ang kapuna-punang makapal na kilay.

"Oh-my-godd.. Bakit dito pa kusina?" Sabay na napatingin si Maricor at Jhael sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita nila ang beking si Jorjina na nakatakip pa ang mga kamay sa bibig na wari mo'y gulat na gulat. Huli na nang mapagtanto ni Maricor na nakapatong nga pala siya sa lalaki.

......

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon