9 -

3.3K 63 2
                                    

---------------------------

Sa kabilang banda naman, si Laila ay nagtatago sa hilera ng mga estatwa sa harap ng mansyon na nasa loob parin ng bakuran. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay niya habang nakahawak sa binte ng estatwa.

Gustuhin man ni Laila na tumakbo palabas ng mansyon ay naisip niya na baka mas maraming halimaw doon. Naisip niya din na paano kaya nakapasok ang halimaw sa loob ng mansyon na wala silang kamalay-malay.

Maya't maya ang tingin niya sa paligid kahit naman kadiliman lang ang kanyang nakikita. Nandyan yung sumasagi sa isip niya na baka bigla na lang siyang gulatin o bulagain ng halimaw katulad ng napapanood niya sa mga movie. Kaya naman dapat handa siya at maging alerto. Lalaban siya kung kinakailangan, ayaw naman niyang pakiramdaman lang ang sarili na unti-unting pinapatay. Mas maige na yung lumaban kahit na alam mong hindi pangkaraniwan ang makakalaban mo.

Naku, kapag lumapit sa akin ang halimaw na 'yun, tatanggalin ko talaga itong batong espada ng estatwa. Usal niya sa sarili habang nakatingin sa estatwa.

Totoo ba talagang nangyayari ang mga bagay na ito? O baka naman isang panaginip lang?
My goodness! Kung totoo nga ito, sana mabuhay ang mga estatwa at ipagtanggol kami. Para na siyang tanga sa kakaisip ng kung anu-ano.

"Psssst.." parang awtomatikong napalingon siya nang marinig na may sumitsit.

"Sino 'yan?"

"Laila, ako 'to si David."

"Nasaan ka? Paano mo ako nakita? eh, ang dilim-dilim."

"Naririnig kitang nagsasalita.." Ani Divid. Naramdaman na lang ni Laila na may humawak sa kanyang dibdib.

"Bastos ka! Dibdib ko 'yan." Singhal niya.

"Ay, akala ko pisnge." Biro ni David.

"Bastos ka talaga!"

"Sorry naman, madilim nga di ba?"

"Oo na! Huwag ka na lang maingay baka makita tayo ng mga halimaw." Aniya.

"Halimaw lang sila.. Hindi nila matatalo ang dalawang pusong nagmamahalan." Biro ni David na sinamahan ng mahinang pagtawa.

"Mukha mo nagmamahalan!" Bulyaw niya dito. Pinigilan niyang matawa.

"Laila, paano kung huling gabi na natin ito sa mundo?" Seryosong sabi ni David.

"Ayoko ng ganyang usapan."

"Hindi mo man lang ba ipagtatapat ang nararamdaman mo sa isang tao, kung sakali ngang ito na ang huling gabi mo?" Ani David.
Kahit na madilim ay naaaninag niya ito, hindi niya nga lang kita ang mukha ni David. Hindi niya tuloy alam kung seryoso ang anyo nito o nagbibiro.

Gusto niya ang binata kaso, alam niyang playboy ito at isa pa, idinadaan kasi nito palagi sa biro ang lahat. Kaya naman kahit gusto niyang bumigay sa mga sinasabi nito ay pinipigilan niya. Ayaw niya kasing maloko ulit at masaktan.

"Anong ibig mong sabihin?" Mayamaya'y wika niya.

"Laila, alam kong gusto mo rin ako.." Natigilan siya. Matagal bago nakapagsalita.

"Paano mo ba mapapatunayan sa akin na gusto mo talaga ako?"

"Basta, makikita mo.. Ipagtatanggol kita sa mga halimaw." Si Divid.

"Naku, baka kapag nandyan na ang halimaw magtago ka pa sa likod ko." Biro niya.

"Hindi ah, makikita mo.."

Nasaganoon silang sitwasyon nang bigla na lang sumigaw si David.

"AHHHHHHHH!"

"David, anong nangyari?" kinakabahang usal ni Laila. Bagamat madilim ay hindi niya alam kung bakit ito sumigaw. Sa tono ng sigaw nito ay alam niyang may hindi magandang nangyari.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon