32 -

1.6K 48 0
                                    


"Parang ang lalim ng iniisip mo," bahagyang napaangat ang kanyang balikat nang marinig iyon. Sumulyap siya sa may pintuan.

"Nagaalala ka ba sa mga kaibigan mo?" ani Maristella at tuluyan nang pumasok sa loob.

"Hindi parin kasi sila bumabalik. Gabi na kaya naman bukas na lang kami ng umaga uuwi."

Naglakad ang babae papalapit sa kanyang kinatatayuan. Napapansin niya, naging panatag na ito sa kanya at hindi na ito nahihiya. Para bang nakuha na niya ang loob nito. Ngitian siya nito. Napakurap siya at napatitig kay Maristella.

"Huwag kang mag-alala, pinuntahan na sila ni Tiya." anito. Sinapo siya nito sa mukha. Nakaawang ang mga labi nito habang nakatitig sa kanya. Mainit ang kamay ng babae at parang may boltahe ng kuryente siyang nararamdaman. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Magaling na ang mga sugat mo," muli itong ngumiti sabay baling sa kanyang balikat. Inalis na rin nito ang kamay sa kanyang pisngi. "Kakahit pap'ano, pagbalik mo sa inyo ay wala na ang mga bakas na sinapit mo sa aming lugar." wika nito. Marami talaga siyang nais itanong dito pero parang umuurong ang kanyang dila. Siguro ay dahil nararamdaman niyang hindi siya sasagutin nito ng diretsahan.

"Ramdam ko parin ang sakit sa iba't ibang parte ng aking katawan pero hindi na katulad kahapon na nahihirapan pa akong tumayo. Umiigi na ang kundisyon ko, ang galing ba naman ng nars ko e," kinindatan niya ang babae at bahagya siyang ngumiti. Napansin niya ang pamumula nito. May ilang sandaling katahimikan.

"Meron nga pala akong ibibigay sa'yo," inilahad ni Maristella ang isang kwintas at inabot sa kanya.

Isa itong kwintas na merong pendant na human figure. Maliit lang siya at yari ito sa kahoy. "Gawa 'yan sa puno ng molave."

Ngingiti-ngiti nang humarap siya kay Maristella. "Ganun na ba ko ka espesyal sa'yo para bigyan mo ako ng ganito?"

"Oo. Ilalapit ka niyan sa kapahamakan." nawala ang ngiti niya nang marinig iyon.

"Biro lang." ngumiti ito. Napakasarap tignan kapag ngumingiti si Maristella. Lalong numinipis ang mga labi ng babae.

"Anong meron sa kwintas na ito?"

"Maraming dyamante sa loob niyan."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Seryoso?"

"Biro lang ulit."

Pinanliitan niya ito ng mga mata. "Natututo ka ng magbiro a, kailan mo ba ako seseryosohin?" ginamitan na niya ito nang mapang-akit na boses. Natigilan tuloy si Maristella.

"Binigay 'yan sa akin ng aking ina. Sabi niya, mararamdaman mo daw kung malapit sa palagid mo ang pinagbigyan mo nito. Aniya pa'y gagawa ng paraan ang kwintas para pagtagpuin ulit kayo."

Hindi na niya napigilan ang pagngiti ng malapad. Kakaiba ang ningning ng kanyang mga mata nang tumingin kay Maristella. "Gusto mong magkita ulit tayo?"

"Bahala ka na kung 'yan ang naglalaro sa imahinasyon mo."

Napakamot siya sa ulo. Nagpacute sa harapan ng babae. "Ano ba yan, parang ayaw ko nang umalis." aniya.

"Hindi." umiling-iling ito. "Kaligtasan niyo ang dapat niyong unahin. Kailangan niyo nang umalis dito. Ayaw nilang may nakakatuklas ng kanilang lihim. Magtutulong-tulong sila para hindi na kayo makaalis dito. Kaya naman dapat ay umalis na kayo bukas ng umaga." saad nito. Bigla siyang kinabahan. Tama si Maristella.
Napasulyap siya sa nakabukas na bintana. Nilamon ng malalim na pag-iisip.

Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumulaga sa bintana ang taong paniki. Napasigaw si Marco at napaatras. Parang gusto niyang tumakbo palabas sa silid na iyon pero tila hindi niya maigalaw ang katawan. Para bang naging malayo ang distansya ng pinto sa kanyang kinatatayuan kahit ilang hakbang lang naman ito. Agad na kumilos si Maristella. Sinara nito ang bintana ibinanaba ang kahoy para makandado.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon