2 -

4.9K 95 0
                                    


----------------------------

"Nakita mo ba ang nakita ko?" Nahihintakutang tanong ni Maricor kay Kimberly.

"Ano 'yon?"

"Bago mo ihinto yung kotse.."

"Oh, ano?"

"K-kimberly yung tumawid sa harapan ng kotse."

"Ano nga 'yon?"

"Isang lalaking.."

"--Multo?" Ani Kimberly.

"L-lalaking may pakpak.." Wika ni Maricor. Nasa mukha parin ang takot.

"Tarantado!"

"Oo nga!"

"May pakpak? Parang anghel ganun?" Kunot-noo si Kimberly. Nagsisimula ng gumapang ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa nakikitang itsura ng kaibigan.

"Parang kagaya sa paniki yung pakpak.. Parang taong may anyong paniki." Nanlaki ang mga mata ni Kimberly sa narinig mula sa kaibigan. Ngunit mayamaya'y humagikgik ito ng tawa.

"Taong may anyong paniki?" Anito at nagpatuloy sa pagtawa. "Sis, okay ka lang? Mukhang high na high ka ah.."

"Hindi ako naka-drugs.. Totoo ang sinasabi ko!"

"Kung manananggal yung nakita mo baka maniwala pa ako, Maricor. Bunga lang 'yan ng kalasingan."

"Promise.. Malinaw na malinaw sa paningin ko. Parang ganun talaga yung anyo eh, parang paniki!" Singhal ni Maricor.

"Sure ka?"

"Oo nga! Basta nakakatakot."

"Baka naman galing sa costume party." Si Kimberly.

"Halloween ang peg, ganun? Te, buwan ng Abril ngayon."

"Why not. Pwedi ring baka sumabak yung lalaking nakita mo sa contest ng mga costumes."

"Alas-dos ng madaling araw may ganun pa?"

"Eh, ano? Malay mo naman madaming kalahok."

"Ewan ko sayo! Umalis na nga tayo dito!" Bulyaw ni Maricor.

"Iihi pa nga ako diba?"

"Later na! C'mon let's go! Nakakatakot dito oh, puro mga nagtataasang puno lang ang makikita mo."

"Whatever.." Pairap na wika ni Kimberly sabay start ng makina at mabilis na sinibad ang sasakyan. Nang mga sandaling iyon ay papauwi na sila sa mansyon na pagmamay-ari ng lolo ni Chollo. Galing sila ng bar sa may bayan.

-------

"Saan ba kasi kayo galing?" Salubong sa kanila ni Chollo. Tinext ito ni Kimberly upang pagbuksan sila ng gate.

"Kasi itong socialite nating friend, niyaya ako sa bayan. Ang gusto sa bar pa uminom." Saad ni Maricor.

"Malay mo naman kasi dito ko matagpuan si Mr. Right." Ani Kimberly.

"Hindi niyo pa nga kabisado ang lugar na ito kung saan-saan na kayo pumupunta. Wala pa nga tayong isang araw dito eh. Paano kung mapahamak kayo?"

"Lagot ka Kimberly kay papa Chollo." Si Maricor.

"Bakit ako?"

"Sige na, pumasok na kayong dalawa sa kwarto niyo."

"Okay papa, Chollo. Love you, muah." Wika ni Maricor.

"Talandi talaga.." Komento ni Kimberly sa kaibigan.

Nang makarating ang dalawa sa kwarto nila ay pabagsak na hiniga ni Kimberly ang katawan sa kama. Magkasama sila ni Maricor sa isang kwarto mula sa ikalawang palapag.

Bago matulog ay naisipan muna ni Maricor na magtimpla ng gatas. Kaya naman lumabas siya ng silid upang pumunta sa kusina. Pababa palang sana siya ng hagdan nang may makita siyang lalaking mabilis na tumawid papunta sa may terrace. Tinumbok niya ang direksyon ng terrace upang sinuhin ang lalaki.

Nang makarating doon ay laking gulat ni Maricor nang makitang wala naman ni kahit anino ng tao sa may terrace. Hindi siya pweding magkamali, kitang-kita ng mga mata niya na may pumantang lalaki doon.

"Bakit gising ka pa?" Bumaling siya sa likuran nang marinig ang tanong na iyon.

Nakita niya si Jhael.

"Ikaw pala.." Sabi ni Maricor na hinahagod pa ang dibdib dahil sa gulat. "Kakarating lang namin ng friend ko. Galing kami sa bar diyan sa may bayan."

"Delikado ang lumabas sa lugar na ito kapag gabi lalo na kung madaling araw." Ani Jhael.

"Talaga ba?"

"Pinapaalalahanan ko lang kayo. Maaari kayong mapahamak kung lalabas kayo ng gabi."

"Talaga ba?"

"Nararamdaman ko na nanalalapit na talaga ang pagbabalik nila.." Si Jhael.

"Talaga ba?" Pagkawika ni Maricor nun ay napuna niyang napataas ang isang kilay ni Jhael. Nahalata yata nito na nang aaning siya.

"Joke lang baby boy. Sino bang magbabalik?"

"Mga nakakatakot na nilalang."

"Talaga ba?"

"Wala ka na bang ibang alam na words kundi talaga ba?"

"Joke lang. Mamayang umaga na lang tayo mag-usap ha, baby boy. Medyo nahihilo ako eh, at need ko pang magtimpla ng gatas. Gusto mo itimpla din kita ng gatas?"

"Huwag na." Anito.

"Okay!" Tinalikuran na niya si Jhael upang bumaba at pumunta ng kusina. Ramdam niyang sinusundan siya nito ng tingin.

Pagkarating sa kusina ay agad nagtimpla si Maricor ng gatas. Matapos nun ay naisipan niyang maghilamos muna.
Mayamaya'y nakarinig siya ng kakaibang tunog na animo'y pagaspas ng pakpak.

Ano 'yon?

Mga ilang sandali ay narinig nanaman niya ang kakaibang tunog. Sa may lababo ay may maliit na bintana. Dahil may kaliitan ang height ni Maricor ay naisip niyang sumampa sa lababo upang sumilip doon.
Paluhod siyang dumungaw sa bintana. Mga puno at pananim lang ang kanyang nakikita. Iginala pa niya ang kanyang mga mata hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang isang bulto ng tao. May kadiliman sa banda doon kaya hindi niya alam kung sino.

Sino kaya 'yon? Tanong niya sa isip. Nanlaki ang mga mata ni Maricor nang mapansin na meron itong malaking pakpak. Muli ay naalala niya ang nakita kanina. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang may lumitaw na nakakatakot na mukha sa kanyang harapan.

"AHHHHH!!" Napasigaw siya sa gulat at dahilan din upang malaglag siya sa lababo. Naramdaman na lang niyang may nakasalo sa kanya.

......

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon