25 - Marco & Maristella

2.2K 52 2
                                        

Sigaw sa Dilim
Marco & Maristella
Flashback Part 1

-----------------------

Maynila

NANGINGINIG ang buong katawan ni Marco habang binabagtas ang kahabaan ng masukal na kakahuyan. Takot na takot siya. Ibig mang lakasan ang loob ay hindi niya magawa. Nangingibabaw sa kanya ang kahindik-hindik na pangyayari. Mula sa gan'ong tagpo ay nanumbalik sa kanyang isipan ang mga pagsusumamo, iyak, sigaw at takot ng kanyang mga kasamahan. Nakakapanghina. Ang sakit sa pakiramdam na yung mga taong nakasama mo sa loob ng maraming taon ay ganun lang kadaling nawala. Ang mas masakit pa dun ay wala siyang nagawa. Ano nga ba ang magagawa ng pagmamakaawa para sa mga hindi pangkaraniwang nilalang na nasaksihan niya? Wala. Parang hayok na hayok ang mga itong pumatay. Hindi, sabik ang mga ito sa lamang loob ng tao at uhaw sa dugo.

Naikuyom niya ang mga palad. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. Kailangan niyang takasan ang malagim na kapalaran ng kamatayan. Ayaw niyang matulad sa mga kaibigan na pinatay ng mga taong may anyong paniki.
Hindi na niya iniinda ang sakit sa balikat dulot ng pagkakakalmot ng matalas na kuko ng taong paniki. Hindi niya rin inaalintana ang maputik na daan na tinatahak. Sa tuwing nadadapa siya ay agad siyang tumatayo. Buo ang tiwala niya sa sarili na makakaalis siya sa lugar na iyon. Buo ang kanyang loob na gagawin ang lahat upang makaligtas.

Patuloy lamang sa pagtakbo si Marco nang muli ay madapa siya dahil sa nakaumbok ng bato. Hindi agad siya makatayo dahil tumama ang kanyang tuhod sa nagkukumpulang bato. Ipinikit niya ang mga mata at taimtim na nagdasal. Idinasal niya na sana makaligtas siya.

Habang nakapikit, bigla siyang nakarinig ng malakas na kaluskos.

Luminga-linga siya sa paligid. Nung tumingin siya sa itaas, nakita niya ang taong paniki na lumilipad. Bigla itong may hinulog sa kanyang kinaroroonan.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Marco nang makita kung ano ang hinulog ng taong paniki. Isang babae. Mula sa liwanag ng buwan, nakita niya ang itsura nito. Ang leeg nito'y parang mahihiwalay na sa pinagkakabitan. Napuna niya ring wakwak ang dibdib ng babae at parang kinuha ang puso.

Dahan-dahan siyang kumilos paatras. Hindi siya pweding lumikha ng kahit na anong ingay dahil baka matunton siya ng taong paniki. Pinilit niya ang sariling makatayo.

Nang makatayo't pagkapihit pa lang niya sa kanyang likuran ay nawindang na lang siya nang makita ang taong paniki sa kanyang harapan.
Agad siyang hinawakan nito sa magkabilaang balikat at inilipad sa ere. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Marco na siyang pumunit sa katahimikan ng gabi.

Habol hininga nang magising si Marco. Ramdam pa rin niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Hingal at pawisan.
Tumingin siya sa maliit na orasan na nakapatong sa desk malapit sa kanyang kama. Alas dos na ng madaling araw.

Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan nang maalala ang kanyang napaginipan. Nakakapangilabot. Sa nakalipas na ilang buwan ay muli na naman itong sumagi sa kanyang panaginip. Magsisimula sa isang masayang tagpo, isang magandang lugar at mauuwi sa isang masamang pangyayari.

Napapanaginipan na niya ang tagpong iyon kahit n'ong siya'y maliit pa lamang. Bata pa siya pero binata na sa panaginip. Ang mga blangkong mukha na kabilang sa mga tauhan na nasa kanyang panaginip ay unti-unti niyang nakikilala sa paglipas ng mga panahon. Walang iba kundi ang kanyang mga kaibigan. Kailan lang nang makilala niya si Aleah na pinsan ni Divine. Ang natitirang blangkong mukha ay walang iba kung hindi ito. At kanina nga sa kanyang panaginip ay kasama na si Aleah.

Malinaw na ang lahat. Panaginip na paulit-ulit, walang pinagbabago subalit panaka-nakang nadagdagan.
Hindi niya alam kung may kahulugan ba ang panaginip na ito. Pero ang lagi niyang sinasaksak sa kanyang utak ay isa lamang itong panaginip at malabong mangyari sa totoong buhay. Napakalabo. Sa kwento lang nage-exist yung mga gano'ng nilalang. Aywan kung bakit isipin man niya o itatak na isa lamang itong panaginip ay hindi parin maiwasang magdulot sa kanya ng kakaibang takot. Para bang mangyayari talaga sa hinaharap.

~ No one else can make me feel the colours that you bring,
Stay with me while we grow old,
and we will live each day in spring time.  ~

Iyon ang naulinigan niyang kanta mula sa radyo na kanyang nakatulugan kaya hindi niya na-off. Loving you ni Minnie Riperton ang kasalukuyang kanta mula roon. Gusto niya ang awiting ito sapagkat ang ganda sa pandinig na para bang dagli kang makakatulog.

Tumayo siya para bumaba at magtimpla ng gatas. Naisip niyang hindi na siya matutulog ulit dahil mamayang alas kwatro ng madaling araw ay magkikita-kita na sila ng mga kaibigan niya. Meron silang out of town. Ni-request niya sa mga kaibigan ang mga bagay na iyon. Sinabi rin niya na pumili ang mga ito ng lugar na mahirap matuklasan ng kanyang pamilya.

Ang totoo'y gustong tumakas ni Marco sa isang kasalan na pinagplanuhan ng kanyang mga magulang. Ayaw kasi niyang magpakasal sa taong hindi niya mahal. Kaya naisip niyang magtago na lang. Naiinis siya sa isipang negosyo lang ang mahalaga sa mga magulang. Alam niyang ang arranged marriage ay related sa kanilang bussness.

Pagkatapos niyang magtimpla ng gatas ay lumabas siya para mag muni-muni. Umupo siya sa may bench malapit sa may fountain. Damang-dama niya ang sariwang hangin na tumatuma sa kanyang balat na para bang nais makipagsagupa sa kanya. Uminom siya ng gatas sa hawak niyang tasa. Ilang sandali'y nilamon na siya ng isang malalim na pag-iisip.

May kalahating oras na yata siya sa labas. Nang mabagot ay muli siyang pumasok sa loob at bumalik sa kanyang kwarto. Inayos niya ang mga gamit na dadalhin. Pagkatapos ay namintana at nagsindi ng sigarilyo. Sa di kalayuan ay napansin niyang may ilang kabataang nagtatakbuhan. Napakunot-noo siya at marahang tumingin sa dakong 'yon. May kadiliman pero dahil maliwanag sa bakuran at sa labas ng kanilang bahay ay naaninag niya parin ang banda roon.

''Halimaw!'' narinig niyang sigaw ng lalaki nang mapatapat ito sa kanilang gate. Kumabog ang kanyang dibdib.

Mayamaya'y narinig niya ang pagriring ng telepono. Bahagya pa siyang nagulat. Lumapit siya sa table upang sagutin ang tawag. Bago 'yon, napansin niya ang lampshade na gawa sa rattan. Bakit iba na ang lampshade sa aking kwarto? Umiling siya nang sagutin ang tawag. Nang marinig ang boses sa kabilang linya ay napangiti siya. It was Kristela. One of his friend na kasama nila sa out of town. Halata ang excitement sa boses nito.

"Marco.."

"O?"

"Marco, pilitin mo namang sumama si Philip. Alam mo namang hindi ako magiging masaya kapag wala siya."

"Baka naman may importanteng gagawin kaya hindi siya makakasama." Aniya.

"Please.."

"O sige na.. Pipilitin ko na yung tao." narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Kristela ng yes sa kabilang linya.

"Salamat talaga, Marco."

"Siya nga pala, saang lugar nga pala tayo pupunta? May napili na ba kayo?" Tanong niya dito.

"Oo.. Actually, ako ang nakatuklas ng lugar na iyon.. Sitio-- parang Sitio Ayunta yung pangalan nung lugar. Basta, parang ganun." Anito.

"O sige, bye na."

"Sige, mag-aayos pa ako ngmga gamit ko. Bye, Marco! Pilitin mo si Philip ah,"

Pagkaputol nang tawag ay agad niyang sinara ang bintana. Binuksan niya ang lampshade. Nang makita ang liwanag na nagmumula dito ay inis nang patayin ito ni Marco. Kulay pula ang ilaw. Iiling-iling siya nang pumasok sa banyo at mabilis na naligo, nagsipilyo at nag-ayos ng sarili.

Bago lumabas ng silid ay bigla siyang natigilan. May naalala. Yung panaginip niya kanina.  Maliban nga pala kay Aleah ay may nakasama siyang bagong mukha. Isang babaing.. bagaman hindi blangko ang anyo nito ay nakakasiguro siyang hindi niya ito kilala.

.....

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon