36 -

73 4 0
                                    


Nanlaki na lang ang mga mata ni Jericho nang makitang wala na siyang matatakbuhan. Nakita niya si Divine na unti-unting lumalapit sa kanya. Nasaksihan nila ni Jessa at Kristela ang pagbabagong anyo ng babae. Naging taong paniki ang itsura nito na katulad sa mga impaktong nais kumitil ng kanilang buhay. No'ng una ay parang ayaw niyang maniwala sa nakikita pero nang makita niyang hinabol nito si Jessa ay doon siya naging alerto. Nagkahiwalay-hilay silang tatlo.

Anong ginawa nito kela Jessa at Kristela? Akala ko nakalayo na ako. Ngayon ay ako naman ang binalingan niya!

Mahal niya si Divine. Isa sa dahilan kung bakit niya ito laging binubuska ay para mapansin siya nito. Sa kabila ng pagiging maarte nito ay meron itong tapang na tinataglay. Hindi ito marunong magpatulong sa kahit na anong hamon sa buhay. Bagay na nagustahan niya para dito.

Habang papalapit ng papalapit si Divine ay unti-unti rin siyang umaatras. Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay napansin niyang malapit na siyang mahulog sa bangin.

"H-hindi kita sasaktan.." Narinig niyang sabi ni Divine. Parang hinang-hina na ito.

Hindi alam ni Jericho kung anong gagawin. Naghahalo ang takot at awang nararamdaman para sa babae. Napapitlag siya nang mapansing nasa harapan na niya ito.
Napuna niya na naglakad pa ito papalapit sa kanya, hanggang nasa tabi na niya. Kisap-mata, ganun kabilis.

"J-jericho.. Magpapaalam na ako sayo.." Halos manlaki naman ang mga mata niya sa kanyang narinig. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Divine anong gagawin mo?"

"Kailangan kong gawin ito kundi marami ang mapapahamak." sobrang lungkot na sambit ng babae.

Naramdaman na lang niya ang pag-iinit sa gilid ng mga mata. Nagbabadya ang luha niyang tumulo. Alam na niya ang ibig sabihin nito.

"P-pero.." Naguguluhan na talaga si Jericho. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin.

"J-jericho.. Alam mo ba kung anong pinakamasayang araw sa buhay ko?"

Marahan niya itong tinitigan. Habang nakatitig siya dito ay parang unti-unting nadudurog ang kanyang puso. Hindi niya gustong makita ang mga mata ni Divine sa kalagayan na iyon. Kahit iba ang anyo nito, mababanaag sa mga mata nito ang totoo niyang pagkatao. Ang totoong siya. Ang babaing minahal niya.

"Ang pinakamasayang araw sa buhay ko ay noong nakaraang out of town natin. Yung time na hinihintay natin ang pagsikat ng araw. Kasabay ng pagdaan ng sinag ng araw sa mga nagtataasang puno ay sinabi mo ang mga katagang.. Mahal mo ako."

Napangiti na lang siya nang maalala niya ang tagpong iyon. Habang tinitignan ni Divine ang pagsikat ng araw, siya naman ay nakatingin sa mukha ng babae. Bigla na lang niyang nasabi ang mga katagang iyon. Nagulat din siya noong una pero napangiti na lang siya sa huli.

"Pinanghawakan ko ang mga katagang iyon. Kahit na sinasabi ng utak ko na baka hindi totoo. Kasi, alam kong mapagbiro ka. Naisip ko na baka binibiro mo lang ako. Isa pa, wala kang ginagawang hakbang. Puro na lang salita. Hindi mo rin masyadong pinaparamdam. Madalas mo pa akong nasasaktan sa mga biro mo." Sandali itong huminto. May kakaibang ngiting gumuhit sa mga labi. Tumingin ito sa kanya.

"J-jericho mahal mo ba ako?"

Nabigla pero agad siyang nagbitaw ng isang ngiti. "Oo.. Mahal na mahal kita Divine. Naturingan akong joker ng samahan pero ako yata ang hari ng katorpehan. Minahal na kita simula ng high school pa lang tayo. Mahal na mahal kita Divine.." Aniya. Tumingin siya sa kalangitan. Doon niya lang napansin na umaga na. Maliwanag na maliwanag na ang buong kapaligiran.

"Sana hindi pa huli ang lahat." Ilang sandali'y usal ni Jericho. Pilit huwag mabahiran ng lungkot ang huling sinabi.

Nang tumingin siya kay Divine, nagbalik na ito sa dating itsura. Wala na ang anyong paniki. Nanumbalik na ang mukha ng babaing pinakamaganda sa kanyang paningin.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon