26 -

2.1K 53 0
                                    


Marco & Maristella
Part 2

NAPANGITI si Marco nang makita ang karatulang nagsasaad ng 'This way to Sitio Ayunta'. Sa wakas ay narating na nila ang lugar kung saan sila magbabakasyon. Sampu silang magkakaibigan na sakay ng jeepney owner. Limang lalake at limang babae. Madalas na nilang gawin ang mag-out of town o magbakasyon matapos ang school year. Iyon na rin kasi ang selebrasyon ng kanilang samahan. High school palang sila ay magkakaibigan na.
Hindi lang sa selebrasyon ang pakay ni Marco sa lugar na iyon. May tinatakasan siya kaya kailangan niyang magtago. Itinatak niya sa kanyang isip na hindi siya uuwi sa kanila hanggang hindi nagbabago ang desisyon ng mga magulang.

Naisip niya na magpapaiwan na lang siya sa lugar na iyon dahil ayun naman ang purpose kaya pinahanap niya ang mga kaibigan ng isang lugar na mahihirapan siyang matagpuan ng kanyang pamilya.
Para kay Marco, ang taong gusto niyang pakasalan ay yung babaing mahal niya. Gusto niya siya ang magpapasya sa taong gusto niyang makasama.

Patuloy lamang sa sa pagmamaneho si Marco. Kasalukuyan na silang nakapasok sa loob ng Sitio Ayunta. Mahabang pananiman, nagtataasang puno, mga bahay na yari sa kawayan at bubong na sa tingin niya ay pinagsama-samang tuyong dahon ang karaniwan lang na nakikita niya sa paligid. Nagtataka siya kung bakit wala pa siyang nakikitang tao sa lugar na iyon. Sa radyo, pumapainlanlang ang awitin ni Pilita Corrales.

Nagulat na lang si Marco ng biglang huminto ang kanilang sasakyan. Bumaba siya para tignan kung anong nangyari. Pagkababa niya, nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang makitang na-flat ang gulong sa may bandang likuran ng owner. Halos nahati sa gitna ang goma ng gulong.

Pinababa ni Marco ang kanyang mga kaibigan sa loob ng van at tinuro niya ang gulong ng kanyang sasakyan.

"Oh my gesh! Ano nang gagawin natin?" maarting wika ni Divine matapos makita ang gulong ng kanilang sinasakyan.

"Grabe naman ang pagkakahiwa ng gulong. Parang ginamitan ng chainsaw." sabi ni Udan sabay sindi sa hawak na yosi.

"Hindi ko nga rin alam kung paano nangyari ito." sambit ni Marco. Tumingin siya sa paligid. Nasa pagitan sila ng magkabilaang palayan.

"Ang creepy naman ng lugar na ito. Tanghaling tapat wala man lang katau-tao." puna ni Kristela.

"Hindi yata lumalabas ng ganitong oras ang mga tao dito. Ayaw yata nilang mangitim." pabirong wika ni Jericho.

"Okay ka lang Jericho? Halata namang pagsasaka ang kinakabuhay ng mga tao dito. For sure, karamihan ng tao dito maitim." sabat ni Jessa.

''Moreno't morena, para tyutyal.'' anang si Divine at kumumpas ng kamay sa hangin.

"Maglakad-lakad nga tayo baka sakaling makahingi tayo ng tulong." ani Rico.

Kinuha muna nila ang kanikanilang bag at dalang mga pagkain. Ganun na nga ang ginawa ng magkakaibigan. Naglakad-lakad sila.

"Oh my gesh! Naiwan ko yung sunglass ko. Ang init pa naman here." maarting sabi ni Divine. Lagi siyang maarting magsalita. Lakas daw kasi maka-rich.

"Oh my gesh! Edi maglumpasay ka sa daan!" pang-aasar ni Jericho kay Divine. Umakto pa ito na parang isang bakla.
Nagtawanan ang magkakaibigan. Nainis naman si Divine kaya lumapit ito kay Jericho.

"Hey, Mr. Brusko! What's your problem ba, ha? Lagi mo na lang akong binabara." singhal ni Divine.

Imbes na sagutin ni Jericho si Devine. Pinuna nito ang babaing makakasalubong nila na may suot ng belong itim. "Tanungin natin siya kung meron ba ditong bahay na pweding upahan o kung saan dito makakakita ng talyer." pahayag ni Jericho.
Napatingin ang magkakaibigan sa babaing nakasuot ng itim na belo. Napansin nila na ang sama ng tingin ng babae sa kanila.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon