24 -

2.2K 54 0
                                    


---------------------------

Buong tapang na sinalubong ni Ajhel ang mga kalaban. Gamit ang espada ay pinagtataga niya ang mga ito. Binabaril naman ni Alexandra ang iba. Samantalang nagpaulan naman ng mga palaso sila David at Bruno.

Bumagsak na sa lupa ang ilang taong paniki. Ang kinabigla nila ay imbis na mabawasan ang mga kalaban ay tila lalo pa itong dumadami.

"Hulihin niyo ang mga hangal na iyan!" sigaw ni Chollo sa mga kasamahan na noo'y naroon sa rooftop ng mansyon. Sabay-sabay na kumilos ang mga kasamahan ni Chollo upang sila'y salubungin. Sunod-sunod pang nagdatingan ang iba pang kalaban galing naman sa templo ng mga taong paniki.

"Nakarating na pala dito ang mga hapaslupang sumusubok na tayo'y talunin!" galit na sabi ng pinuno nang makarating sa rooftop. Matamang pinanood nito ang labanang nagaganap sa ere.

Sa dami ng kalaban ay hindi na alam ni Ajhel Kung saan siya babaling. Buong tapang na lang niyang hinaharap ang mga ito gamit ang espada.

"A A A A A A K K!" hiyaw ng mga taong paniki na natatamaan niya. Ang iba'y napupugutan niya ng ulo at ang iba naman ay nahahati ang katawan. Sa di kalayuan ay nakamasid si Chollo at ang pinuno ng mga taong paniki. Hindi nila gusto ang nasasaksihan. Ang mga ngipin nila'y nagtatagis na sa galit.

"Mga hinayupak! Yang mga 'yan lang hindi niyo pa matalo-talo!" sigaw ng pinuno.

"ARAAAY!" malakas na sigaw ni Bruno nang sakmalin ng matalas na kuko ng taong paniki ang kanyang dibdib. May kalaliman iyon kaya napainda siya sa sakit. Ang sumunod na nangyari ay napuluputan na lang siya ng kadena sa katawan kaya naman agad siyang bumagsak sa lupa.

"Bruno!" sigaw ni Alexandra. Ang atensyon nito'y napunta kay Bruno. Dahil dun ay hindi niya namalayan ang paglapit ng isang kalaban. Mabilis itong kumilos at buong diin na kinalmot siya sa mukha.

"A A A A A A A H H!" hiyaw ni Alexandra sa matinding kirot na naramdaman. Katulad ni Bruno ay pinaikutan siya ng kadena sa katawan kaya mabilis siyang bumalandra pababa. Sinubukan niyang pumiglas pero wala siyang nagawa.

"Magaling! Ganyan nga!" sigaw ni Chollo.

"Bakit hindi na lang patayin kaagad?" tanong ng pinuno kay Chollo.

"Darating din tayo diyan! Dadalhin pa natin ang mga hangal na 'yan sa templo at doon makikita pa nila ang isa't-isa habang unti-unting pinapatay!" tugon nito.

Noon din ay nakaramdam na ng pagod si Ajhel pero hindi siya napanghinaan ng loob dahil nakita niya ang dalawang kasamahan na nabihag gamit ang kadena. Nagpatuloy siya sa pakikipaglaban.

Si David naman ay hindi na alam ang gagawin. Ang daming kalaban. Dalawa na lang sila ni Ajhel na humaharap sa mga iyon. Ilan na lang ang natitira niyang palaso. Muli ay naglagay siya ng palaso sa pana at agad na tinira sa kalabang papalapit. Tinamaan ito sa mata.
Katulad ng kanyang ginagawa simula pa noong una, matapos tumira gamit ang pana ay humaharap siya sa kalaban sa pamamagitan ng kamao at pagtadyak. Sa dami ng lumalapit sa kanya hindi kaagad siya makakuha ng tiyempo upang maglagay ng palaso sa pana.

Nang akmang kukuha siya ng palaso ay bigla na lang sumulpot ang isang kalaban mula sa itaas. Malakas na suntok ang ginawad nito sa ibabaw ng kanyang ulo kaya tumilapon siya pabagsak. Agad naman siyang nakabawi sa nangyari. Hindi niya iyon ininda. Ngunit nang akmang tatayo pa lang sana si David ay dali-dali nang kumilos ang mga kalaban. Mabilis siyang napaikutan ng mga ito ng kadena.

"Pakawalan niyo ko!" sigaw ni David. Tinawanan lang siya ng mga taong paniki.

"Nag-iisa ka na lang, Pinsan!" sigaw ni Chollo kay Ajhel. "Kung ako sayo, susuko na lang ako!" dugtong nito.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon