-------------------
"Jhael? ibig sabihin kilala mo ang kakambal ko?" Sa narinig ay napamaang si Laila.
"Kakambal mo?"
"Oo, kakambal ko siya. Ako nga pala si Ajhel." Pagpapakilala ng lalaki.
Napatitig siya dito. May kakambal pala yung pamangkin ng matanda sa mansyon. Bakit hindi sila magkasama? Bigla ay sumagi din sa isip niya na baka halimaw ang lalaki na nasa kanyang harapan. Baka nanggaya lang ito ng anyo at baka nililinlang lamang siya nito upang bihagin. Ngunit sa isipang iyon ay kagyat ding iniwaglit ni Laila ang hindi magandang naiisip.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako masama at hindi ako nangangain ng tao." ani Ajhel. Natigilan si Laila sa narinig.
"Anong oras na ah, bakit nga pala napadpad ka pa dito sa may ilog?"
Minsan niya pang tinitigan ang lalaki. Magaan ang pakiramdam niya dito. Pakiwari niya'y hindi siya sasaktan nito. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang mga hindi kapani-kapaniwalang pangyayari. Pero naisip niya na baka makatulong ito. Isa pa, kakambal naman ito ni Jhael.
"Maliligo ka din ba sa ilog?"
"Hindi. Hating-gabi na maliligo pa sa ilog? Anong trip 'yon?"
"Madalas akong pumunta dito sa ilog kapag gusto kong magmuni-muni o magisip-isip. Tanging ang ilog lang ang karamay ko sa tuwing nalulungkot ako." Tumitig sa kanya si Ajhel na wari mo'y kinakabisa nito ang bawat anggulo ng mukha niya. "Ano palang ginagawa mo dito?"
Hindi agad nakasagot si Laila. Matiim na nakipagtitigan lamang siya sa lalaki. Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Tumakbo ako ng tumakbo. Tanging takbo lang ang nagawa ko upang takasan ang kamatayan sa kamay ng mga halimaw." muli ay gumapang ang kakaibang takot sa kanyang dibdib pagkawika nun."Halimaw?"
"Oo at nasa panganib ang buhay ng mga kaibigan ko. Kailangan ko silang balikan. Pwede mo ba akong tulungan?"
"Pwede. Pero pag-iisipan ko muna. Ligo muna ulit ako ah, at katulad ng sabi ko kanina naliligo ako sa ilog kapag gusto kong magisip-isip." ani Ajhel. Naiwan siyang nakanganga habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki. Inuna pa talaga yon? Shutangina.
-------
Biglang nangilid ang luha ni Maricor out of nothing. Siguro dahil naisip na naman niyang nasa hindi magandang kalagayan ang mga kaibigan o ang kanilang kalagayan. Maaaring sa isang iglap lang ay mamatay sila, isang bagay na kinatatakutan niya. Kung kanina ay nagagawa niya pang ngumiti at tumawa, ngayon ay hindi na. Nang maghari ang katahimikan sa pagitan nila ni Jhael ay naghari din ang takot sa kanyang dibdib. Nang mga sandaling iyon ay tahimik nilang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo sa bahaging iyon ng masyon. Nakalagpas na sila sa hagdan, heto't naglalakad naman sila nang wala siyang ideya kung hanggang saan. Ang alam niya lang, mahaba ang lagusan. Hawak-hawak ni Jhael ang kanyang kamay. Mabilis ang paglalakad nito na tila nababanaag ang kadiliman.
"Wait, Jhael, do you hear that?" pigil niya kay Jhael nang makarinig ng maliliit na huni. Parang mga paniki.
"Mga paniki.. Yuko!" Ani Jhael. Nang marinig niya ang sinabi nito ay agad siyang tumalima. Naramdaman na lang ni Maricor ang mga paniki na parang mabilis na nagliparan sa ibabaw ng kanyang ulo.
"Wala na.." narinig niyang usal ni Jhael. Inalalayan siya nitong tumayo. Muli ay tahimik silang naglakad.
"I feel so bored!" mayamaya'y wika ni Maricor. Napangiti sa huli nang marealized ang sinabi. Bored pa siya sa lagay na 'yon gayung makapigil hininga ang mga tagpo. Bakit niya ba nasabi 'yon? Maybe, it was for the simple reason, ayaw niya ng tahimik. Kapag tahimik kasi mas nakakaramdam siya ng takot.
Sa sandaling iyon, ang gusto niya ay maingay. Gusto niyang mag-ingay! Bagay na madalas niyang gawin kapag gusto niyang alisin ang takot o kaba sa kanyang dibdib.

BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!