16 -

3.1K 58 3
                                    


--------------------

"Do I know you, Miss?" Sa narinig niyang sinabi ng lalaki ay tila nanghina ang kanyang mga tuhod. Parang binagsakan ng mundo. Hindi niya alam kung anong ire-react. Nakalimutan agad siya nito? Samantalang siya ay walang araw na hindi ito nawaglit sa kanyang isipan. Hindi makapag-salita si Maricor. Sa matagal na sandali'y, nakatitig lamang siya sa lalaki.

"Don't just stand there and look, take your sit." anitong itinuro ang silya sa harapan. Hindi niya mapigilang manginig sa harap ng lalaki. Kinuha nito ang hawak niyang resume. Kinuha talaga ng literal. Mukha tuloy siyang shunga, lutang. Kung bakit kasi another resume na naman e.

Sa nakalipas na siyam na buwan ay walang araw na nasabi niya sa sarili na sanay muli silang magkitang dalawa. Sana makita niya ulit si Jhael. Ang hindi niya inaasahan ay magiging malamig ang lalaki sa muli nilang pagkikita. May galit kaya si Jhael sa kanya dahil hindi man lang siya nakapag-paalam ng maayos? Kung anu-ano pa ang pumasok na dahilan sa isipan ni Maricor.

Dahilang naisip pa ni Maricor:

1: Wala na itong pakialam sa kanya dahil malayo na rin naman siya sa kapahamakan.

2: Nawalan ng memorya ang gago.

3: Normal na tao na siya kaya ang siste, 'Hu u ka sa akin'

4: Ine-etchos lang siya ng lalaki. Mamaya sasabihin nito.. Charr!

5: Past is past.

6: Wala sa nabanggit.

Nagsimula na ito sa pag-interview. Nagtanong ng kung anu-ano at siniyasat ang mga information na nakasaad sa kanyang resume.

"Why should I hire you?" Panglimang tanong nito. One of the common question when it comes to interview. Meron siyang nakahandang sagot doon, english pa nga e, ngunit dahil lumilipad ang kanyang isip at hindi pa nakaka-get over sa muli nilang pagkikita ay iba ang nasagot niya. Isa pa, ganito dapat ang tanungan nilang dalawa. How are you feeling today? Do you miss someone right now?

"Para ka na ring nagtampo sa rice kapag nireject mo ako." Medyo sinadya na lang niya ng konti na ganoon ang isagot. Para naman iparamdam sa lalaki na siya parin si Maricor na makulit, wala sa hulog gaya ng nakasama siya nito.

Napamaang ang lalaki sa kanyang sagot at ngumiti din ng huli.

"Talaga ba?'' Nagtaas pa ito ng isang kilay. Ang kyut. Putragis, si Jhael talaga ito. Bakit ganito ito sa kanya? Keme-keme lang?

''Kung sakaling hindi kita tatanggapin, sa paanong paraan naman ako nagtampo sa rice?'' Follow-up nito.
Sandali siyang napanganga.

"Ano, kasi --" Putakte, wala siyang maapuhap na maaaring isagot.

"What is it?"

"Pwede kasi akong maging magandang modelo ng kumpanyang ito.." Ang nasabi na lang niya. Napapangiti na lang sa kanya ang lalaki.

Sa isip naman ni Maricor ay parang iba na kung ngumiti si Jhael. Parang nakakapang-init ng mukha. Parang may halong malisya. Ibang Jhael na yata ang nasa harapan niya. Mukhang nagbago na ito at wala nang pakialam sa kanya.

''Modelo ng ano?'' Tanong ulit ng lalaki. Hype na 'to, napaka. Manong next question na. Modelo ng pampabango ng keps. Sa isip-isip niya.

Natapos ang interview ay hindi parin makapaniwala si Maricor. Talo niya pa ang napagsamantalahan.

"Anong nangyari sa'yo? Para kang sinabuyan ng lupa." Salubong sa kanya ni Laila.

"Kinalimutan na niya ako.."

"Nino?"

"Ni Jhael."

"Jhael? Bakit, saan mo siya nakita?" takang tanong ni Laila.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon