-----------------Kanina pa sinusuyod ng tingin ni Bruno ang hilera ng mga mystery books na nasa library bookshelves. Pati ang mga libro about demons and devils ay binubuklat niya. Hindi niya rin pinapalagpas ang mga books about vampires. Nagbabaka sakali siyang makikita dun ang hinahanap. Naghahanap siya ng libro na maaaring makasagot sa kanyang katanungan. Nitong mga nagdaang buwan at linggo ay abala siya sa bagay na 'yon. Maging ang pag-research sa internet ay halos gabi-gabi na niyang ginagawa. Iniisa-isa niya ring tignan ang mga libro tungkol sa mga kababalaghan o hindi maipaliwanag na bagay dito sa mundo.
Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ni Bruno ay kagagawan ni Chollo. Sa kanila ni Alexandra. Nagiging halimaw siya at hindi niya alam kung ilan pa sa kanilang magkakaibigan ang nagiging taong paniki. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang maalis sa katawan ang bagay na iyon. Gusto niyang bumalik sa normal. Ayaw naman niyang magpatangay na lang sa nangyari. Kahit hirap siyang pigilan o kontrolin ang pagbabagong anyo, para sa kanya ay hindi parin siya gagawa ng masama. Sa mundong ating ginagalawan, hindi naman talaga mawawala yung may pagpipilian tayo. Halimbawang kung susundin ba natin ang tama sa mali, kung aanib ba tayo sa mabuti o masama, kung pupunta ba tayo sa dilim o liwanag, o kung maglalakad sa tuwid na daan o paliko-liko. Nasa atin parin ang desisyon kung anong pipiliin natin sa buhay. Para kay Bruno, nagbabago man ang kanyang anyo, mas pipiliin niya parin ang mamuhay ng normal. Kaya naman gagawa at gagawa talaga siya ng paraan upang magbalik sa ayos ang lahat.
Noong 1994 isang grupo ng mangangaso ang nakakita ng isang uri ng tao na maihahalintulad sa isang paniki sa kabundukan ng Azun. Nagawa nitong pumatay ng tao sa kakaibang katangiang taglay nito. Blah-blah-blah-blah...
Nabasa niya mula sa isang book about unexplainable events/things and mysterious creatures. After nun, wala ng iba pang information sa nasabing dokumento. Nakasaad lang na sadyang marami pang misteryo o hindi magbigyang kasagutan dito sa mundo. Sa iba pang libro, may nabasa siyang best easy step kung paano mahuli ang paniki. Paniki lang, hindi taong paniki. Naging interesado siyang basahin iyon kasi sa simula ay nagsasaad ang libro kung gaano kapanganib ang mga paniki sa kabila ng marami itong naitutulong sa kalikasan. Ang sumunod ay nabasa na lang niyang kailangan gumamit ng gwantes, kahon o lata sa paghuli ng paniki. Kaya sa huli ay napakamot na lang siya sa ulo.
Mula sa labas ng bintana ay napansin niya ang manaka-nakang pagbuhos ng ulan. Alas cinco pa lang ng hapon ngunit ang dilim-dilim na ng paligid. Habang hawak ang isang libro ay puna niya ang panginginig ng kamay. Marahil ay dahil sa gutom kasi hindi siya kumain ng lunch. Kinuha niya ang cellphone na pinatong niya sa ibabaw ng lamesa. Ang dami niyang unread messages.
-Busy?
-Txtbk po!
-Bruno, we need to talk about something.. Pwede ka bang pumunta mamayang 8pm sa Plaza Mirandez?
Mga text iyon mula kay Kimberly. Binasa niya pa ang ilang text sa kanya.
-You only LIVE once,
But if you do it RIGHT,
once is ENOUGH !-
Hapontukin! Irr@Office.
Model lng am peg.
Ngata mane at the moment.:DD
Txx Tayo! :]]
LAILAnde:pNapangiti na lang si Bruno sa text ni Laila. Sa pagkakaalam niya sa iisang kumpanya lang silang dalawa ni Maricor nagtatrabaho. Binasa niya pa ang ilan sa mga unread messages niya.
-Good day! Kitakits sa Plaza Mirandez
Text mula kay Alexandra.-Musta Pre?
Text ni David.Nireply-an niya ang mga kaibigan at matapos nun ay lumabas na siya sa library upang kumain.
-----
''Yes, Sir!'' Energetic na tugon ni Maricor kay Mr. CEO pagkapasok niya sa office nito. Pinatawag pa siya sa kanyang mesa para lang sa simpleng bagay na inuutos ng lalaki. Inames, puro ka utos! Sa isip ni Maricor. Yung tipong gagawin na lang, sa kanya pa ipapagawa. Halimbawa, abot mo nga iyon, kunin mo nga 'to, akin na nga 'yan. Napaka-walang'ya. Okay lang sana kung wala siyang ginagawa. Hello, siya kaya ang naka-in charge sa isang malaking event na merong mahigit four hundred na empleyado kasama na dun ang mga taga-HR mga bosses, taga-production at warehouse.
''Eto to na po.'' Anas niyang inilahad ang isang folder na naglalaman ng mga files. Yung folder na iyon ay nasa loob lang din ng office nito, isipin mo na lang, tatayo na lang ito para kuhanin ang folder, mas ginusto pang ipatawag siya sa HR para lang iabot 'yon.
''Eto na, Sir.'' Pag-uulit ni Maricor pagkatapos tumikhim. Kinuha na nito iyon nang hindi tumitingin sa kanya. Binasa.
''Yung latest reports, hindi ito.'' Binalik sa kanya ang folder.
''OK.'' Palihim siyang umirap. Bumalik siya sa shelf ng mga folder at kung anu-ano pang mga papeles at documents.
''Pakisalansan na rin siya ng maayos para kapag may ipapakuha ako, madali itong mahahanap. Iilalim mo yung mga old folders sa latest. Better to separate that by recently or according to the month of report. Sa ibang documents, arrange it by alphabetically or numerically.''
''Oo, Sir.'' nakangiti nang bumaling siya sa lalaki. Hindi mapapagkakaila ang inis sa kanyang tinig. Umirap siya sa huli. Napanganga si Maricor nang makitang nahuli siya ng lalaki sa pag-irap dito.
''Ayaw mo yata e,''
''Hindi, Sir. Part 'to ng trabaho ko bilang secretary niyo. Okay lang po.'' Labas yata sa ilong nang i-wika niya iyon. Ilang sandali'y nakita na niya ang latest report na ngayong araw lang in-issued. Kakalagay lang yata dito sa shelf.
''Here's your latest report, Sir.'' Parang flirt na secretary ang himig niya dun na animo'y sini-seduce niya ang boss. Kulang na lang ay maglantad siya ng cleavage. Pero syempre, nayayamot lang siya kaya ganun ang boses.
''Sige, ilapag mo diyan.'' anito at sinunod niya iyon.
''Balik na ko sa trabaho ko, Sir.'' Akmang lalabas na siya sa office nito nang muli itong magsalita.
''Timpla mo ko ng coffee.''
''Sige po.'' Lihim siyang napabuntong-hininga. ''Black coffee po ba, Sir?''
''Lagyan mo ng creamer.''
''Go.'' tuluyan na siyang lumabas.
''Ihhhhhh!'' Tili niya pagkalabas sa office ng CEO dahil sa sobrang inis. Nagtinginan sa kanya ang mga empleyado na nasa HR. Nag-peace sign siya.
''Jokeee! Kinilig lang ako.'' Segwey ni Maricor. Nag-flipped pa ng hair sa huli.
.........

BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!