27 -

2.1K 58 9
                                    


Marco & Maristella
Part 3

''Hindi ko makakalimutan n'ong unang beses mo akong hinalikan, doon sa ilalim ng liwanag na kahel na nagmumula sa ilaw ng poste ng meralco. Hating-gabi na iyon at pauwi na tayo galing sa birthday-an ng tropa mo na naging kaibigan ko rin.'' panimulang pahayag ni Mikaela. Napangiti sa huli.

''Ayun din yung gabing sinabi mo sa aking mahal mo ako. Hindi ako makapaniwala.'' bahagya pa itong natawa. Tahimik lang na nakikinig si Udan.

''Tapos ilang sandali ay agad mo ring binawi. Sinabi mong hindi mo pala ako mahal. Para kang gagu nun, may pagkamot ka pa sa ulo. Alam kong naguguluhan ka ng mga sandaling iyon at nais ko nang tumawa sa inaasal mo. Lakas maka-adik, boy! Ang wirdo mo nun pero inisip ko na lang na baka epekto lang ito ng alak na ininom mo. Pero nakakaloko yung biglaang paghalik mo't pagsabi sa akin na mahal mo ako na may pagbawi sa dulo.''

''Torpe nga kasi.'' komento ni Udan. Napapangiti na din nang maalala ang tagpong pinapaksa ni Mikaela. ''Pero, ngayong nandito ka na, balak kong ipagpatuloy ang panliligaw ko.'' Dugtong nito. Umiwas ng tingin si Mikaela. Bigla ay medyo nailang.

Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila Udan at Mikaela. Kapwa nakaupo ang dalawa sa bitak na bato doon sa may kakahuyan. Damang-dama nila ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang balat. Bigla ay katahimikan na ang namamagitan sa kanila na tila kapwa nakikiramdaman.

"Kamusta ang lagay ko dyan sa puso mo? Nabawasan ba ang pag-asa ko?" pagbasag ni Udan sa katahimikan. ''Ang tagal din nating hindi nagkita. Baka may nakilala ka sa America na higit sa akin.''

Iniwasan ni Mikaela ang tingin na pinupukaw sa kanya ni Udan. Tumingin na lang siya sa bilog na buwan sabay nagsalita. "I really appreciate your kindness, I like you but I could not take you for being my boyfriend." prangka ni Mikaela. Isa sa dahilan kung bakit siya pinadala ng mga magulang sa Amerika, ay para ilayo kay Udan. Isa pa, itinakda na siyang ipakasal sa iba. Panahong kadalasan ang kasal ay nakasalalay sa mga magulang.
Matagal bago nakapag-react si Udan, mga ilang sandali ay nagsalita na ito.

"Okay lang, walang problema. Masakit at mahirap tanggapin pero alam ko namang hindi nadidiktahan ang puso. Sana manatili pa rin tayong magkaibigan. Alam ko ang dahilan, Mikaela. Pareho kayo ni Marco na naiipit sa isang arranged marriage." anito.

"Mananatili tayong magkaibigan." tugon ni Mikaela sabay balik ng tingin kay Udan.

''Salamat, mayora.''

''Ewan.''

Inalok na ni Udan si Mikaela na bumalik na sa loob kung saan nandoon ang mga kaibigan. Ngunit natigilan ang dalawa nang makita ang nasa harapan nila. Sabay na nagulat ang mga ito na agad na binalot ng kaba. Nanlalaki ang mga mata ng dalawa habang nakatingin sa nilalang na nasa kanilang harapan. Dahil sa pagkabigla, hindi alam ng dalawa kung ano ang gagawin. Tila nag-aagaw ang takot at pagkagimbal sa kanila.

"I-impakto! M-mukha siyang paniki!" nanginginig na wika ni Mikaela. Akmang kikilos na ang dalawa para tumakbo na ngayon lang natauhan nang bigla namang sakmalin ng taong paniki si Mikaela.

"Arkk!" hiyaw ni Mikaela.
Nagbabaga ang mga mata ng taong paniki. Patuloy lamang ito sa pag-atake kay Mikaela. Agad namang kumilos si Udan. Kinuha niya ang malaking bato at pinukpok sa mukha ng halimaw. Napaatras si Udan nang makitang tila hindi tinablan ang nilalang. Parang wala lang dito ang ginawa niyang pag-atake.

"Hangal ka!" bulalas ng taong paniki. Hinagis nito sa isang malaking puno si Mikaela. Sabay baling kay Udan.

"Mikaela!" sigaw ni Udan nang makita ang ginawang paghagis dito.

Nasindak na lang si Udan nang malamang hindi siya makakatakbo agad-agad dahil sa mga malalaking batong nagkukumpulan na nakaharang sa daan na maaari niyang takbuhan. Ilang dipa lang ang layo ng mga halimaw sa kanya. Marami sila. Bagaman mga halimaw ito, nababase niya na ang iba ay pawang mga kabataan. Napasandal na lang siya sa malaking puno na nasa kanyang likuran. Pinakiramdaman na lang niya ang bawat kilos ng nakakatakot na nilalang na nasa kanyang harapan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mahahabang kuko ng halimaw na hindi niya napansin kanina. Ang sumunod na nangyari ay ikinabigla ni Udan.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon