7 -

3.6K 68 3
                                    


-------------------

"Hi, Laila," Bati ni David sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat dahil bigla itong sumulpot sa kusina.

"Wow, champorado!"

"Kapag ganito kasing malamig o umuulan ng malakas, feel kong kumain ng ganito." Sagot niya.

"Hilig mo talagang kumain ng kumain. Kaya ka tumataba eh." Tuksong biro ni David kay Laila.

"Excuse me.." She made a face. "Sa sexy kong ito, magpapataba?" Depensa niya. Tinawanan lang siya ni David.

"Pengeng tubig!" Sabay pang napalingon si Laila at David ng biglang pumasok sa kusina si Kimberly.

"Anong nangyari at parang aligaga ka?" Tanong ni David kay Kimberly.

"Si Bruno, nahulog sa hagdan." Ani Kimberly. Lumabas agad ito sa kusina ng abutan ito ni Laila ng tubig. Sinudan naman ito ni David upang tignan ang kalagayan ni Bruno. Kumuha si Laila ng pot holder upang hanguin ang niluluto. Matapos nun ay lumabas din siya ng kusina para pumunta kela Kimberly.

"May nakita akong... P-parang.." Nakangiwi pa ring pilit na sambit ni Bruno habang kapa-kapa ang likod na noo'y sumasakit dulot ng pagkakahulog sa hagdan.

"Kitang-kita ng mga mata ko nang sumilip ako sa bintana.. Isang lalaking parang galing dito sa mansyon. Nasa may gate siya nang.." Sa putol-putol na salita ni Bruno ay nanatili lang ang mga nakapaligid sa kanyang nakatingin at nakikinig.

"Nang ano?" Si Kimberly.

"Nang biglang magbago ang anyo niya. Tapos may malaking pakpak. Matapos nun lumipad na siya palayo." Saad ni Bruno. Nakaramdam ng takot ang magkakaibigan.

"Hindi kaya yung nakita mo ay yung nakita din ni Maricor?" Ani Kimberly.

"Siguro.."

"Sigurado ka ba sa nakita mo, Bruno?" Tanong ni Laila.

"Oo! Maliwanag sa labas ng mansyon dahil may mga ilaw sa bawat poste, kitang-kitang ko. Malinaw na malinaw!" Ani Bruno.

Sa isang silid mula sa ikalawang palapag ay mag-isa lamang si Maricor. Nagbabasa siya ng libro nang mapasulyap siya sa bintana. Napansin niya na bahagyang nakaawang ang bintana kaya naman lumapit siya doon upang isarado ito.

Pagkalapit sa bintana ay agad niyang nadama ang lamig na dala ng hangin. Tinanaw niya ang labas, malakas parin ang ulan. Sa may kalye ay puro kadiliman lamang ang nakikita. Parang sa lugar na iyon ay sa mansyon lang uso ang ilaw. Sa may gate ng mansyon, may isang lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi niya masyadong masino. Marahang tinitigan niya ang lalaki.

"Sino 'yon? Ang lakas lakas ng ulan nasa labas. Balak yatang magkasakit." Sabi ni Maricor sa sarili. Tinignan niya pa ito ng mabuti nang bigla mula sa likuran ng lalaki ay may lumitaw na malaking pakpak.

Napaatras si Maricor at natakot. Malamang iyon din ang nakita niya sa maliit na bintana sa kusina at nung pauwi na sila galing sa bayan.

Hindi siya sigurado kung marami bang ganun sa lugar na ito. Parang mga taong may pagka-paniki. Hindi alam ni Maricor na sa sandaling nakatingin siya sa labas ay nakatingin din si Bruno sa bintana. Nakita pa ni Bruno ang paglipad ng lalaki na isang taong paniki palayo sa mansyon. Sa takot ni Bruno, nang bumaba ito sa hagdan ay natisod ito at nagpagulong-gulong sa hagdan.

Inayos muna ni Maricor ang sarili nang lumabas ng silid.
Nasa hagdan palang siya nang makita niya sila Laila, David, Kimberly at Bruno.

"Maricor!" Tawag sa kanya ni Kimberly.

"Bakit kayo nagkukumpulan diyan?"

"Si Bruno, nahulog sa hagdan. May nakita daw siyang lalaki na may pakpak at lumipad palayo ng mansyon." Wika ni Kimberly.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon