11 -

3.1K 63 0
                                    


----------------------

"Doon ka muna malapit sa puno!" untag sa kanya ni Ajhel. Nagulat na lang si Laila nang makitang nagbago ang anyo nito. Naging isang taong paniki!
Agad siyang napaatras papunta sa malaking puno.

Hindi rin pala siya pangkaraniwang tao lamang. Isa din siyang halimaw! Tama nga ang hinala ko nung una palang. Aniya sa isip.

"Ang katulad mong hadlang sa lahi natin ay dapat pinapatay! Sugurin siya!" Sigaw ng isa sa apat na taong paniki.

Dali-daling sumugod kay Ajhel ang mga taong paniki.

"Huwag na silang bigyan ng pagkakataon na makaalis sa lugar na ito!" muling sabi ng isa. Nakatayo lamang ito na tila manonood sa pakikipaglaban ng mga kasama. Ang taong paniki na iyon ay ang nagyaya kela Alexandra na makipag-inuman doon sa kubo. Yung tatlong sumugod kay Ajhel ay ang mga pumatay kay Jorjina.

Buong tapang itong hinarap ni Ajhel na noo'y isa na ring taong paniki. Mabilis itong lumipad sa ere at duon nakipagsagupaan. Nakatingalang pinapanood ni Laila ang tagpong iyon.

Mayamaya'y mula sa ere ay nakita niyang bumagsak pababa ang isa sa taong paniki. Kinabahan siya na baka si Ajhel ito ngunit sa tingin niya ay hindi naman siguro dahil patuloy paring may naglalaban sa itaas. Habang abala si Laila sa panonood ay hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya ang isang taong paniki. Nabigla na lang siya nang maramdamang may mga matatalas na kuko ang nakakapit sa kanyang balikat.

"AHHHHHHHH!" sigaw ni Laila. Nagulat si Ajhel nang marinig iyon. Nakita na lang niyang nasa likuran na ni Laila ang isa sa taong paniki. Mabilis siyang kumilos. Lumapit siya sa puno at humugot ng makapal na sanga. Pagkakuha nun ay agad niyang hinampas ang mga taong paniki na siyang kinakalaban niya. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-atake. Bumagsak ang dalawang paniki at kasabay nun ay ang mabilis na paglapit niya sa direksyon ni Laila.

"Hampas lupa!" bulyaw ng taong paniki kay Ajhel.

"Masasaktan ang babaing ito sa maling kilos mo!" banta ng taong paniki na ang tinutukoy ay si Laila. Nakangisi itong nakipag-sukatan ng tingin sa kanya.

Tila naman hindi nangamba si Ajhel sa sinabi nito. Ang sumunod na nangyari ay ikinabigla ng taong paniki na iyon. Dahil parang kasing bilis ng isang nilalang nakayang mag-teleport ay sakal-sakal na ni Ajhel ang taong paniki na nasa likuran ni Laila. Napangiti si Ajhel.

"Sa tingin ko ay doble ang bilis ng kakayahan ko sa kakayahan mo. Mas malakas ako kung ikukumpara sa inyo." ani Ajhel.

"Bitawan muna ang babaing iyan kung ayaw niyong igapos ko kayo sa puno at maabutan ng araw. Hindi niyo rin naman siguro gusto ang mabilad sa initan sa mahabang oras. Tsk! Para kayong dinaing nun." pananakot niya.

Sa kabilang banda naman, ang mga bumagsak na taong paniki na nakalaban ni Ajhel ay mabilis na nakabawi. Tumayo ang mga ito upang sugurin si Ajhel ngunit bago pa mangyari iyon ay nakalipad na pataas sila Ajhel kasama si Laila.

"Huwag niyo nang sundan! May naisip akong mas magandang ideya." sigaw ng isa sa taong paniki. Natigilan ang ilan at lumapit sa tila pinuno nila.

----

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alexandra nang muling humakbang. Kasama niya si Bruno. Ngayo'y binabagtas nila ang basement ng mansyon. Muli silang pumasok sa loob dahil pakiwari niya'y mas delikado sa labas.

"Tara na.." mahinang sabi niya kay Bruno nang mapansing ayaw nitong maglakad. "Kailangang makita natin ang switch ng ilaw para magkaliwanag." aniya at marahang hinila ang lalaki.

"Nandito sa mansyon ang halimaw.. Bakit ba tayo pumasok ulit?" Si Bruno.

"Masyado ka kasing takot. Pati tuloy ako ay nadadamay. Magtiwa ka lang sa akin, walang mangyayari kung hindi tayo kikilos. Kung magkakailaw, mas makakagalaw tayo!" untag niya.

"Wala man lang kasi tayong armas na panlaban. Kung bakit kasi ang dala nating sasakyan ay nawawala ang susi. Saan napunta 'yon? Paano tayo makakaalis dito?" Sunod-sunod na usal ni Bruno.

"Hindi ko din alam.. Siguro hintayin na lang nating mag-umaga."

Habang naglalakad ay pakapa-kapa si Alexandra sa bawat pader ng mansyon. Natigilan siya nang saktong may mahawakang seradura.

"May pintuan.." Pagkawika'y, agad niya itong pinihit.
Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang liwanag nanagmumula sa gasera. Sa may bintana ay may lalaking nakatayo. Agad na rumihistro ang gulat sa mga mata ng dalawa nang masino ang lalaki sa loob ng kwartong iyon. Si Chollo! Sa kanang kamay nito ay may hawak na itak.

"Chollo? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alexandra sa kaibigan. Lumapit sila sa kinaroroonan nito.

"Sshhh.. Huwag kayong maingay." Saway ni Chollo. "Ang mga taong paniki ay nasa paligid lamang.."

"Taong paniki? Iyon pala talaga ang tawag sa kanila? Nakakatakot. Maliban sa aswang, tiktek, manananggal at kung anu-ano pa, napatunayan kong meron din palang ganun."  Saad ni Bruno. Hindi pinansin ni Chollo ang sinabi nito. Tinalikuran lamang nito ang mga kaibigan at humarap pa lalo sa bintana.

"Nandito ako upang panoorin ang kapalaran nila, at ninyo!"

"Anong pinapanood e, kadiliman lamang ang makikita mo sa labas ng bintanang iyan. At saka ng kapalaran namin? Ano bang pinagsasabi mo? Nakabatak ka ba?" naiinis na si Alexandra. Ganitong-ganito din sa mga horror movies e, nasa panganib na nga, prente pa, usap-usap at minsan nga nagagawa pang makipag-chukchakan.

"Malinaw ang paningin ko kahit sa madilim.."

"Ganun? Sana hindi muna sinindihan yung gasera." tila pagsakay ni Bruno sa kaibigan. ''Halika na, umalis na tayo dito.'' dugtong nito.

"Sinadya ko 'yan upang makita niyo ako sa loob."

"Tara na, kailangan na nating gumawa ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na ito, humanap na din tayo ng armas na panlaban sa mga halimaw na iyon.." ani Alexandra. Nagulat na lang siya nang mabilis na hawakan ni Chollo ang kanyang braso. Paanong nakalapit ito kaagad sa kanya nang hindi niya napapansin? Naguguluhan na talaga siya sa mga inaasta at sa mga sinasabi nito.

"Hindi na kayo makakaalis dito!" bulyaw ni Chollo kay Alexandra.

"Ano bang nangyayari sayo, Chollo? Bitawan mo nga ako!"

"Chollo, ano ba? Wala ka bang balak na makaalis sa lugar na ito? Susuko ka na agad? Kasalanan mo ito eh, kung bakit kasi dito mo pa naisipang dalhin kami!" wika ni Bruno.

"Sinadya ko ang lahat! Ang lahat ng ito ay plano ko.. Mamamatay kayong lahat!" sigaw ni Chollo.

Tinaga nito ng itak ang kamay ni Alexandra.

"Ahhhh!" hiyaw ni Alexandra dahil sa sakit nang maputol ang kanyang kamay. Sumirit ang dugo niyon.

......

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon