29 -

2.1K 51 3
                                    


Marco & Maristella
Part 5

Isang malaking tanong agad ang namuo sa isipan ni Marco. Naisip niya na kung sakaling ang babaing ito ang nagligtas o tumulong sa kanya, paano nito nagawa iyon? Paano na nagawang iligtas siya ng isang babae sa hindi pangkaraniwang nilalang? Minsan pa niya itong tinitigan. Marami siyang nais kumpirmahin mula dito. Napansin naman niyang bigla itong yumuko. Hindi niya alam kung nahiya o nailang ba ito dahil sa pagkakatitig niya.

"Gising ka na pala.." paanas nitong usal habang nanatili paring nakayuko.

"Ikaw ba ang nagligtas sa akin?"

"S-sandali, i-ikukuha kita ng makakain at maiinom." utal nitong sabi. Bakit ba palaging palihis ito kung sumagot? Dagli itong tumalikod sa kanya at mabilis na lumabas.

Nagtaka naman si Marco sa inasal ng babae. Nang mapadako ang kanyang tingin sa katawan ay doon niya lang napansin na tanging boxer short lang pala ang kanyang suot. Napuna niya rin na may benda ang kanyang tiyan, maging ang magkabilaang balikat. Pero hindi niya masyadong pinagtuunan ang bagay na iyon. Pilyo pero ang naisip niya ay kung ang babae ba ang naghubad ng kanyang damit at pantalon. Ang birhen kong katawan, hindi naman siguro napagsamantalahan. Bahagya siyang natawa.

Hinintay niya ang muling pagpasok ng pamangkin ni Manang Olga. Sinadya niyang hindi ibalik ang kumot sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang makita ang nakakatawang ekspresyon ng babae.

Mga ilang sandali pa ay dumating na ito. May dala-dala itong mangkok. Napuna ni Marco na hindi ito makatingin sa kanyang direksyon. Ilag. Lihim siyang napangisi. Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa babae. Aaminin niya, naiingganyo siyang pagmasdan ito. Sa dinami-raming naggagandahang dilag sa Maynila, aywan kung bakit ang angking mukha nito ay tila may taglay na kaiintiresantihan mong pagmasdan. Para bang isang magandang tanawing inukit at inilatag sa isang paraiso.

"K-kumain ka muna nitong sopas." Inilapag nito ang mangkok malapit sa kanyang balikat, doon sa papag na kanyang kinahihigaan. Matapos nun, tumalikod na ito sa kanya.

"Sandali lang naman." pigil niya dito. Nilingon siya ng babae.

"Kaya mo naman sigurong kumain mag-isa." mataray na sabi ng babae.

''Hindi 'yon, itong hubad na anyo ko, sinong nag —''

''— Si Tiyo Simon. Siya ang nag-asikaso sa'yo. Isa siyang manggagamot.'' napatango-tango siya. Halata niya ang tensyon nito habang bumubuka ang bibig. Parang nais pang matawa ni Marco sa pagkailag nito. Hindi yata sanay sa presensya ng isang lalaki.

Pinilit niyang bumangon. Napangiwi. Agad naramdaman ang kirot sa iba't ibang bahagi ng katawan. Sinadya niyang sungawan ng nakakaawang anyo ang likas na maamong mukha nang ibalik ang tingin sa babae. Maaawa kaya ito sa akin? Matitiis niya ba ang poging ako?
"Paano pala ako makakakain? Hindi ko maangat ang katawan ko maging ang mga braso ko'y sumasakit kapag inaangat." pahayag niya at kuwariy bigla pang nasaktan.

"Sandali, ikukuha kita ng masusuot mo." wika ng babae at agad lumabas ng kwarto. Ayun na nga, kinaiilang nito ang makisig niyang katawan.
Napangiti na lang siya sa tinuran nito. Nawala sa isipan na kumpirmahin kung ito ba ang nagligtas sa kanya at kung paano nito nagawa iyon. Napatingin siya sa sopas. Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Kanina pa siya nanginginig sa gutom. Ang kapilyuhan at gutom ay hindi niya alam kung paano naipagsabay. Hindi pa nga pala siya kumakain simula ng makarating sila sa lugar na iyon. Ibinalik na niya ang kumot para takpan ang kanyang katawan.

Gusto na niyang kumain. Pero magagawa niya lang ito sa tulong ng babae. Masakit talaga ang mga balikat niya. Sobrang sakit. Kumikirot kapag iaangat niya ang braso. Nang bumalik ang babae, may dala-dala na itong manipis na pants at pitsel na may tubig. Ibinato nito ang pants sa kanyang direksyon. Salbahe, tsk! Buti hindi nito naisip na yung pitsel ang ibato.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon