8 -

3.6K 70 0
                                    

------------------------

"Huwag kang matakot, Maricor. Hindi kita sasaktan. Ililigtas kita." Wika ng lalaki sa kanyang likuran nang makalayo-layo na sila sa kanyang mga kaibigan. Pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki. Si Jhael?

Kahit na madilim ay ramdam niyang parang may pinasukan silang isang silid.
Narinig niyang nagsara ang pintuan at ang sumunod na naramdaman na lang ni Maricor ay parang pababa sila ng hagdan. Saan sila papunta?
Nang tanggalin ng lalaki ang kamay nito sa kanyang bibig ay agad niya itong binulyawan.

"Sino ka? Saan mo ako balak dahil?"

"Si Jhael.."

"Walangya ka, anong binabalak mo?"

"Ililigtas nga kita! Hindi mo ba alam, sa mansyong ito ay may nakakasama kang taong paniki! Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi higit pa!"

Napamaang siya sa narinig mula kay Jhael. 

"Taong paniki? May mga taong paniki sa mansyong ito?" Pag-uulit niya.

"Oo.. At isa na ako dun."
Nabigla si Maricor sa narinig. Matagal bago siya muling nagsalita. Natakot.

"Isa kang taong paniki? Ibig sabihin ay isa ka ring halimaw na pumapatay ng tao?" Tanong ni Maricar.

"Hindi.. Hindi ako katulad nila. Di ba no'ng unang araw niyo dito sa Sitio Ayunta ay yung araw din na bumalik ako sa lugar na ito."
Nang hindi siya umimek ay muling nagsalita si Jhael.

"Alam ko na kasing mangyayari ang mga bagay na ito.. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako tutulong sa mga tao dahil minsan na akong nabigo. Pero dahil sa babaing iyon,. Sa babaing matagal ko ng nakikita sa panaginip ko ay muli akong bumalik dito sa Sitio Ayunta. Para iligtas siya.. At ikaw 'yon Maricor." Saad ni Jhael. Tinawanan niya lang ang sinabi nito.

"Kalokohan! Namo ka!"

"Totoo. Yung  unang gabi niyo dito, nung gabing gumimik ka sa bayan kasama yung babaing kulot-kulot ang buhok, ako yung nakita mong taong paniki na dumaan sa harapan ng kotse. Sinundan ko kayo para bantayan. Ako din yung taong paniki na nagligtas kanina kay-- kay Alexandra? Basta, nakita ko na lang siyang walang malay malapit na sa gubat."

Sandaling napaisip si Maricor. Siya ang nakita niya nang gumimik sila ni Kimberly? At siya din pala ang tumulong kay Alexandra?

Kaya pala hindi alam ni Alexandra kung paano siya napunta sa mansyon. Malamang ay si Jhael din ang nakita nila ni Bruno sa may gate na isa ding taong paniki, ayun siguro yung oras bago nito makita si Alexandra at dalhin sa mansyon.

"Mabait ka?" Ayun lang ang nasabi niya.

"Oo naman.. Kaya ko nga kayo tinutulungan eh, kaso--"

"Kaso?"

"Kaso, hindi ko natulungan yung magkasintahan."

Napaisip si Maricor. "Si Paloma at si Brix? Bakit anong nangyari sa kanila?"

"Patay na sila.. Bago ko makita si Alexandra ay nakita ko yung katawan nung dalawa. Pasensya kung hindi ko sila nagawang tulungan." Ani Jhael. Napuna niya ang lungkot sa boses nito. Nanlumo man sa narinig ay wala na siyang magagawa. Nangyari na ang lahat.

"Wala kang kasalanan.. Siguro nakatakda talagang mangyari ang bagay na ito.." Aniya.

"Bakit hindi mo masabi ang tungkol sa taong paniki?" Tanong niya kay Jhael. 

"Dahil hindi iyon ganung kadaling sabihin. Kaya naman sinabi ko na lang sayo na may pumapatay ng karumal-dumal dito sa lugar na ito. Gusto kong sabihin sainyo ang mga nalalaman ko kaso, baka isipin niyong gumagawa lang ako ng kwento. Gumagawa lang ng kwento para umalis kayo dito sa mansyon. Basta, mahirap ipaliwanag ang bagay na 'yon gayung hindi niyo pa natutuklasan."

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon