---------------------------"Sa dinami-dami naman kasi ng pwede nating pagbakasyunan bakit sa Sitio Ayunta mo pa napili? Ayan tuloy may nakilala kang babae na hanggang ngayon ay hindi mo parin makalimutan. Siyam na buwan na ang nakakalipas ah, yung kumpanya ni Daddy napapabayaan muna dahil sa Maricor na 'yan!" Sermon ni Ajhel sa kakambal na si Jhael. Nasa terrace sila ng kanilang bahay ng mga sandaling iyon at nagi-inom.
"Nararamdaman mo ba ang mga taong paniki sa paligid? I mean, kung gaano kalakas ang presensya nila, parang napakarami na nilang nandito sa Metro-Manila." ani Jhael sabay lagok sa hawak na light beer. Ayaw niyang pag-usapan si Maricor kaya agad siyang lumihis sa topic.
"Pamilya lang naman nila Chollo ang alam kong hayok parin sa lamang loob ng tao at mukhang hindi nila iyon kayang pigilan. Okay lang sana kung papatayin na nila at kakainin kaso, mukhang nagpaparami sila ng lahi. Parang gusto nilang mangibabaw ang mga taong paniki sa mundo." komento ni Ajhel.
Hindi nag-react si Jhael. Ang totoo ay kanina pa lumilipad ang isip niya kung saan. Muli ay lumagok siya sa hawak na light beer. Sumindi muna ng yosi bago ulit nagsalita.
"Pilit nating tinatalikuran ang pagiging taong paniki. Sinusubukan nating umasta na parang normal na tao. Naisip ko lang, bakit kaya hindi na lang natin tapusin ang mga kalahi natin, patayin natin silang lahat. Nang sa ganoon ay hindi na natin problemahin o isipin ang kaligtasan ng mga tao. Para hindi na rin tayo mangamba."
"Kung kaya lang natin gawin ang bagay na 'yan, edi sana noon pa natin ginawa! Alam mo kung gaano sila kadami at kalakas. Naaalala mo ba noong nakipag-laban ako kay Chollo? Halos nagtulungan na nga tayo, nahirapan parin tayong dalawa. Marami pang malalakas na taong paniki. Parang mga normal na tao din lang ang mga 'yan, may sariling lakas, kakayahan at utak kung paano makikipaglaban o maipagtatanggol ang sarili." mahabang lintanya ni Ajhel.
Katahimikan ang nangibabaw sa pagitan ng dalawa na tila parehong may malalim na iniisip.
"Kamusta pala si Tita? Panigurado nabusog iyon sa dinalang pagkain ni Chollo. Matindi rin si Chollo, no? Pati mga kaibigan pinakain! Sa tingin mo may nakaligtas kaya sa magkakaibigan?" tanong ni Ajhel.
"Kakaiba ka talaga, tol! Ang tagal na nun ngayon mo lang naitanong." Aniya sabay tawa ng pagak. Sandali siyang tumalima upang kumuha ulit ng beer at tube ice.
"Si Lala, Lele, Lalai..whatever! Hindi ako sigurado kung nakaligtas ba 'yon, iniwan ko kasi sila sa loob ng mansyon nila Chollo. Alam mo naman tol, ayokong makita ang pagmumukha ni Chollo kaya hindi na rin ako masyadong tumuloy papasok dun sa mansyon." wika ni Ajhel pagbalik niya. Nginitian niya ito at inabutan ng isa pang beer.
"Basta ako nakakasiguradong ligtas si Maricor. Dahil iyon ang nararamdaman ko.." buo ang kumpiyansang usal ni Jhael.
"Kakaiba ka na yata ngayon, Tol. pati sa normal na tao malakas ang pakiramdam mo, baka naman may dugong paniki din si Maricor kaya ganun na lang kalakas ang kutob mo sa kanya."
"Malabo yun. Edi sana nararamdaman niya ang mga taong paniki sa paligid kung may dugo siyang paniki."
"Sa tingin mo ba hahayaan ni Chollo na manatiling buhay si Maricor gayong alam na nito ang tungkol sa mga taong paniki?" ani Ajhel. Dahil dun ay natigilan si Jhael. Sandali siyang napaisip at natakot din sa huli. Natakot sa isipang dalawa lang ang pweding sapitin ni Maricor kung buhay pa ito. Ang kainin at patayin ito o ibilang sa katulad nilang taong paniki. Kailangan na niyang kumilos! Ramdam niyang buhay pa si Maricor at kailangan niya itong iligtas. Pero saan naman niya ito hahanapin?
"Nasabi mo kay Maricor na isa kang taong paniki, alam niya bang pinsan natin si Chollo? Kung oo, maaari niyang maisip na isa ring taong paniki si Chollo." mayamaya'y muling wika ni Ajhel.

BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!