34 -

1.7K 43 3
                                    

Naramdaman na lang ni Marco na parang hindi na siya nakabitin patiwarik. Nakatulog siya dahil sa sakit at hirap ng kanyang kalagayan. Idinilat niya ang mga mata. Nagulat siya nang makita si Maristella sa kanyang harapan.

"Maristella?"

"Pssst.. Huwag kang maingay. Kailangang makaalis tayo sa loob ng templong ito." Anito.

"Tama nga ang hinala ko. Isa itong templo." Sa isip ni Marco.

Inalalayan siyang tumayo ni Maristella mula sa pagkakahiga sa sahig. "Paano mo ako naitanggal mula sa pagkakabitin?" Tanong niya. Nagtataka siya kasi ang taas-taas ng pinagbitingan sa kanya.

"Mamaya ko na sasabihin ang lahat. Umalis muna tayo dito." Wika ni Maristella.

Iginaya siya ng babae sa paglalakad pero ilang hakbang palang ang nalalakad nila nang makarinig sila ng mga yabag. Inilagay ni Maristella ang isa nitong kamay sa balikat niya upang mapabilis ang lakad nila.

Nagtago sila sa gilid kung saan may malaking jar. Hindi naman sila agad makikita sa kinatataguan nila dahil may nakaharang na malaking poste.

Nilibot ni Marco ang kanyang paningin sa kanilang pinagtataguan. Muling napuna niya ang mga nakakatakot na mukha na nakaukit sa pader. Parang mga demonyo ang mga iyon. Napansin niya din ang malaking Jar malapit sa kanila. Napakalaki ng jar na iyon nasa tingin niya ay mas malaki pa sa kanya. Ang laki ng templong ito. Sa hallway palang parang isang malawak na daan ng isang village. Maraming simbolo ang makikita sa paligid. Saan ka man luminga nandun yung senyales ng kung sino man ang sinasamba nila. Tumingin siya kay Maristella na noo'y tahimik na nagmamatyag sa mga paparating.

"Paano tayo makakalabas d---" Hindi na natapos magsalita si Marco dahil tinakpan ni Maristella ang bibig niya.

"Wala na ang bihag!" Malakas na sigaw ng lalaki.

Dahil sa kanilang narinig ay napaatras pa sila sa gilid hanggang mapasandal na sila sa may pader.
Pagka-sandal nila sa pader, nagulat sila ng biglang pumihit iyon, dahilan para mapunta sila sa kabilang bahagi ng templo.

Hindi inaasahan ni Marco lalo na si Maristella na may sikretong bahagi ang templong iyon. Iginala nila ang kanilang pangingin. Agad na napuna nila na parang isa lamang makitid na daan ang bahaging iyon. Matagal na sigurong hindi ito napapasok dahil puro sapot na ang madadaanan. Kung hindi dahil sa pulang ilaw sa bawat kanto ay hindi nila makikita ang paligid. Mayaman ang lahi ng mga taong paniki. Hindi na katakataka kung may serbisyo ng kuryente dito. Marami silang kayamanan. Kung saan nila nakuha ay hindi ko alam. Puna ko iyon sa itsura palang ng templo na meron sila.

Itinayo ni Maristella si Marco at inalalayang maglakad. Hindi nila alam kung saan ang patutunguhan nila. Pero isa lang ang nais nila. Ang makalabas sa templong iyon. Napahinto na lang sila sa paglalakad nang mapansin ang maraming kalansay na kanilang madadaanan.

"Ang daming kalansay." Ani Marco.

"Malamang iyan ang mga kalansay na inaalay nila sa kanilang diyablo." Wika ni Maristella.

Marahang tinitigan ni Marco si Maristella.

"Alam mo ang dami ko ng naitanong sayo.. Ang dami mo na ring hindi sinasagot. Sana sagutin mo itong tanong ko.. Bakit ba parang ang dami mong alam tungkol sa mga ganitong bagay?" Ani Marco.

"Sasabihin ko naman saiyo ang lahat. Sa ngayon kailangan muna nating makalabas dito." Anito.

"Pwede mo namang ikwento habang naglalakad tayo ah.." Sabi ni Marco sabay nguso na parang batang nagma-makaawa.

"Hoy! Baka nakakalimutan mong ang bigat-bigat mo!" Singhal ni Maristella.

"Ano namang koneksyon ng bigat ko para hindi mo ikwento sa akin lahat ng nalalaman mo." Pangungulit ni Marco.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon