Hindi sinabi ni Marco ang tungkol sa taong paniki. Ramdam niya na alam nito iyon. Napabuntong-hininga si Maristella. N'ong unang araw na makita niya ang magkakaibigan ay halos ipagtabuyan niya ang mga ito. Ngayong narinig niya mismo kay Marco na sila'y aalis na, aywan kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Ang dahilan ay hindi niya mawari. Parang back to normal, bagay na nakakaumay na para sa kanya. Same old habit, balik sa boring. Walang nagpapa-excite. Unlike kapag nandyan si Marco, parang may buhay ang bawat araw niya. Hindi sa attrative siya marahil sa lalaki kundi may kung ano sa presensya talaga nitong nagpapa-curious kay Maristella.Pritong isda at ensaladang talbos ng kangkong ang kanyang niluto. Binalikan niya ang silid na kinaroroonan ni Marco. Nakatulog na naman ito. Kung bakit ang sarap nitong pagmasdan habang himbing. Ilang beses na ba niya itong lihim na tinitignan? Hindi na mabilang. May kung ano itong taglay na sadyang nakakahalina. Minsan ay nagsasalita ito habang tulog. Kay sarap pakinggan.
Nagmulat ng mga mata si Marco. Diretso sa kanya. Titigan. Nakaramdam siya ng pagkahiya nang umiwas ng tingin.
''K-kakain na,'' anas niyang mautal-utal pa. Hindi makatingin sa lalaki.
''Ang ganda mo.'' anito. Pakiramdam niya'y pinamulahan siya ng mukha. ''Naramdaman kong pinagmamasdan ako ng isang magandang babae na kung hindi pa ako magmumulat, malamang nahubaran na ako.'' patudya nitong usal. Patuyang tumawa.
''Kailan ka gigising sa imahinasyon mo?'' pagtataray niya. Parang ibig sapukin ang lalaki.
''Gising na gising na.''
''Pwes, tumayo ka na dyan!''
''Taray. Alalayan mo ako.''
''Uuwi na nga kayo, di ba? Ibig sabihin, kaya mo na.'' diretsong lumandas sa bibig niya ang mga salitang iyon. Hindi napag-isipan. Bigla siyang natigilan. Napuna niya ang kakaibang tingin ni Marco nang mapatingin dito. Kung nakangisi o ano ay hindi niya alam. Nababasa niya ang nasa isip nito.
''Narinig mo pala ang usapan namin ni Marco.'' anas nito na may mga matang nang uusig. ''Sabihin mo lang, magi-stay ako dito, kahit gaano pa nakakatakot.''
Napamaang siya. ''Buhay mo 'yan, huwag mong hayaan na ibang tao ang magdedesisyon.''
''Hindi ka iba sa akin.''
''Aywan ko sa'yo, gutom lang 'yan.'' tinulukuran na niya ito. Ilang hakbang palang nang mapahinto. Nakakakonsensya naman kung hahayaan niya lang itong maglakad mag-isa. Kaya na naman nito kahit papaano pero yung paghakbang sa hagdan pababa ay tiyak mahihirapan. Binalikan niya si Marco. Nakatayo na ito at nakatingin sa kanya. Kunot-noo.
''Hindi mo ako matiis, ano?''
''Tara na.'' kinuha niya ang braso nito at pinasan sa kanyang balikat. Wala ng hiya-hiya. ''Huwag kang magpabigat, bibitawan talaga kita.''
''Opo.''
Sa hapag kainan ay naghihintay si Aling Olga at Manong Simon. Medyo nakakaramdam ng pagkahiya si Marco.
''Maupo ka, Marco.'' anang ginang. Tumalima ang lalaki.
''Salamat po.''
''Kamusta ang lagay mo?'' tanong ni Mang Simon.
''Maayos na ho.'' bahagya niya itong nginitian. ''Salamat po sa inyo.''
Marami pa silang napag-usapan bago matapos kumain. Matapos linisin ni Maristella ang lamesa at hugasan ang pinagkainan, niyaya niya itong magpahangin sa labas. Sinamahan siya nito. Sa maikling panahon, unti-unti na niya itong nakilala. Nakakatuwa kasi nagkukwento ito sa kanya.
--
''Magdidilim na o, hindi pa ba tayo uuwe? Sabi ni Marco, kahit alas tres ng hapon dapat ay nakabalik na tayo. Anong oras na 'to." si Jericho.

BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!