4 -

3.9K 77 0
                                    


----------------------------

Kanina pa tumatakbo si Marco sa kahabaan ng kadiliman. Hindi niya alam kung saan siya naroroon. Basta ang alam niya lang ay nakakatakot ang lugar na 'yon at hinahabol siya ng mga hindi pangkaraniwang nilalang.

Nang magkaluskusan ang mga sanga sa puno ay naging alerto siya at inihanda ang sarili kung sakaling may umatake sa kanya. Pinatalas niya ang pakiramdam at pinaikot ang mga mata. Parang pamilyar sa kanya ang mga tagpong ito.

"Daaaaddd!!!"

Binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang marinig ang boses ng anak.

"Anak! Nasaan ka?" Tila sigaw ni Marco sa kawalan.

"D-dad tulungan mo ako.." Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nahihirapan ito.

"Anakkk! Nasaan ka?" Labis na talaga siyang nag-aalala.
Mga ilang sandali ay muling nakarinig ng kaluskos mula sa likuran si Marco. Lumingon siya at sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang kanyang anak. Ngunit agad din siyang natigilan nang mapuna ang nakakatakot na nilalang sa likuran nito. Ang taong paniki! Sigaw ni Marco sa isip.

"H-huwag mong sasaktan ang anak ko.. Parang awa mo na."
Unti-unti niyang hinakbang ang mga paa papalapit sa kinaroroonan ng anak. Ngangamba siya na baka kung anong gawin ng taong paniki dito.

Nang malapit na siya sa kinanatatayuan ng anak at akmang hahawakan na lamang ito, nagimbal siya nang makita kung anong ginawa ng taong paniki.
Mula sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ni Marco kung paano paghiwalayin ng taong paniki ang ulo ng anak sa pinagkakabitan nito.

"Anaaaaak!!"

Nagising si Marco sa malakas na yugyog sa kanyang katawan.
"Maristella?" May kung anong takot sa tinig niya. Iginala niya ang paningin. Nasa loob siya ng sasakyan nila. Naalala niya na pauwi na sila at si Maristella ang pinag-drive niya dahil pagod na pagod siya sa maghapon dahil sa tambak na trabaho.

"Binabangungot ka.."

"A-ang taong paniki.." Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Marco. Hinagod-hagod ni Maristella ang likod ng asawa. Sa pagkakataong iyon ay inihinto muna nito ang kotse.

"Hon, kinakabahan ako para sa anak natin.."

"Marco, nakakasiguro ako na nasa mabuting kalagayan ang anak natin.. Tumawag siya kagabi na nakarating na sila sa kanilang tutuluyan sa selebrasyon nilang iyon." Si Maristella.

"Pero Maristella, ganito rin ang takot na naramdaman ko noon kapag napapaginipan ko ang taong paniki. Sa loob ng maraming taon ay ngayon ko na lang ulit ito napaginipan. Nangangamba ako na baka mangyari rin iyon sa realidad katulad ng nangyari sa akin. Hon, nanganganib ang buhay ng anak natin."

"Huwag kang mag-aalala hon, bukas ay pauuwiin ko na."

---

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang pauwi na galing sa parke ang dalawang magkasintahan na sina Paloma at Brix. Sa may gilid sila ng talahiban dumaan kung saan short-cut papunta sa mansyon na tinutuluyan nila.

Huminto sa pagkalalakad si Brix na siyang ikinabigla ni Paloma. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ng nobyo. Kinabahan siya sapagkat nababasa niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito. Alam niya ang kapilyuhan ni Brix.

"Alam ko ang iniisip mo at huwag mo ng balakin!" Bulyaw ni Paloma sa nobyo. Natigilan ito at marahang tumitig sa kanya.

"Please, babe? I wanna make love to you." Anito. May kasamang panunuyo ang tinig. "Isa pa, namissed kita ng sobra. Ang tagal din nating hindi nagkasama. Kung bakit kasi bantay sarado ka sa kuya mo sa unibersidad natin. Kung hindi pa tayo nagkaroon ng celebration na gaya nito baka hindi pa kita nakasama. kaya please, pagbigyan mo na ako--" Dugtong nito.

"Sa nakakatakot na lugar na ito? You're crazy, Brix!" Tanggi niya.

"What's wrong? It's more exciting.. Kahit yata magtakbuhan tayong nakahubad ay walang makakakita. Parang wala namang tao dito at wala rin namang nadaan dito sa pasilyo nitong talahiban." Ani Brix. Hinawakan niya ang magkabilaang bewang ni Paloma at sinubsob sa katawan niya. Siniil niya ito ng halik.

Agad namang tinulak ni Paloma ang nobyo palayo sa kanya. "This is not a good idea. Look! Ang creepy ng lugar na ito."Aniya at nagsimula ng maglakad palayo sa nobyo.

Naging mabilis ang pagkilos ni Brix. Hinigit niya ang braso ni Paloma at muling siniil ng halik. Agad niyang isinilid ang kanyang kamay sa loob ng blouse ni Paloma at ginagap ang dibdib nito.

Nangatog naman ang katawan ni Paloma. Sa pagkakataong iyon ay parang hindi na niya maaawat o mapipigilan ang nobyo. Aminado siyang nakaramdam agad siya ng kakaibang kiliti. Bagay na palagi niyang pinananabikan sa nobyo. She don't like the pressence of the grasslands but she thought, this is another experience, unforgettable moment.

----

"Ano 'yon?" Bulong ni Paloma sa sarili nang makarinig ng malakas na sigaw. Ilang minuto na siguro ang lumilipas ngunit hindi parin bumabalik si Brix may kukunin lang daw ito sandali nang pumasok sa loob ng mga talahib. Noon pa man ay alam na niyang mahilig itong manurpresa. Sa katunayan ay mapupuno na yata ang kwarto niya ng mga gifts nito. Alam niyang meron itong tinnatagong gift sa likod ng pantalon nito kanina.

Nang mga sandaling iyon ay nilulukob na si Paloma ng kakaibang takot. Tumayo siya at inayos ang sarili. Kakatapos lang nilang pagsaluhan ni Brix ang makamundong pagnanasa.
Bahagya siyang natigilan nang mapansin na parang may taong nagtatago sa likod ng malaking puno.

Luminga siya sa paligid. Sa mga nagtataasang puno ay ilan lang sa parte ng mga talahib ang nasisinagan ng buwan.
She took a deep breath at isinantabi ang hindi magandang naglalaro sa kanyang isip. Sinimulan na niyang bagtasin ang daan kung saan tinungo ni Brix.

Habang naglalakad si Paloma ay nakaramdam na lang siya ng mabigat na bagay na lumagakpak sa kanyang likuran. Napadaing siya sa sakit. Tumingin siya sa lupa dahil alam niyang ang mabigat na bagay na lumagakpak sa likuran niya ay galing sa taas.

Mula sa liwanag ng buwan ay nanlaki ang mga mata ni Paloma sa nakita.
Si Brix! Wakwak ang leeg nito maging ang dibdib at tiyan. Napuna niyang parang kinuha ang puso at mga lamang loob ng nobyo.

"A H H H H H H H H !!!" Malakas na sigaw ni Paloma sa nakitang sinapit ng nobyo.

Nanginig na lang ang buong katawan niya nang makarinig ng mga kaluslos na papunta sa kanyang kinaroroonan.
Hanggang sa tumambad sa kanya ang isang nakakatakot na nilalang.

"HALIMAWWW!"

......

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon